Chapter 10

252K 10.5K 4.6K
                                    

Lumipas ang ilang araw at unti-unti nang kumukupas ang isyu tungkol sa 'kin sa school. Ngunit ang mga mata ng mga estudyante ay laging may ibang kahulugan. Kahit saan din ako magpunta ay may mga nakatingin. Even outside the school. Nag-trending daw kasi ang video ko na nakaluhod sa harapan ni Neo online. They pitied me for what I did. Sabi sa comments ay dapat daw hindi ako ang maghabol sa isang lalaki. Dapat daw ay ang mga babae ang hinahabol.

I rolled my eyes with the thought. Hindi naman. Hindi sa lahat ng oras ay lalaki ang dapat maghabol sa mga babae. Mapaglaro ang pana ni Kupido, walang kasarian na pinipili ito. Kung tatamaan ka, tatamaan ka talaga. In the past days, school at bahay lang ako. Kahit na ayain ako ni Hera lumabas o kahit magpunta mall ay hindi ako sumasama. Hindi ko maatim ang mga tingin ng mga tao sa 'kin. It was four days ago yet the video online is still spreading like wild fire.

That's why I hated social media. Punong-puno ng mga taong walang magawa sa buhay nila. There are still things that we could do aside from typing or facing the smart phones. 'Di ba? Dahil na rin sa mga telepono ay hindi nakaka-bonding ng mga kabataan ngayon ang kanilang mga pamilya. Dahil imbis na magbigay ng oras sa bawat isa ay mas nilalaan nila sa pagpipindot ng gadgets.

Hinawi ko ang aking buhok. Panay ang hila ni Hera sa aking braso. Kinukulit niya na naman akong mag-mall. May bibilhin daw siyang dress na nakita niya kahapon pero hindi niya nabili kasi anong oras na raw. Hera loves shopping. Ako naman ay hindi masyado. Hindi ako mahilig sa mga damit. Pero madalas akong kumuha ng ideya sa internet dahil nga hindi rin ako masyado marunong manamit.

"Hell, dali na..."

"Ayoko nga, Her."

Ngumuso siya at hinampas ako. "Dali na! Ngayon lang naman!"

Kahit ilang ulit akong pinilit ni Hera ay hindi talaga ako pumayag. Sabay kaming kumain sa cafeteria nang sumapit ang break. Tinusok ko ang sliced-cake sa aking harap at sinubo iyon. The sweet taste of the cake melted on my tongue. Paborito ko talaga ang cake ng Elron High.

"Bi," tawag ni Hera sa aking atensyon.

Tiningnan ko siya. Ngumuso siya gamit ang kaniyang labi na animoy may tinuturo.

"What?"

Mas tumulis ang kaniyang labi sa aking likod. Nilingon ko ang tinuturo niya. Nakahalukipkip ang isang lalake habang nakasandal sa pader. Wala siyang kasama. Nagi-isa lamang siya kaya panay ang tingin sa kaniya ng mga tao. Masungit ang kaniyang mata habang sinusuyod ang dagat ng estudyante sa cafeteria.

Halos mahulog ako sa kinauupuan nang biglang magtama ang mga mata namin ni Neo. I didn't know if that was only my imagination, but I saw his eyes flickered. Tila ako talaga ang puntirya niya ngunit nanatili siya gano'ng ayos. What? It couldn't be. Hellary, anong pumasok sa utak mo na ikaw talaga ang hinahanap niya?

Nag-iwas ako nang tingin. Muli kong hinarap ang pagkain at nagsimulang sumubo. Ninamnam ko ng mabuti ang lasa ng cake na tila roon ko binubuhos ang buong atensyon.

Stop assuming, Hellary.

But I couldn't! Bakit niya ako nilapitan noong nakaraan? Bakit niya pinunasan ang uniform ko gamit ng kaniyang kamay? What the hell. Isa iyon sa mga pangarap ko. Pero sinabi ko na titigil na ako maging desperada sa kaniya. When I said that I would get rid of him, I meant it. The moment he burned my heart into ashes, he already loses me. I was already tired of being stupid and desperate. Tama na siguro ang luhang sinayang ko para sa taong hindi naman worth it mahalin.

Tama 'yan, Hellary.

Bumuntong hininga ako. Nakakapagod din pala magpakatanga.

"Can I sit here with you?"

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon