Chapter 4

1.4K 30 28
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)


Claudette 


'Papasok ba ako?'

Wala akong tulog! Hindi ako nakatulog ng maayos. Buong gabi akong binabagabag ng halik na 'yon.

I pulled my hair out of annoyance. I looked at the clock on the wall while lying in bed.

Mula sa bintana ay natatanaw ko na malapit nang mag-umaga. Alas singko na ng madaling araw at maya-maya lang ay tutunog na ang alarm clock ko pero kaso useless din naman lalo't hindi naman ako nakatulog.

That crazy man's kiss replayed over and over in my mind.

Hindi ko yata kayang makita ang lalaking 'yon mamaya.

Pero baka may biglaan na namang quiz mamaya. Another thing that bothers me is the mess that happened last night.

Anong gulo 'yon? Bakit may gano'n? Bago harangan ng baliw na 'yon ang ulo ko para hindi masaksihan ang nangyayari ay marami nang basag na bote ang nagkalat noon sa unahan ko.

Bakit nagkakaroon ng ganoon dito?

Nakakatakot.

Paano na lang kung natamaan ako ng basag na bote kagabi?

Napasabunot ako sa buhok ko at nagpagulong-gulong sa kama ko. Ayaw ko rito pero mas ayaw ko naman sa bahay ni Dad.

I'm not even safe in our house. Even my own family I fear because of their cruelty.

"Ano'ng gagawin ko?"

I have no choice but to go to university to attend my class. It's really stuck in my mind that maybe some of the student will talk about the mess that happened last night.

Inagahan ko na lang pumasok at minabuti na maging tahimik na lang sa buong klase namin ng umaga.

"Paniguradong may napagtripan na naman ang grupo nila Captain kagabi," rinig kong sabi ng grupo ng kababaihan sa harapan ko.

"Oo, kitang-kita ko nga ang mga basag na bote malapit diro sa university," sabi pa ng isa na para bang sanay na sanay na sila sa ganoon.

Hindi nagklase ang dalawang subject naming kaninang umaga. Nasa cafeteria ako ng school para mananghalian.

I didn't see Russell's group earlier. Maraming wala kanina at sigurado akong wala rin ang apat na lalaking nanggulo sa akin sa batibot kahapon.

Nahihilo pa nga ako dahil wala akong tulog. Dahil nga mamaya pang 2:30 ang klase ko ay tutuloy muna ako sa boarding upang magpahinga at upang makapag-advance reading na rin sa subject naming mamaya.

Susubo na sana ako nang biglang may umupo sa harapan ko.

My eyes widened when I saw the man with deep brownish-green eyes in front of me.

"Hey there, beautiful," he said teasingly.

Hindi ko natuloy ang pagsubo ko nang makita ko ang lalaking laman ng isip ko buong gabi. Ang lalaking hindi ako pinatulog.

Ang halik na 'yon na sigurado akong hindi ko makakalimutan. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi ng maayos kagabi.

Lutang na lutang ako dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin.

"Boss, what's your order?" suddenly someone came next to him and asked for his order, but I was suddenly stunned when I saw the face of the man who asked this bastard in front of me.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon