"Nangangayat ka, bakla," ani Angelita.
It has been a month since Nazareth came back to Manila. Sa bilis ng araw ay hindi ko na pala namamalayan. Isang buwan na ring pakalat kalat ang kapatid ko sa mansion. Malaya na siyang lumabas ng headquarters.
Tuwang tuwa naman si bubwit. Mabuti na nga lang ay hindi siya masyadong pinapagalitan ni Manang Lolita. Nakikita ko pa ngang nag-uusap sila minsan. Pinagdasal ko na lang na sana walang sabihing hindi maganda si Kye sa mayordoma ng mansion.
Pinindot ko ang button ng washing machine. Tumigil ito sa panginginig. Dumaloy ang tubig mula sa hose.
"Kumakain ka pa ba, sismars?" tanong ni Angelita. Nilipat niya sa dryer ang damit. "Parang pumayat ka talaga, eh."
Nilingon ko siya. I smiled a bit to assure her. "Kumakain naman."
"Sure ka?"
"Oo."
"Parang hindi."
Well, okay. I wasn't eating much. Napagtanto ko na mula noon ay hindi ko pa pala naisipan muli ang mag-diet. That was why I seldom eat. Prutas at gulay lang ang kinakain ko dahil healthy at sinasabayan ko ng maraming tubig.
"Diet ka ba?" tanong niya ulit.
I nodded my head.
"Nagda-diet ka ba para kay ser?" Pinanliitan niya ako ng mata. "Tell me, are you fucking with my husband?"
Humagalpak ako ng tawa. She also laughed too, 'yong may kasama pang hampas sa akin. Pero tumigil din ako kasi nakita ko si Manang Lolita na papalapit. But Angelita was still laughing her ass off.
"Laughtrip ampuchi," she said. "Diet pa mo—"
"Angelita!"
"Ay puke ni Inang!"
Her eyes widened when she noticed who she was talking to. Mabilis niyang tinakpan ang bibig dahil sa sinabi. My mouth snapped shut. Tumikhim ako at nagpatuloy sa ginagawa.
"Mahabagin!" her mother hissed. "Ang dila mo, Angelita! Wala nang lumabas na maganda riyan kung 'di puro kahalayan!"
Yumuko si Angelita. "Pasensya na, Inang. Nagulat lang po ako."
"Oras ng trabaho! Kung anu-anong kaharutan ang ginagawa mo!"
Nang umalis si Manang Lolita ay umirap lamang si Angelita. Gulat ako bigla ring nag-twerk habang nakatalikod ang mama niya, tila nang-aasar.
"Si Inang talaga!" aniya. Tumingin sa 'kin. "Hindi mo manlang sinabi!"
I only giggled. Tapos na mag-dryer kaya sinabit na namin sa hanger ang mga damit. Ang iba rito ay mga damit ni Nazareth na kakaunti lang naman. Sinabay ko na rin ang kay Kye.
"Buti hindi mo sinasagot si Manang? O naisipang layasan?" I asked.
She gave me a half-smile. Kumuha ng isang damit at nilagay sa hanger.
"Naisipan ko na rin 'yon gawin. Pero mas pinili kong hindi," she answered.
"Bakit?"
"Respeto," aniya.
Natigilan ako dahil doon. I felt my heart warmed in an instant. I suddenly remembered mommy who raised me. Pati na rin ang totoo kong ina.
"Respeto, sismars." Nakangiti niyang pinulot ang hanger. "Kasi kahit naman ganiyan siya, nanay ko pa rin 'yan, eh. Mahal na mahal ko pa rin 'yan."
Tama siya. Tama si Angelita. That no matter how your mother acts, she's still your family; and a family should never get tired of each other. Kahit hindi maganda ang ugali, we should understand them. We should reciprocate their love.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...