"Sigurado ka na ba, Hellary, anak?" ani Manang Rosalinda. She looked old because of the wrinkles and white hair. Her eyes were weary because of my sudden decision. Bumuntong hininga ito dahil alam niyang hindi na ako magpapapigil pa.
"I-I have to, Manang," I answered. Lumapit ako sa matanda at hinawakan ang kamay nito. "Maraming salamat po sa pagpapatuloy sa amin. Buong puso po akong nagpapasalamat sa inyo ni Mang Wil. Without your hospitality and kindness, I couldn't imagine how our life would turn out."
She took a deep breath. Ngumiti ako at niyakap siya. Mahigpit niya namang tinugonan iyon. Parang hinaplos ang puso ko nang mapansin na bahagyang umuuga ang balikat ng matanda. I patted her back gently.
"Ikaw talagang bata ka, oo." Pinunasan niya ang kaniyang luha at ngumiti sa 'kin. "Kita mo, pinaiyak mo pa ako."
Ngumisi lamang ako. Nilingon namin si Kye. Nagtataka itong nakatingin samin habang ang suot nitong itim na beanie ay bahagya nang natatakpan ang kaniyang mata. Umiling ako at inayos ito sa maliit niyang ulo. Kinuha ko ang tuwalya't pinunasan ang kaniyang pawis sa likod.
"Ate, why Manang Rosa's crying?" he asked me innocently. Muli niyang binalingan si Manang. "Are you okay, Manang?"
"Use po at opo, Kye!" saway ko.
Ngumuso siya at dahil do'n ay bahagyang lumaki ang matambok niyang pisngi. "Are you okay po, Manang po?"
Hindi ko maiwasang matawa. Gano'n din si Manang Rosalinda. Lumuhod ang matanda para pumantay kay Kye. She pinches his cheeks kaya mas lalo akong natawa dahil sumimangot si Kye. Ayaw niya talagang kinukurot ang pisngi niya. Masakit daw.
"Naiiyak lang ako sa tuwa. Huwag mo nang isipin si Manang Rosalinda mo't tumatanda na."
Lumapit si Kye at niyakap ang matanda.
"I'll just give you a hug po. Huwag na po kayong umiyak po."
Hindi alam ni Kye nang dahil do'n ay mas lalong naiyak ang matanda. Sumali ako sa yakap nilang dalawa. Kye giggled because of my breath that touched his neck. Nakiliti. Umiling ako at hinayaang magtagal sa gano'ng sitwasyon.
Tumayo si Manang Rosalinda at nagpagpag. "Mami-miss ko kayong dalawa, Hellary. Lalo na 'tong si bubwit," aniya. "Hindi na ba magbabago ang isip mo? Kaya ko pa naman magtrabaho. Kaya pa namin kayong buhaying magkapatid..."
Umiling ako sa matanda at ngumiti. "Manang, nakakahiya na po. Sapat na po ang higit anim na taon na pagtataguyod sa aming magkapatid. Sapat na po iyon."
Agad umiling si Manang Rosalinda. "Ayos lamang sa 'kin, hija. Ang sa 'kin lang, iyang papasukin mong trabaho. Maari ka pa namang magpatuloy sa pag-aaral habang nagtratrabaho kaming dalawa ni Wil—"
Umiling ako. "Manang, ayoko na po kayong mapagod pa. Tsaka gusto ko na rin po talagang bumukod dahil ang totoo niyan ay hindi n'yo na po kami responsibilad ni Kye. May pamilya rin po kayong binubuhay. Kaya Manang, ibigay niyo na po sa 'kin ito."
Bumuntong hininga ang matanda. "O, siya! Huwag mong papabayaan ang sarili mo. Pati itong bubwit na ito, alagaan mong mabuti. At tumawag ka sa 'kin kapag may ginawang masama sa 'yo ang amo mo! Gumagana pa naman ata ang telepono ko!"
I chuckled, and I embraced her one more time. "Thank you for everything, Manang. Pasabi kay Mang Wil na maraming salamat. Para ko na rin po kayong mga tunay na magulang."
We bid our farewell one last time. Dala-dala ang dalawang malaking bagahe at isang lumang luggage ay tinahak namin ang daan papunta sa terminal ng bus patungong hilagang-silangan. Sinulyapan ko si Kye. Nakasukbit sa balikat niya ang maliit na batman bag. Nakagat ko ang ibabang labi dahil napansin ko ang kalumaan nito. Bag niya na 'yan since he was still a baby. Kaya lumang luma na talaga.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...