Enjoy reading, Sweeties;)
Claudette
I really don't know what mystery is there at Westlington University. I don't even know what kind of person Konnor is.
Nang nagkaroon ako ng panic attacks dahil sa kan'ya ay minabuti kong layuan ang kumag na 'yon at huwag hayaan na magkasalubong ang landas naming dalawa. Kahapon ay talagang kila Kobe ako sumama.
Hinayaan ko rin na ihatid niya ako sa boarding house kahit pa ba kailangan pang umikot si Kobe ng daan para lang maihatid ako sa mismong tapat ng boarding house ko.
Naglalakad ako papasok sa university ngayon at labis na nagdadasal na hindi ko makita si Konnor.
I don't want to see his face and I especially don't want the strange effect of his presence on me.
Kaso talagang sinusubok ng tadhana ang katatagan ko lalo't nakita ko ang grupo nila Konnor na naglalakad sa unahan ko. Mukhang papalabas naman sila ng university kaya naman kumaliwa ako dahil ayaw ko nang magkasalubungan kami.
Baliw pa naman ang kupal na 'yon kaya alam kong hindi niya ako papatahimikin.
I don't want to have a fight with him anymore. He's really scary.
"Boss, si Claudette," dinig kong sabi ni Russell.
Dahil nga papansin 'yon ay kilalang-kilala ko na ang boses niya. Madiin akong napapikit at binilisan ang paglalakad ko.
Walang lingon-lingon akong naglakad at umaasang makakatakas ako kay Konnor at sa mga alaga niyang mga kupal din.
Kaso may brasong umakbay sa akin.
"Hey beautiful," he whispered.
"Konnor, I'm not playing with you," I whispered back hoping that he will stop bothering me.
Palalampasin ko na ang ginawa niya sa akin noong nakaraan.
Nagpapasalamat naman ako lalo't hindi siya madalas na pumasok.
"What are you talking about?" he asked.
"Grabe mas gusto ko pa si Sapphire para kay Boss," rinig kong bulong ni Russell.
Kunot akong lumingon sa likod namin ni Konnor.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" inis na tanong ko sa kan'ya dahil sa inis.
Narinig ko naman ang tawa ng isang lalaki at mahinang sinuntok si Russell sa t'yan. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang lalaking nakasuot ng baseball cap at pumigil kay Russell na guluhin ako.
Napatitig ako sa kamay niyang naka-arm cast support siya.
"Pagpasensiya mo na 'tong unggoy na 'to, Claudette. Ako nga pala si Psalm," nakangiting sabi niya at inilahad ang maayos niyang kamay sa akin upang makipagkilala.
Dahil nga sa inis ko ay tinulak ko si Konnor papalayo sa akin na nagulat pa nga lalo't hindi inaasahan ang pagtulak ko.
"Lubayan niyo nga akong mga baliw kayo," inis na sabi ko at hindi tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaking nagngangalang Psalm.
"Tignan mo kung paano sumagot? Isa kalabit lang Boss, lilipad 'to sa kabilang University," sabi ni Russell kaya naman inirapan ko siya.
Aalis na sana ako para layuan sila nang humarang sa harapan ko si Konnor.
"I told you to fix your attitude," he said as if he's giving me a warning.
"Kayo ang umayos... ano ba talagang kailangan mo sa akin? Hindi na nga kita inaano," inis na sabi ko lalo't halata namang wala akong makukuhang tulong mula sa ibang estudyante kapag may gagawin sa akin si Konnor.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
RomanceSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...