Nazareth's POV (Part 1)

83.9K 1.5K 199
                                    

Special Chapter # 1

Nazareth Sarmiego

Trigger Warning: Torture, Violence

"Nazareth, Ate Krystal is dead," sabi ni Xavier sa telepono, isa sa mga kapatid ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga sandali na iyon. Sa aming magkakapatid, siya ang pinakamalapit sa akin. Growing up, she would always protect me from our foster parents whenever I fail during our physical trainings. Siya ang umaako ng kakulangan ko kaya siya lagi ang napaparusahan. Sa aming apat na magkakapatid, ako ang pinakamahina, pero ako naman ang paborito ng mga umampon sa amin. Ingat na ingat sila. I thought it was because I was the weakest among us. I was wrong.

Bata pa lang ay alam na naming hindi kami magkakadugo. Kulay abo ang mga mata ko samantalang kay Xavier ay bughaw. Parehas namang tsokolate ang kina Ate Eunice at Ate Krystal. At bata pa lang kami, tinuturuan na rin kami kung paano pumatay.

I hadn't killed anyone yet. But I grew up watching my siblings kill people. Kaya nasabi kong paborito ako ay dahil ayos lang sa mga umampon sa amin na hindi ko gawin iyon.

"Your hands are meant to kill people that are special in the future . . ." si Mama Emily. Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Ikaw ang papatay sa mga taong magiging balakid sa atin na maging makapangyarihan."

As a child, I didn't understand every single word that Mama Emily said. Ang nasa isip ko lang, na kahit ampon kaming apat, ay mahal nila kami. At isa sa kaakibat ng pagmamahal na iyon ay ang pagkitil ng buhay. Kaya habang lumalaki ako, akala ko normal iyon.

Not until it happened.

"Yaya Luisa?" I called our new maid's name. She was wiping the marble floor. She stood up and shook her cloth a little so the dust would go away. Mabait siya sa akin. Mabait sila pareho sa akin ng asawa niya na bago rin naming driver na si Manong Philip. Magdadalawang buwan na sila sa amin.

"Nazareth." Ngumiti ito sa 'kin."Ang ganda ng pangalan mo." She went to me. Iginiya niya ako upang maupo sa malapit na sofa. "Alam mo bang sa nayon ng Nazareth sinabi ng anghel na si Gabriel kay Mama Mary na isisilang niya si Hesus?"

I looked at her, unhinged. She put her hand on the top of my head and she started caressing them. Her large and dreamy eyes were so beautiful. It spoke thousand of words. "Talaga po?"

She nodded her head. "Hango ang pangalan mo sa nayon kung saan lumaki ang batang si Hesus at nanirahan kasama ng kaniyang ina," she said. "Your name is just as pure as you are."

Ngumiti ako. She was so kind.

"Kabaligtaran ng pangalan mo ang pangalan ng anak ko." Her eyes reflected the emotions of longing and agony. It must be hard for her to be apart from her own family. "Mabait siyang bata, Nazareth. Palangiti at palatawa. Magkatulad kayo ngunit may pagkakaiba sa maraming bagay."

I was fascinated. "Sino po siya?"

"Hell," she claimed. "Hellary Aia."

Napamahal ako sa kanilang dalawa ng asawa niya. Kapag pahinga nila, naglalaro kami kasama sina Xavier at Kestrel— na mga ka-edad ko rin. Hindi namin kapatid si Kestrel. Kaibigan ng mga magulang niya sina Mama Emily. Nakikilaro lang sa amin.

Nagdo-drawing kami sa pader tapos nagtatagu-taguan. Akala ko magagalit sina Mama Emily at Papa Arthur kapag nakita nilang nakikipaglaro kami sa kanila. Pero nang minsang madatnan kami ng mga ito, sinulyapan lang kami pagkatapos ay nilagpasan.

"Bakit ba natin sila kinakalaro?" tanong ni Xavier nang minsang tumanggi si Yaya na makilaro sa amin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Mabait sila sa 'kin."

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon