Chapter 45

194K 8.7K 5.7K
                                    

When I found out that our company was already sinking and we wouldn't be able to cope up, sabi ko kay mommy na magpa-part time job muna ako para tapusin ko muna ang school year bago ako tumuntong sa kolehiyo.

I did.

But the following day, nag-iba ang ihip ng hangin. I woke up, and I felt my tummy was very upset. Parang maduduwal ako. Agad akong tumayo at sinubsob ang sarili sa lababo.

Sumuka ako nang sumuka. Tubig lamang ang lumalabas dahil hindi pa ako kumakain. Ramdam ko rin na nahihilo ako. Kumapit ako sa kanto ng lababo bago nagmumog at hilamos. Natulala ako sa repleksyon ko sa salamin.

H-Hindi kaya...

My eyes widened. Tumakbo ako at agad kinalkal ang aking phone. I checked the date in the calendar. I stiffened. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kung anong araw ngayon.

Kahapon dapat...

Pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadatnan?

"O-oh my God..."

My hunch was right when I sneaked out to buy some pregnancy tests. Napahagulgol ako sa iyak nang mapagtagpi tagpi ang lahat.

Two lines.

It was positive.

I was pregnant!

Nilibot ang tingin sa kwartong halos wala ng laman. Tears streamed down from my eyes when thoughts bothered my mind. Natutop ko ang aking bibig. Naalala ko ang ginawa ko noong nakaraan.

When I drugged Nazareth and we ended up making love. Iyon ang ginamit ko upang sirain ang reputasyon niya. Pero ngayon ako ang nasira.

Nagbunga ang maling ginawa ko.

I locked myself up the whole day. Nasa madilim na sulok lamang ako, umiiyak. I didn't know how I would tell everything to mommy. Marami na kaming problema at ayoko nang dagdagan pa iyon.

Hindi ako lumabas sa mga sumunod na araw. And mommy kept knocking at my door. She was so worried, but I didn't know how will I face her. Natatakot ako.

Andaming pumapasok sa isip ko. Anak ito ni Nazareth. Ngunit wala na siya. How would I raise this child alone?! Ayokong lumaki ang anak namin na walang ama!

"Damn this life!" I started crying. "Nazareth, bakit kung kailan kailangan kita tsaka ka n-nawala..."

I hid myself more when the door of my room opened. Nasilaw ako sa liwanag kaya tinakpan ko ang mga mata ko. Nakita ko na lang ang sarili na yakap yakap ni mommy.

"Hellary! What's wrong with you!" She started crying. "Anak, ano bang nangyayari sa 'yo?!"

Natahimik ako nung una. Hindi ako nakasagot. Sa ilang araw na pagi-isip ay napagtanto ko na kailangan ni mommy malaman. Siya na lang ang kakampi ko sa buhay. She must know.

Then I told her.

"M-mommy, I-I'm pregnant..."

Her eyes widened in horror. Bumaba ang kaniyang tingin sa aking tiyan. Bumilis ang kaniyang paghinga.

"H-how..."

"M-mommy, I'm sorr—" Nag-panic ako. "Mommy!? mommy!?"

She was rushed to the hospital when she fainted. The doctor said she was fine and just needed to take a good rest. Ngunit binalaan ako ng doctor na mas tingnan nang maigi si mommy at i-iwas sa mga pagkain na maaring maka-apekto sa puso niya.

The doctor told me that she had a weak heart.

Nang araw ding iyon ay hinimatay ako dahil ilang araw na akong hindi kumakain at natutulog. Nagising na lamang ako na hawak na ni mommy ang mga kamay ko. We were in a hospital room.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon