Ininom ko ang gatas na nakapataong sa study table ko. I flipped the page of the book above the table. Binasa ko simula itaas hanggang ibababa ang nakalagay ro'n. I wasn't really into books, but I need them. I have to. Lalo na't sobrang disappointed na si mommy sa 'kin. I need to put myself up in order not to make the same mistake again. Kailangan kong mag-aral hindi lang dahil kay mommy, kung 'di para na rin hindi ako maging kawawa sa hinaharap.
Sinilip ko ang orasan na nakadikit sa itaas ng flat screen tv sa aking kwarto. I still had one hour to prepare. Magkikita kami ni Neo sa tapat ng coffee shop malapit sa aming school. Bakit ba ako pumayag na sumabay sa kaniya papunta sa school? What was with him these days? Anong iniisip niya?
What's your plan, Neo?
Sinarado ko na ang librong binabasa. Nilagay ko ito sa aking bag bago magtungo sa banyo. And once I was done with the rituals, bumaba na ako para umalis. I blew my hair dry first and put lip tint on my lips before coming down. Umaalon ang aking buhok habang bitbit ang aking bag.
I rolled my eyes when I saw the scene in the living room. Naghaharutan ang ina ko at si Allen. They were laughing and tickling each other—himala't nandito sila. Dapat ay nagtra-trabaho sila at wala rito sa bahay.
Tumikhim ako para mapansin nila ang presensya ko. Matapos ay dire-diretso akong naglakad papunta sa labas kung saan naghihintay ang maghahatid sa 'kin. "Hellary!"
I stopped. Tumingala ako upang kalmahin ang sarili dahil hindi ako pwedeng ma-stress ngayon. Hindi ako maaring makita ni Neo na mukhang dinaanan ng sampung elepante. Nilingon ko si mommy. Nakatayo na pala siya sa aking likod habang si Allen ay nakahawak sa kaniyang bewang. Napansin naman ni Allen na nakatingin ako sa kaniyang kamay na nakalapat sa balat ng aking ina. Agad niyang tinaggal iyon.
"Bakit, mommy?"
Ngumiti si mommy sa 'kin. Tila good mood ito ngayon at may magandang balita. "Hindi ka ba muna mag be-breakfast?"
Nagkatinginan sila ni Allen. "We have something to announce."
Umiling ako. "I'm sorry, but I'll eat outside," I said. "What is it?"
Kinuyom ko ang aking kamao. I was trying so hard to calm myself. Nainis ako sa haplos ni Allen sa braso ni mommy.
"Bakit? We have food here, Hellary. Bakit sa labas ka pa kakain?"
"Hayaan mo na Melisa. Let Hellary do what she wants," ani Allen.
Sinulyapan niya ako at tipid na ngumiti. Umismid ako. Akala niya siguro makukuha niya ang loob ko dahil sa pagtanggol sa 'kin. No way. Mas lalo lamang akong naiirita.
"No, Allen." Naiinis na hinarap ako ni mommy. "Eat here, Hellary. What's the use—"
"Ayoko kayo makasabay sa hapagkainan. Can you please, just allow me?" putol ko.
Agad nanggalaiti si mommy ngunit tumalikod na ako. Hinanap ko si Mang Wil para magpahatid sa coffee shop para agad akong nakaramdam ng sakit sa bandang anit ko. Hinarap ako ni mommy at agad tumama ang kaniyang palad sa aking pisngi.
Napahawak ako sa parteng sinampal ni mommy. Dinaluhan ni Allen si mommy na galit na galit akong pinanood. My tears were half away from falling.
"You're a devil, Hellary! Hindi kita pinalaking ganiyan!" Hinila ni Allen ang kaniyang kamay ngunit pumiglas siya. "I regret giving birth to you! Para kang walang pinag-aralan!"
Damn, here we go again.
Ngumiti ako ng mapait kahit may namumuong luha na sa gilid ng mata ko. "Lagi naman. Sanay na ako."
Tumalikod na ako. Mabilis ang hakbang kong tinungo ang sasakyan. Nakahinga ako nang maluwag nang matiwasay akong makapasok. Nilingon ko si mommy sa labas ng kotse. Pilit siyang pinapakalma ni Allen. Nakayapos ito sa kaniya habang may galit na namumutawi sa kaniyang mata. Parang may buhay ang aking luha na sunod sunod na tumulo.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...