Chapter 36

177K 7.7K 6.4K
                                    

TW: Drugs, Frame-up

"Hellary?"

Biglang sumulpot ang nagtatakang si Hera. Nilingon ko ang kaibigan at ngumiti. Dumistansya ako kay Nazareth. Humarap ako sa kaibigan.

"Let's go?" I asked.

Nagtatakang tiningnan ni Hera ang lalake pabalik sa akin. I could still feel his intense bloodshot eyes that are intently laid directly to me. Rinig ko ang kaniyang mababang paghinga. The entrenched feeling was visible.

Hinayaan niya kaming umalis ni Hera palayo sa kaniya. Alam ko. Bakit niya ako pipigilan kung wala naman kasi talaga siyang nararamdaman sa 'kin? Pero kung meron man siyang nararamdaman sa 'kin, then, I'll test him. Kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang Nazareth Sarmiego.

Ngumisi ako.

Napansin iyon ni Hera kaya nagtataka niya akong tiningnan. "Bi, naka-drugs ka ba?"

Kumunot ang noo ko at umiling. "Bakit naman?"

"Wala. Ngumingisi ka na lang kasi mag-isa diyan. Baliw ampota."

Nang lumingon ako sa direksyon ni Nazareth, wala na ito roon. I bit my lower lip.

I guess, it meant nothing for him, huh?

**

"Saan ba talaga tayo pupunta, bi? At bakit ganiyan ang suot mo?" ani Hera. Tiningnan niya ang suot ko mula ulo hanggang paa. Nagkibit balikat na lamang ako.

I was wearing a velvet red party club slim dress. May kaunting slit ito sa bandang ibaba, enough for so much exposure of my skin. Hindi rin nito naitago ang cleavage ko, I'm fine wearing something like this. I partnered it with maroon pumps to look at least tall.

I made my hair straight and my make-up a little bit dark. Kumikislap din ang suot kong Gucci earrings at garden Louis long pendant necklace.

"May problema ba sa suot ko?"

Kumunot ang plakadong kilay ni Hera. "Oo te! Masyado kang mamahalin tingnan! Kaunti na lang makikita na 'yang bilat mo!"

Tinakpan ko agad ang bunganga niya. Kaya lang nagwala pa ang bruha. Sinamaan niya ako nang tingin. "Saan ba kasi talaga tayo pupunta?"

Sinenyasan ko siya. Ilang minuto niya pa bago niya makuha. Her eyes widened ngunit hindi rin nagtagal iyon. "Sigurado ka ba sa gagawin natin?"

I nodded my head slowly. A smile crept on my dramatic lips. "Gusto niya ng laro..." ani ko. "Pagbibigyan ko siya."

Malakas na bumuntong hininga si Hera. "If that's what you want, bi."

Napangiti ako. "Thank you, Her."

Tumirik ang kaniyang mata, inirapan ako. Pero yung irap niya ay hindi na bumalik sa dati. Para siyang kinukumbulsyon.

"Hellary! Tulong! Yung mata ko ayaw nang bumalik sa dati!"

At iniwan ko si Hera na nakatirik ang mata sa gitna ng daan.

**

"Bi, kinakabahan ako!" bulalas ni Hera. Halata nga sa kaniyang mukha dahil para siyang nata-tae.

Ininom ko ang wine. Nanuot sa aking lalamunan ang pait nito. Halos masuka ako ngunit ininda ko iyon. Pinaglaruan ko sa aking kamay ang isang syringe na naglalaman ng isang drugs. Napangisi ako.

"I'll wrap you around my fingers, Sarmiego."

Ngayon ko sisimulan ang paghihiganti ko. At sisiguraduhin kong hindi na siya makababangon pa sa hukay, iyon ang pinapangako ko. Nanumbalik ang mga imahe naming magkasama sa utak ko. At ang mga kasinungalingan niya.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon