Chapter 35

174K 8K 3K
                                    

I felt betrayed.

The slashing pain in my heart couldn't even disappear. It was still there. No matter how hard I try to remove it, I just kept on failing over and over and over again. Kasi hindi talaga nangyayari. Kahit anong gawin ko. Kahit anong subok ko. Kahit anong kilos ang gawin ko. Kahit anong dasal ang sambitin ko, ayaw mawala.

Sakit.

Galit.

Paghihinagpis.

At kalungkutan.

Ilan lamang sa mga nararamdaman ko ngayon. Pero i-isa lang ang kahihinatnan ng lahat. I want to have my vengeance. I'd like to ask for some justice that was rightfully mine. Gusto kong maghiganti at ipaglaban ang sakit na naramdaman ko. Gusto kong ibuhos. Gusto kong ilabas.

I slowly opened my eyes. The white color of the ceiling was the first thing my eyes landed at. Bahagyang sumasayaw ang kurtina dahil sa hangin na pumapasok sa bintana. I roamed my eyes. It has been a month since I woke up from that incident. Hindi ko pa rin matukoy kung sino ang nagligtas sa 'kin sa bingit ng kamatayan.

Ilang linggo ko na ring hindi kinikibo si mommy—na hindi ko pala totoong ina. She was my aunt. Hindi ko alam kung tatawagin ko ba siyang mommy or just Aunt. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magalit sa kaniya. She lied to me. Kahit ano mang rason niya kung bakit niya nagawa iyon, nagsinungaling pa rin siya sa 'kin.

Isang buwan na simula nang malaman ko ang lahat-lahat. Si Nazareth ang anak ng pumatay sa mga magulang ko. And when they knew about my existence, they sent Nazareth Sarmiego to kill me. Ngayong naiisip ko na naman ay agad kumukulo ang dugo ko. Naikuyom ko ang sariling kamao. Umigting ang panga ko sa galit.

Nasasaktan ako.

Pero mas nangingibabaw ang galit.

Nasasaktan ako dahil 'yong taong mahal ko ay siya palang papatay sa 'kin. Nasasaktan ako kasi 'yong taong mahal ko ay anak pala ng pumatay sa totoo kong magulang. At sumisiklab ang galit ko sa parehas na rason. Humigpit ang pagkakakuyom ko sa aking kamao. Hindi ko napansin na dumugo na pala ang palad ko dahil sa aking kuko.

Pinanood ko kung paano tumulo ang dugo mula sa mga palad ko papunta sa puting tela na nakabalot sa 'kin. The white fabric absorbed the liquid. Now, it was stained, just like my heart. It was pure, once peaceful. But now, it was stained with hatred and grief. Hindi pwedeng wala akong gawin. Hindi pwedeng nakatunganga lang ako rito. Hindi pwedeng manatili akong ganito. Dahil kung magpapatuloy ito, ako ang talo. I didn't want him to see me at this state.

Dinampot ko ang cellphone ko sa side table. Pinindot ko ang power button para bumukas ito. At nang tuluyan nga itong mabuhay, tadtad ng messages ang number ko. My heart started to tear apart as I read his name on top of those messages.

Nazareth (180 Messages)

Instead of viewing his messages, wala akong naramdaman kung hindi galit at sakit. Pinatay ko ulit ang phone ko, pero bago ito mamatay ay may nag-pop up na panibagong mensahe.

Nazareth:

I love you. I miss u.

I closed my eyes.

Hellary, mali. May balak siyang masama sa 'yo. He might kill you soon. Kinukuha niya lang ang loob mo para kapag napalapit ka na, gagawin niya na ang plano niya. Hell, anak siya ng pumatay sa mga magulang mo. At ikaw naman ang isusunod!

Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Bumukas ang pinto at pumasok ang Doctor at nurses kasama si mommy. She smiled after seeing me. Ngunit nag-alala ito nang makita ang reaksyon ko. Umiwas ako nang tingin.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon