Chapter 21

268 9 29
                                    

Enjoy Reading, Sweeties;)


Claudette


Katulad nang inaasahan ko kapag kinausap ko si Dad tungkol sa mga desisyon at pangarap ko. Nakatanggap lang ako ng malutong na sampal mula sa kan'ya kaya hindi ko na pinilit pa ang sarili ko.

Bumalik ako sa Baguio na may sama ng loob kay Dad.

Hindi na bago 'yon.

"Claudette!" malakas na tawag sa akin ni Freya pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom namin.

Agad hinanap ng mga mata ko si Konnor pero wala siya gano'n din sila Russell.

"Congratulations!" masayang sabi ni Freya sa akin kaya naman nagtaka ako.

"Huh?" nagtataka kong tanong kay Freya.

"Noong umuwi ka nang Friday after the exam, nag-check kami ng bluebooks," nakangiting sabi ni Freya sa akin.

"Ikaw ang nangunguna sa pinakamataas ang nakuhang score for preliminary," nakangiting sabi pa niya kaya naman tila gumaan ang pakiramdam ko nang malaman 'yon.

Masaya akong nakakuha ako ng mataas na score sa exam.

"Baka wala pa nga tayong teacher kasi kakatapos ng preliminary exam, tatamarin na naman magturo mga 'yon," sabi ni Freya kaya naman natatawa akong naupo sa tabi niya.

Nakita ko rin si Oliver sa pinakaligod kaya naman kinawayan ko siya. Sila lang ni Freya ang kasa-kasama kong mag-review.

Sinunod naman kasi ni Konnor ang hiling ko na huwag na muna akong guguluhin.

"Ano, Claudette, manonood ka ba ng laban ni Onyx at Konnor?" makulit na tanong sa akin ni Freya kahit na alam naman niyang iniiwasan ko si Konnor.

"Kailan?" mahinang tanong ko.

"Mamayang gabi na," sagot ni Freya kaya naman napakunot ako ng noo dahil ang bilis naman yata.

"What's their bet?" I asked.

"Ewan ko," mahinang sagot ni Freya sa akin kaya naman napailing na lang ako.

Napairap na lang ako maya-maya ay akala ko tatambay na lang ako sa room kahit na hindi kami mini-meet ng mga teacher kaso nag-aya si Freya na lumabas kaya naman sumunod na lang ako sa kan'ya.

"Ano ang plano mo?" tanong niya nang nasa open canteen kami ng university medyo malayo sa department namin.

"Ano'ng planong pinagsasabi mo d'yan?" tanong ko.

I admit that my eyes have longed to see Konnor.

"Papansinin mo na ba ang nobyo mo?" nakangising tanong niya sa akin kaya naman inirapan ko siya.

Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kan'ya.

"S-saan ba gaganapin ang laban?" mahinang tanong ko.

"Sinasabi ko na nga ba e, gusto mong manood," nakangisi siyang sab isa akin kaya umiwas ako ng tingin.

I'm just worried about what might happen. Konnor's knee isn't that heal yet.

Ewan ko ba naman sa lalaking 'yon.

"Sa court doon sa City hall," nakangiting sabi ni Freya. "Alam mo bang marami sa estudyante ang manonood at paniguradong gumagawa ng banner para kila Konnor. Papatalo ka ba?"

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Nilalayuan ko nga siya hindi ba?" inis na sabi ko at inirapan siya.

"Bahala ka, baka bumalik siya sa ex niya," biglang sabi ni Freya na para bang tinatakot ako.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon