"Bi, paabot naman ng gunting," utos ni Hera. Kinuha ko ang gunting tapos ay inabot sa kaniya.
Nagsimula na rin akong mag-cut out ng letters gaya ng ginagawa ni Hera. Nagsisimula na gumawa ang section namin ng booth para sa paparating na Foundation Day ng Elron High. Hindi ko maiwasang ngumiwi dahil sa booth na gagawin namin. Alam n'yo kung ano? Jail booth.
Hindi ko nga alam kung bakit ito ang pinili ng section namin, eh. Nagbotohan kami. May mga gusto mag-horror booth kaya lang naunahan na kami ng kabilang section. Naunahan din kami ng iba sa pagpili kaya may dalawang choice kami. Marriage booth o campus jail booth? Majority ang jail booth. Tsaka sabagay, ayos na rin ito.
Inabot ko kay Hera ang letter A na nagupit ko na. Kaming dalawa ang naka-assign ni Hera sa pagle-lettering at pagde-design ng booth. Yung iba rin ay tumutulong samin dahil walang nakatoka sa kanila.
"Bilisan natin, bi. Nagugutom na ako." Si Hera.
"Wag niyo madaliin, baka pumangit," singit ni Adam, vice president.
Tinaasan siya ng kilay ni Hera pero wala ring sinabi. Umismid siya kaya napatawa ako. "Leche. Kainin kita diyan, eh."
"May sinasabi ka, Hera?" tanong ni Adam.
"May sinasabi ba ako, bi?" tanong ni Hera sa 'kin. Umiling ako. "See? Wala. Kinginang 'to."
"Minura mo ba ako?"
"Luh, gago? Minura ko raw siya, bi," painosenteng tanong niya. "Gusto mo mahalin pa kita diyan."
"Tch. Whatever," ani Adam at umalis na.
Ngumuso si Hera habang pinapanood niyang umalis si Adam sa pwesto namin. Matagal nang may gusto si Hera kay Adam. Hindi sinasabi ni Hera sa 'kin pero ramdam ko naman. Halata naman, eh. Minsan nga nahuhuli ko pa itong nakatitig kay Adam. Inaasar ko pa nga siyang may gusto sa lalaking iyon pero panay ang tanggi niya.
"Akala mo kung sinong gwapo, geek naman!" bulalas ni Hera.
Oo, geek si Adam. Laging may hawak na libro at nakasuot ng salamin kapag nagbabasa. Iwas din siya sa mga babae. Mas gusto niya kasama ang mga makakapal niyang libro. But I also admit na may itsura siya. Bagay sila ni Hera. Si Maingay at si Tahimik. They would make a great match.
"You still have a crush on Adam?" tanong ko.
Pinandilatan agad ako ng mata ni Hera. "Hoy bi! 'Wag ka ngang magmura!"
"Hera loves Adam. Adam doesn't love Hera," panga-asar ko.
Namula naman si Hera. Tumitingin na samin ang mga kaklase ko kaya patuloy pa rin ako sa pang-aasar. Si Hera naman ay pilit akong pinapatahimik dahil nasa paligid lang namin si Adam. Nakasalamin ito habang may binabasang libro. Wala siyang paki sa paligid niya.
"Uy, si Hera may gusto pala kay Adam!" biglang sigaw ni Angela.
Dahil do'n nakisali na ang iba. Kinantyawan nila si Hera kaya nakisali ako. Pero natihimik silang lahat dahil lumapit si Adam kay Hera. Alam kong narinig nito ang panga-asar namin sa kaibigan ko.
"You like me?" Adam asked.
Natahimik tuloy ang buong booth. Yung ibang may ginagawa huminto muna para panoorin ang munting palabas na nangyayari.
"W-what?"
"Gusto mo raw ako?"
Mas lalong namula ang kaibigan ko.
"Gosh ha, hindi ka lang geek, assumero ka pa!" Hera rolled her eyes. "Naniniwala ka sa mga pinagsasabi nila."
"I don't believe them that's why I'm asking you, Almero," sambit ni Adam. "Gusto mo raw ako?"
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...