Enjoy reading, Sweeties:)
Claudette
I don't want to overthink things, especially about the love that Konnor has for me.
Lately, after the midterm examination, he and Rebecca have been getting together more often, because maybe they are partners for our fieldwork. Gagawin namin ang fieldwork na 'yon hanggang matapos ang final examination lalo't i-rereport namin 'yon.
Palagi rin naman niyang sinasabi na 'yon lang ang dahilan kung bakit nagsasama sila ng matagal ni Rebecca.
Nahihirapan din ako sa subject namin na Hydraulics kaya naman doon ko halos binubuhos ang oras ko para mag-advance reading sa mga lesson.
Napansin ko rin na tinanggalan ako ng allowance ni Dad. Akala ko ay nakakalimutan niya lang lagyan ang card ko kaso nagkamali ako dahil tuluyan na ngang wala siyang ibinigay ni singkong duling kaya naman kahit na gusto kong mag-resign na sa pagiging part-time sa Mc Donald ay mukhang hindi na matutuloy.
Kailangan ko ng pera para sa mga other expenses ko sa university. Kahit pa bayad na ang tuition ko ay kailangan kong bayaran ang boarding ko at ang pang-araw-araw ko na gastos.
Nagsimula na rin akong mag-post sa dummy account ko at tumanggap ng commission sa mga digital arts.
Meron namang paisa-isang nagpapagawa kaya kahit na masyadong hectic ang schedule ko ay talagang kailangan kong magtrabaho pa rin. Hindi ko alam kung napapansin ni Konnor ang pagiging abala ko lately o masyado lang talaga siyang naka-focus kay Rebecca.
"Ngayon ka lang umuwi," mahinang sabi ko nang makita kong bumukas ang pinto ng boarding ko.
Nagkausap kami ni Freya kanina bago siya umalis sa boarding niya dahil magbabakasyon lang daw mula siya kahit na tatlong araw lang, pahinga na rin sa katatapos na examination.
I saw the shock on Konnor's face when he saw that I was still awake.
"Konnor, ano ba ang nangyayari?" malamig na tanong ko sa kan'ya kaya naman napabuntong hininga siya.
Hindi siya sumagot sa akin pero agad niyang binuhat si Mary na naglambing sa kan'ya. May miniature kaming project kaya naman hindi pa ako natutulog. Nag-advance reading din ako sa mga topic these finals.
Kakatapos lang ng midterm examination namin at kakasimula palang last week ang finals namin. Mas nadadalas ang pag-alis ni Konnor.
Mabilis kong iniwas ang ulo ko nang hahalikan niya sana ako sa noo ko.
"Penguin, kasama ko lang sila Psalm," mahinang sabi niya pero hindi ako naniwala. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at pilit na nilalabanan ang luha na gustong bumagsak mula sa mga mata ko.
Hindi magsusunungaling sa akin si Freya nang sabihin niya sa akin nakita niya si Konnor at Rebecca sa Alaminos.
Talagang sa Alaminos pa kung saan niya ako dinadala kapag parehas naming gustong makita ang karagatan.
"Sila Psalm? Kailan pa naging babae si Psalm?" malamig na tanong ko sa kan'ya kaya naman napahawak ng noo niya si Konnor.
"What are you talking about? Sila Psalm ang kasama ko," talagang nagsinungaling pa siya sa akin. Mahina ko siyang itinulak nang muli niyang subukan na yumakap sa akin.
"Ano naman ang gagawin niyo sa Alaminos ni Psalm? Mag-friendly date kayo?" malamig na tanong ko.
Hindi ko alam pero bigla na lang ako sumabog sa harapan ni Konnor. May ipinadalang letrato sa akin si Freya. Letrato 'yon ni Rebecca at Konnor na tila nasa night market. Parehas ng damit niya ngayon ang nasa letrato kaya naman sigurado akong galing Alaminos si Konnor.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Warning
RomanceSOON TO BE PUBLISHED Maria Claudette Lopez was a self-centered lady who will do everything to experience being loved by her Father. She was alone and pressured thinking that she did not know what the fate of her destiny would be. When she met Konno...