Chapter 35

491 18 6
                                    

Enjoy reading, Sweeties

Claudette

My life seriously fucks up!

My relationship with Konnor is a mess!

It wasn't easy for me to overthink things this past few days. Naghalo-halo ang iniisip ko. Mula doon sa anak ni tita Clarissa, sa paulit-ulit na sinasabi ni Kobe, sa final examination, sa mga requirements na sunod-sunod ang deadline at lalong-lalo na si Konnor at Rebecca.

I can't even describe how I'm feeling right now, all I can say is that it hurts.

Nagsisimula na ang bigat sa dibdib ko kahit na paulit-ulit kong sinasabi kay Konnor na ayos lang ako sa tuwing tinatanong niya kung ano ang nangyari sa buong araw ko.

In the first place... hindi naman niya 'yon maitatanong sa akin kung kasama ko siya pero hindi e. Palagi siyang wala.

"Ang hirap ng hydraulics talaga," rinig kong sabi ni Kobe kaya naman napatitig ako sa kan'ya. Inaayos ko na ang calculator ko. Kakatapos ng exam naming ngayong araw.

Uuwi ako ng Manila mamaya since tapos na ang final examination. Sa tingin ko kailangan ko ng pahinga. Masyado nang mabigat ang nararamdaman ko. Napansi kong tuwing nag-rereview ako kay naiiyak ako at hindi ko alam kung bakit.

"Uuwi na tayo?" napatigil ako sa pag-aayos nang gamit ko nang lumapit sa amin si Konnor. Himala at humiwalay siya kay Rebecca.

"Baka magwala na naman si Rebecca kasi hindi ka niya katabi," malamig na sabi ko kaya naman nakita kong natigilan si Konnor maging si Kobe ay natigilan din sa pag-aayos ng gamit niya.

Konnor was speechless because of what I said. I just looked at Kobe and asked him to leave the room.

"Hey penguin, what's happening?"

Hinabol kami ni Konnor kaya hindi pa ako nakakalabas ng pintuan nang mahawakan na niya ang braso ko.

"Nothing," I said coldly.

Nirespeto ko ang desisyon niyang pakisamahan si Rebecca dahil mas kailangan ni Becca ng atensyon.

Hinayaan ko ang nadadalas niyang pag-uwi sa akin kung kailan niya lang nanaisin na umuwi. Palagi niyang sinasabi na kailangan ni Becca ng makakasama. Inintindi ko 'yon dahil malaki ang tiwala ko sa kan'ya.

There are times when I want to call him and have him come home to me because I need him, but he always says when I call that he is with Becca, and they are doing activities that they need to submit.

Noong una hindi ko naman pinapansin at hindi ko pinapalaki dahil abala rin ako sa pag-aaral pero ngayon na ramdam ko ang unti-unting nasasanay ang sarili kong hindi kasama si Konnor ang siyang kinakatakot ko.

Lumalalim ang tampong nararamdaman ko na kung kailan maraming katanungan ang meron sa isip ko na kailangan ko ng kasagutan ay wala siya sa tabi ko.

"You're mad... may nagawa ba akong hindi maganda?" tanong ni Konnor sa akin kaya naman pinakatitigan ko siya bago umiling.

"Wala naman... baka kasi busy ka ulit at kailangan mong umalis kaya hinahayaan na kita," walang ganang sabi ko.

The Bad Boy's WarningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon