Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Nadatnan ko si mommy sa sala at nang makita niya ang itsura ko ay agad siyang tumalima. Hindi ko siya pinansin. Mabilis akong umakyat sa kwarto. Tumakbo ako sa kama at humiga.
I found myself crying endlessly.
Pinilit kong huwag lumikha ng ingay dahil ayokong marinig ni mommy ang pag-iyak ko ngayon. My heart broke mercilessly upon remembering what happened earlier.
Nasabi ko na. Hindi ko na mababawi pa ang mga iyon. I stand for what I've said. Hindi kami pwede. Hindi kami maaring dalawa. It might hurt now but I can move on from everything soon.
Nagising ako kinabukasan na namumugto ang mga mata. I was still sleepy but I wanted to start this day as a normal day. Tumayo na ako. Nadaanan ko pa ang vanity mirror sa gilid ng kama ko. Halatang-halata na umiyak ako magdamag dahil namamaga ang mga mata ko.
It was a sad morning. Walang gana akong kumilos. I wore my uniform blandly. Hindi ko alam kung maayos ba ang itsura ko. Nadatnan ko si mommy sa hapag pagkababa ko. Niyaya niya akong kumain pero hindi ako nagsalita. I ignored her as I grab my bag. Pumasok ako sa sasakyan.
Kanina pa tawag nang tawag si Hera. Hindi ko sinasagot. Parang wala akong lakas gumawa ng kahit ano ngayong araw. Though I also didn't understand why I come to school today. My guts told me to do so.
Pagkapasok ko pa lang ng gate, lahat ay nakayuko. Like everyone were mourning. Parang lahat ay pinagsakluban ng langit at lupa. Nagkakagulo. Pansin ko rin na may mga palakad lakad na naka-uniporme na pang pulis.
"What's happening?" I asked myself.
Hinanap ko agad si Hera. Marami pa akong nabunggo. Nakarinig ako ng pamilyar na boses na tila may inaaway.
"Don't you dare touch me, Adam!" sigaw ni Hera. "Paasa!"
Pinapalibutan na sila ng mga estudyante.
"Ihahatid na kita. Walang klase, Hera," ani ni Adam.
Hera scoffed upon hearing what Adam said. "Tang ina mo!"
Napatingin sa 'kin si Hera kaya bahagyang lumiwanag ang kaniyang mukha. "Bi!"
She went to me immediately, leaving Adam behind. Hindi siya mapakali. Hinila niya ako sa sulok dahil pinagtinginan kami nang tawagin niya ako. Tumingin pa siya sa paligid.
"Saan ba tayo pupunta, Her? We still have class."
Umiling siya. Aligaga pa rin. "No, there's no class to attend to."
Kumunot ang noo ko. "Why?"
Kinagat niya ang ibabang labi niya. Binalingan niya nang tingin ang mga estudyanteng dumadaan palabas ng gate, mga nakayuko.
"I-iyon na nga..."
"Ano?"
Lumunok siya at huminga nang malalim. "Kanina pa kita tinatawagan. Gusto ko lang sana itanong kung kasama mo ba si Nazareth kaso hindi mo naman sinasagot ang tawag ko."
I stiffened. Marinig pa lang ang pangalan niya ay tila nakaramdam muli ako ng iba't ibang emosyon. Dumaan ang panandaliang hapdi sa aking dibdib which caused me to tremble a bit. Mukhang napansin iyon ni Hera.
"Bi, ayos ka lang?"
Oo nga pala. Hindi alam ni Hera ang pag-uusap naming dalawa ni Nazareth sa rooftop. Alam ko ring natanggap niya ang video na kasama ako ngunit hindi siya nagtatanong tungkol doon. At ang pag-aaway naming dalawa noong ginawa namin ang paghihiganti ko kay Nazareth.
"I-I'm fine." Huminga ako nang malalim. "H-hindi ko siya kasama, Hera. Bakit?"
Just like what the students were doing earlier, she looked down. Looking undefeated. Agad umusbong ang kaba sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...