Chapter 25

192K 8.7K 2.8K
                                    

Nang sumunod na araw ay nagsimula na ang practice para sa darating na pageant. Dahil nga wala akong alam tungkol dito, hindi ko alam na may partner pala ako. Required pala 'yon. Sa section ko rin nanggaling yung partner ko, si Miro. 'Yong kay Kestrel lang ang naiba. Sa ibang section nanggaling ang ka-partner niya para naman daw fair sa iba.

Hinawi ko ang buhok ko. Pinagtitinginan kami sa gymnasium dahil maraming nanonood ng practice. Yung ibang mga freshmen ay nakaupo sa bleachers.

Medyo nakaramdam ako ng kaba nang papilahin kaming mga babae para sa pagpasok namin sa stage. Dito pa lang kinakabahan na ako, paano pa kaya kung mismong pageant na? Eh 'di natunaw na ako?

"One, two, three, go! Rampa!" sigaw ng lalaking nagtuturo kung ano ang gagawin. Nakapilantik ang mga daliri nito at matinis ang boses.

Nagsimulang maglakad ang nasa unahan papunta sa stage. Umandar na ang katapat ko kaya naglakad na rin ako. Gano'n din ang ginawa ng boys. May iba-iba pang pinagawa samin. Yung sa iba medyo nahihirapan pa ako dahil 'di naman ako mahilig sumayaw.

Wala naman akong talent.

"Oh my god! Tell me bitch I'm not dreaming?!" bulalas ng katabi ko.

Sino kausap niya? Teka, ako ba? Ako lang naman malapit sa kaniya. Hindi naman pwedeng kausap niya ang hangin dahil magmumukha siyang baliw.

"Ako ba?"

"Yes bitch. Oh my god! He's looking at me!" sagot nito na nagpakunot ng noo ko. He's looking at her?

Sino?

Saktong 'yon ay lumihis ang mata ko sa lalaking nakatayo sa mismong entrada ng gymnasium. Nakapamulsa ito sa suot na slacks habang ang kaniyang polo ay nakabukas ang tatlong butones malapit sa dibdib.

He was looking intently in our direction. Naka-igting ang kaniyang panga habang magkasalubong ang mga kilay. Tila may hinahanap ang kaniyang paningin. "Is that my Alpha?! Oh my gosh!"

My alpha? What?

Dahil doon ay nabaling ang atensyon ng lahat kay Nazareth. They all sighed dreamily because the guy was dashing with only his uniform. Nang mahagip ako nang tingin nito ay biglang lumiwanag ang kaniyang mukha. Ang pagkakakunot ng kaniyang kilay ay nawala. A ghost smile crept on his lips.

"Galingan mo, love!" sigaw ni Nazareth habang malawak ang ngiti na nagpadagundong ng mundo ko.

Nanlaki ang mata ko. Nawala tuloy ang pokus ko sa sinasayaw kaya mas lalong nag-init ang pisngi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili. The girls around me giggled at yung iba pa ay tumili dahil sa kilig.

"Aaaah! She called me love! Gosh!"

"Hindi ikaw ang sinabihan! Ako kaya!"

"Shut up! You're so BBW!"

"Kung Baby Bra Warrior ako, BALSN ka naman!"

"BALS—err what?"

"Band Aid Lang Sapat Na! Boom!"

Hanggang sa mag-away na silang lahat kung sino ba ang tinawag ni Nazareth na 'love'. Sinaway sila ng instructor kaya natahimik naman sila. Nagulat ako nang may marinig akong parang lumagapak sa sahig.

"Ano ba!" singhal ng babae. Napalingon ako rito. Natigil ang ilan sa ginagawa. "Do you even know how to dance?! Palapit ka nang palapit sa pwesto ko kaya namamali ako ng galaw!"

Nagulat ako nang matumba si Kestrel dahil tinulak siya ng babae. Hindi ko siya kilala dahil taga-ibang section siya. Pero mukhang wala itong pakialam sa kahit na sino. Even if Kestrel was close with Nazareth. "Nananadya ka ba?!"

Hindi nagsalita sa Kestrel. Lumapit ako para tulungan siyang tumayo. Nilahad ko ang kamay ko pero tiningnan niya lamang iyon. I was shocked when she started crying. Tila namanhid ako sa mismong kinatatayuan ko.

Nausog ako sa kinatatayuan ko nang humarang sa 'kin ang malaking bulto ng tao. Nazareth Sarmiego towered over Kestrel. Umupo siya upang magpantay sila ni Kestrel. Hinawi niya ang buhok nito at tinahan. "Hush, Kestrel. Don't cry..."

Pain hammered through my chest. Napangiti ako nang mapakla. Nakaramdam ako ng kirot. Nag-aalala ang kaniyang mukha habang tinatahan si Kestrel. Imbis na tumahan ay mas lalong humagulgol ang isa.

"Ang arte-arte. Siya naman may kasalanan!" singhal ulit ng babae na tumulak kay Kestrel.

Matalim siyang tiningnan ni Nazareth na nagparamdam ng takot sa babae. "What's your surname?"

"Why? Papaalisin mo ako sa school na ito? Hah!" Tumawa ito nang mapakla. "Ganiyan naman kayong mayayaman! Ginagamit niyo ang koneksyon niyo sa mga tulad namin!"

Nagulat ako sa inasta ng babae. Hindi lang ako dahil lahat ng nakarinig ay gano'n din. Sa tingin ko ay isa siyang scholar.

Hindi siya pinansin ni Nazareth. Inalalayan niyang tumayo si Kestrel pero parang napilayan ito. Kaya binuhat ni Nazareth si Kestrel na mala-bridal style. Humawi ang mga nakiki-chismis nang maglakad sila palabas ng gymnasium.

I stood there like nothing.

Gano'n pa rin. Parang mas tumindi pa ang kirot sa bandang dibdib ko.

"Siya siguro yung tinawag na love ni Nazareth kanina?"

"Oo nga. Siya siguro."

"Sabi sa 'yo huwag na tayo umasa fren, ih."

"Okay, fren. Uncrush na natin siya."

Hindi siya.

Hindi si Kestrel.

It was me.

When I went home, nagulat ako dahil naabutan ko si mommy sa sala. Nanlaki ang mata ko nang maabutan itong namamaga ang mata at mamula-mula ang pisngi. Shocked traveled through my body. Agad ko siyang nilapitan.

"Mom, what happened?" tanong ko. Nagulat si mommy sa biglang pagdating ko.

Imbis na sumagot ay humagulgol ito ng iyak. Lumapit ako sa kaniya upang siya'y mayakap. Kahit gulong-gulo ako sa inaasta ng ina ay hindi na lamang ako nagtanong pa.

After a couple of minutes of crying while I was hugging her tightly, mommy finally calmed down. Ngumiti siya sa 'kin kahit na may bahid ng lungkot ang kaniyang mata. Never in my entire life had I seen my mother crying—ngayon lang mismo.

My heart melted with the view of it. Parang pinipiga ang puso ko na makita ang taong ni minsan ay hindi ko nakitang lumugmok sa lupa at magpa-ulan ng luha mula sa kalangitan.

"Anak, I'm sorry..."

I didn't speak.

Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako roon. My heart drowned with the view. When was the last time she holds my hand? Ahold with so much love and care. Siguro matagal na rin. Bago siya makahanap ng bagong mamahalin. And the rest was history.

"Salamat anak..."

Anak...

I could feel the liquid at the side of my eyes trying to escape. Kung nasa ganitong sitwasyon at hindi umiyak si mommy, hindi ko ma-appreciate kung tatawagin niya akong anak.

Pero ngayon...

Parehas ng salita pero iiba ang pakiramdam. Sa ngayon ay ramdam ko ang pagmamahal mula sa salitang iyon.

"Mommy..."

"Anak, wala na kami ni Allen."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Masisisi niyo ba ako kung ang dahilan kung bakit umiiyak si mommy ay siyang nagpasaya sa 'kin?

Maybe it's not wrong to be bad—sometimes.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon