Chapter 32

307 14 5
                                    

Enjoy reading, Sweeties;)


Claudette


"Nadadalas ang pagsasama ng dalawang 'yon ah," mahinang sab isa akin ni Kobe. Kasalukuyan kaming nasa batibot ngayon. Parehas kaming hinihintay ang mga kagrupo namin sa fieldwork para makapag-meeting na kami.

"Magkagrupo naman sila," mahinang sabi ko at nagkunwari na lang akong abala sa pagbabasa ng mga lesson namin bukas.

Malapit na ang OJT naming at hindi pa naming 'yon napag-uusapan ni Konnor. Even though I let him support Rebecca. There is something heavy inside me that I don't understand.

Sinusubukan ko namang intindihin kung saan nanggagaling si Konnor. Dapat intindihin ko na ayaw lang maulit ni Konnor ang nangyari sa Mama niya dahil sa sakit na meron si Becca ngayon.

Kobe is now the one I always hang out with, especially since he also asks about the lessons he missed when he was absent from class for a week. Naging tahimik si Kobe na para bang wala na rin siyang pakialam sa mga nangyayari.

Nagpatong-patong ang problema ko lately lalo na sa mga lesson na hirap ako, rati kasi ay tinutulungan ako ni Konnor at pinapaliwanag niya sa akin ang mga madudugong problem solving na nahihirapan akong intindihin pero ngayon kasi ay nahahati ang atensyon ni Konnor.

Kapag nasa akin naman siya ay madalas siyang pagod. Ayaw niya rin kasing bitawan ang trabaho niya sa mc Donald dahil wala raw akong kasamang uuwi pero madalas naman tumatawag si Rebecca sa kan'ya kaya pahinga na lang ang ginagawa niya kapag nasa boarding ko siya.

Bayarin na naman pala sa susunod na buwan. Ngayon na wala na akong nakukuhang allowance mula kay Dad ay kailangan kong mag-provide sa sarili ko.

Nahihiya naman akong sabihin kay Konnor dahil palagi naman siyang wala sa boarding.

I held my breath and suddenly Freya and Oliver arrived. Si Oliver ang partner ni Kobe kaya madalas kaming apat na magkakasama.

"Ano tara na? Parang stress na stress ka," pansin ni Freya sa akin kaya naman napahawak na lang ako sa batok ko.

"Halika na, sa boarding na lang tayo magpahinga," mahinang sabi ko at dahan-dahan na tumayo.

Maaga kaming na-dismissed. Kailangan kong magpahinga lalo't may pasok pa ako sa trabaho mamayang gabi.

Nasaan si Konnor? Na kay Rebecca.

Wala nang bago doon kaya mukhang kailangan ko na lang talagang masanay. Hangga't hindi gumagaling si Becca, mukhang pag-aari niya si Konnor.

"BABAYARAN ko rin 'to," mahinang sabi ko habang nakatingin kay Freya na ngumiti lang dahil sa sinabi ko.

"Bayaran mo kapag nakaluwag-luwag ka na," mahinang sabi niya sa akin kaya naman tumango na lang ako.

Uuwi ako bukas sa manila para kausapin sana si Dad tungkol sa allowance ko. Gusto kong magmalaki sa kan'ya at ipamukha sa kan'ya na kaya ko ang sarili ko pero lately para akong papatayin ng pag-ooverthink ko.

Palagi naman kaming tabing matulog ni Konnor dahil pinipilit naman niya makauwi sa akin kaso hindi ako nakakatulog ng maayos. 'Yong imbis pag-aaral na lang ang iniisip ko ay pati ang mga gastusin ko rito ay iniisip ko na rin.

I was stunned when I felt Freya staring at me and she seemed to be thinking far away.

"Ayos ka lang ba?" mahinang tanong ko sa kan'ya kaya naman natigilan siya at umiwas ng tingin sa akin.

"Try to talk to Rebecca," she suddenly said.

Nagtaka naman ako lalo't hindi naman nagkakasalubungan ang mga landas namin ni Rebecca maliban na lang sa klase. Tahimik lang din naman siya sa room.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon