Chapter 5

244K 12.7K 6.5K
                                    

Natigilan ako ng ilang segundo. My chest was pounding so fast. Nagkabuhol-buhol ang mga paro-paro sa tyan ko. I also felt my face heated up. Did I hear him right? With full force, I pushed him hard.

Nakangisi niyang pinanood ang mukha ko. Pasimple akong umiwas nang tingin at pinunasan ang takas na luha. Hindi pa rin nawawala ang init na nararamdaman ko sa aking mukha.

And when he realized that my face was heated up, he growled laughter, making my face redder. Kagat-labi niya akong pinagmasdan. "Damn. You misinterpret me, lady."

What?

"What I mean was, you deserve someone like me. Tall, white, handsome, sexy, and well..." He stopped. "Do you want to see my bird, lady?"

P-putangina?

"B-bird?"

Tumango siya. "My buddy. It's huge and flappy. It's dangerous, so don't touch him. Baka magalit." Ngumiti siya at kumindat.

Napatakip ako sa mukha ko. Oh my god. Did I just imagine it right? Ano bang ibon ang tinutukoy niya? Malaki ang ibon niya? Delikado't bawal hawakan dahil baka magalit?

"B-bastos!"

Humagalpak siya ng tawa habang nakaturo sa 'kin. Nakahawak pa siya sa kaniyang tiyan at may paghampas pa ng kamay sa hangin. He was making fun of me, wasn't he? Iisa lang ba ang tinutukoy niya o talagang magkaiba ang nasa isip namin? Hindi ba 'yong ano yung tinutukoy niya?

"What? Paano ako naging bastos?" He stopped laughing. Kinagat niya ang ibabang labi niya dahilan para mas pumula ito. Iniwas ko ang tingin ko roon. "Ano bang nasa isip mo?"

Hinampas ko siya sa dibdib. Bumulwak ulit siya ng tawa. But oh, his chest was so massive! Pasimple kong tiningnan ang braso niya. It was firm as well. Naggy-gym ba siya? I shook my head when I realized my mind was going elsewhere.

"Pinaglalaruan mo 'ko."

"Hindi ah." He eyed me with his gray eyes. "So..."

"So?"

"Gusto mo bang makita ang ibon ko?"

"A-ayoko!" I shouted.

"Bakit?" He chuckled. "Mapapaamo mo naman siya, basta 'wag mo lang hihimasin dahil baka magalit."

"A-ano bang klaseng ibon 'yan? Parang wala namang ganiyan."

Ngumuso siya. "Meron."

"What bird?"

"My bird."

"I know it's your bird! Anong klaseng ibon nga!"

He roared a laughter because of what I said. Pinasadahan niya ng daliri ang kaniyang buhok at tuwang-tuwang pinanood ako. Naramdaman ko muli ang kakaiba sa aking tiyan. I rolled my eyes at him.

"Tignan mo para malaman mo," he playfully said. "To see is to believe."

"You pervert!"

He looked at me with an innocent reaction. "What? Paano ako naging manyak?"

Inirapan ko siya. Hindi ko na napigilan. Sumilay ang ngiti sa labi ko na nahuli naman ng kaniyang mata. Natahimik siya. He looked at me like I was the most interesting specimen he'd ever seen. Bumuntong hininga siya. Sa gilid ng mata ko ay kitang-kita ko ang genuine na pagngiti ni Nazareth.

"There..." he whispered huskily. "You're already beautiful when you smile, but it is more beautiful when I am the reason behind that smile."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at ngumuso. Pinaglaruan ko ang aking daliri dahil sobra-sobra na ang nararamdaman ko.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon