Chapter 9

224K 10.3K 3.2K
                                    

Tinitigan ko ang likod ni Neo. Nagkakabuhol-buhol ang utak ko dahil sa nangyari. Ramdam ko pa rin ang panlalamig ng aking mga palad. Did he just? Oh my god. I couldn't believe it! Pakiramdam ko tuloy ay may kumikiliti sa aking tyan. I hate to admit this—pero natatakot ako.

Baka mabawi ko ang sinabi ko sa mismong harapan niya dahil sa ginawa niya ngayon.

Wala akong isang salita. Pero sa simpleng galaw niya lang ay baka bumalik papunta sa kaniya ang puso ko. Hindi ako sigurado pero kapag naulit pa iyon ay baka hindi ko na talaga mapigilan muli ang sarili ko.

Pumunta ako sa locker room. Iniwan kong laglag ang panga ng mga tao sa paligid ko lalo na si Suzzaine na halos umabot sa kisame ang panlalaki ng mata. Gulat na gulat siya. Paano pa kaya ako?

Pinagtitinginan ako sa hallway papuntang locker, buti na lang at nakarating ako ng ligtas doon ng walang binabatong salita sa 'kin. However, they were all looking at me with their eyes. Wala silang sinasabi pero alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon.

Binuksan ko ang aking locker. Kinuha ko ang aking P.E. uniform at dumiretso sa shower room.

Pumikit ako nang lumandas sa aking balat ang katamtamang temperatura ng tubig. Nilinisan ko ang buong katawan ko dahil sobrang baho at laglit ko na. Damn, Suzzaine.

Pagkatapos ko roon ay umalis na ako. Sumasakit ang sintido ko, hindi ko alam kung bakit. Dumiretso ako sa clinic. Pakikihingi ako ng gamot.

"Good morning po," bati ko sa school nurse.

Ngumiti ito sa 'kin. "Good morning. What can I do for you?"

"Hihingi lang po sana ako ng gamot. My head hurts."

Tumango ang nurse. "Wait for me here, miss."

Umalis ang nurse kaya naiwan akong mag-isa roon. Umupo ako sa isa sa mga kama. Hindi ko alam kung bakit ba natagalan ang nurse na iyon. Mahirap bang hanapin ang Biogesic?

Bumuntong hininga ako.

Tumalon-talon ako sa pagkakaupo. Luminga-linga ako sa loob ng clinic. Nag-imagine ako ng kung ano-ano para lang pamatay oras sa hindi pa bumabalik na nurse.

"Damn beautiful."

Lumingon ako sa aking likod. Nalaglag ang aking panga nang makita si Nazareth. Nakahawi ang kurtina sa kamang hinihigaan niya. Nakaharap siya sa 'kin habang may sumusoporta na kamay sa kaniyang ulo. Naglalaro ang ngiti sa kaniyang labi. Tila may iniisip siya habang pinagmamasdan ako.

Ano na naman ba?

"What are you doing here?" tanong ko.

Hindi siya nagsalita. He just looked at me for a couple of seconds. Kumunot ang noo ko dahil naiilang na ako sa tingin niya. And he was freaking smiling like a psychopath! Kahit wala namang dapat ikatuwa. Maybe this guy was out of his mind.

"Stop staring."

"Stop being like that."

Tumaas ang kilay ko. "Like what?"

"Beautiful."

Nag-init ang aking mukha kaya nag-iwas ako nang tingin at nagpanggap na hindi narinig ang sinabi niya. Pasimple kong pinaypayan ang sarili ko. Bakit siya ganiyan. Nakakainis!

Humalakhak siya. Sabi na. He was only making fun of me. Umirap ako sa kaniya na mas lalong nagpalakas ng kaniyang tawa. May paghampas pa siya sa hangin habang dinuduro ang aking mukha.

"You're crazy." Umismid ako at tumalikod.

"Sus," he mumbled. "Gusto mo lang makita ang ibon ko, eh."

Napalingon ako sa kaniya nang wala sa oras. Tumaas ang kaliwang kilay niya habang may naglalarong ngiti sa kaniyang mapupulang labi.

"What did you say?"

Umiling siya. "Wala. May sinabi ba ako?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Meron kang sinabi."

"Uh-huh?"

"May sinabi ka tungkol sa ibon. Hindi ko narinig masyado, ano 'yon?"

Kinagat niya ang ibabang labi niya. Tinitigan niya ako gamit ng kaniya mata. Here we go again. Iniwas ko ang tingin ko roon at binaling sa ibang bagay. "You really like my bird, huh?"

"Y-your bird?"

"Yes," he smiled playfully. "My bird."

Uminit ang pisngi ko. "Bakit ba laging mong sinisingit 'yang ibon mo!"

"I'm just asking if you want to see my bird." Ngumuso siya, pinipigilan ang ngiti.

"Pwes, ayokong makita ang ibon mo."

"Hellary..."

"Ano na naman?"

"You don't really want to see my bird?" he asked. Mahihimigan ang lungkot sa kaniyang boses. "He's approachable and nice but don't touch him."

Bakit bawal hawakan ang ibon niya? Umiling ako. Gawa-gawa niya lang 'yang ibon na iyan to tease me. Oo, tama ako. Wala lang talagang magawa itong lalaking itong sa buhay niya.

"Ito na ang gamot," wika ng nurse. Palihim akong umirap dahil kanina pa ako naghihintay. Saan ba dinukot iyang gamot? God.

"Thank you po."

Kinuha ko ang gamot at ininom. Nakatingin sa akin si Nazareth habang ginagawa ko iyon.

"You're sick?" he asked.

Tinapon ko ang bottled water sa trash can matapos uminom. Binalingan ko siya nang tingin. Mapupungay ang kaniyang mata habang pinagmamasdan ang mukha ko.

"Hindi."

Kinuha ko ang bag ko. Akma na akong aalis sa clinic pero nagulat ako nang bigla akong hilain ni Nazareth kaya naman ay natumba ako sa ibabaw niya. Nanlaki ang mata ko. Napatitig ako sa kaniyang mukha. Lalo na sa mata niya na may mahahabang pilik-mata.

Hindi siya nagsalita. Nilagay niya ang likod ng kaniyang kamay sa aking leeg. Pagkatapos sa aking noo. Kumunot ang noo niya. "You're not sick, lady."

Humampas sa aking mukha ang mabango niyang hininga. Napatulala ako dahil ro'n. "I-I'm not sick..."

"Lady..."

"Y-yes?"

"Are you seducing me..." he whispered. "Again?"

Tanong niya tapos ay tumingin sa aming posisyon. Kaya naman ay napaalis ako sa kaniyang ibabaw lalo na't tumikhim ang school nurse ng Elron High. Nag-init ang aking mukha. Agad kong kinuha ang bag ko at mabilis ang hakbang na nilisan ang clinic.

Damn, Nazareth!

Pumasok ako sa klase ng pangalawang subject. Agad nagbulong-bulungan ang mga kaklase ko nang makita ako. Hindi na sila gano'n ka-vocal dahil malamang ay kumalat na sa buong campus ang paglapit sa akin kanina ni Neo.

Naga-alala naman akong dinaluhan ni Hera. "Bi, okay ka lang ba?"

Ngumiti ako. "Sorry talaga, Hera. I ruined your birth—"

"No! Ano ka ba, bi! Stop saying that! Hindi mo naman kasalanan kung gano'n ang nangyari. Nagmahal ka lang, eh," aniya at ngumiti.

Parang may humaplos sa aking puso nang sabihin niya iyon. Tunay nga talaga akong nakahanap ng isang kaibigan. Maswerte ako dahil may kaibigan akong katulad ni Hera na hindi ako iiwan sa oras ng pangangailangan. She was always there for me. Nakatataba ng puso.

"Thank you so much, Hera..."

"K," aniya at nakinig na sa teacher.

Sa pangatlong subject ay nag-vibrate ang telepono ko. Pasimple ko itong dinukot sa aking bag. Yumuko ako para tingnan kung kanino galing ang mensahe.

Nazareth:

I was busy looking at your eyes, yet you're busy looking at him.

Good morning everyone!

Napaangat ako nang tingin sa nagtuturong teacher. Hindi ko maiwasang matawa dahil uso pa pala kay Nazareth ang GM o group message.

Napailing ako at nakinig na lamang sa teacher.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon