"Pwede bang sabay tayong pumasok bukas?" he said.
I blink twice, no, three times. Tama ba itong naririnig ko? Tinatanong niya ako kung pwede kaming magsabay bukas? Oh my god. But why? 'Di ba ayaw niya sa 'kin? He rejected me. Sabi niya ay basted na raw ako. Pero bakit siya ganito? Sinabi ko naman na sa kaniya na titigil na ako sa pagiging desperada ko. Pero ito siya sa harap ko, niyayaya ako sumabay sa kaniya bukas.
He was making me confused. Damn Neo. Damn this heart. Damn this feeling. Ito na iyon, eh. Ito yung pinangarap ko no'n. Ngayong nasa harapan ko na, parang nag-iiba na ang damdamin ko. Imbis na tuluyang maglaho, bakit parang mas lulugmok pa ako sa lupa dahil sa sobrang hulog?
"Hellary," agaw niya sa atensyon ko. "Payag ka ba?"
Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkainip. He wass waiting for my answer. Magkadikit ang nasa tamang arko niyang kilay. Napatitig ako sa singkit niyang mga mata na mas lalong nagpapagwapo sa kaniya.
"A-ahh..." Tumikhim ako. "O-okay sige..."
He nodded. Tumayo na siya at umalis na. Samantalang naiwan naman ang mga mata ko sa upuan kung nasaan siya kanina. It felt so unreal. My dream was Neo. And now, he asked me to be with him.
Nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko ito at tiningnan ang mensahe.
Nazareth:
Rooftop. Don't forget to bring food.
Kumunot ang noo ko. Anong problema ng lalaking ito? Umirap ako sa hangin. Sinilip ko ang oras, may ilang minuto pa bago mag-time. Tumayo ako kaya nagulat si Hera. Kumakain pa ang kaibigan ko. Mabuti na lang at hindi niya pinatulan si Neo kanina. Alam kong galit siya rito dahil sa nangyari noong birthday niya.
"Oh, saan ka pupunta bi?"
"Mauna ka na muna, Hera. May pupuntahan lang ako." Ani ko.
"Saan naman bi?" Sumubo siya ng malaki tapos ay tumayo. "Tara samahan na kit—"
"Hindi! Ayos lang! Mauna ka na, Her."
Nagkibit balikat si Hera at muling umupo. Tumalikod na ako para bumili ng pagkain para kay Nazareth. Pagkatapos ko bumili ay nagmartsa na ako papunta sa rooftop.
Teka!
Bakit ko nga pala sinunod ang isang iyon? Nagpauto ba akong bumili ng pagkain para sa kaniya? Oh shit. Nahinto tuloy ako sa harapan ng hagdanan. Sayang naman kung itatapon ko pa ang isang 'to. Masama iyon at baka pagalitan ako ni God.
Bumuntong hininga ako. No choice. I needed to give this to him. Tsaka kawawa naman ang isang iyon. Umakyat na ako papuntang rooftop. Hingal na hingal pa ako nang buksan ko ang pinto. Marami pa naman ang nakasakay sa elevator kaya wala rin akong choice kung 'di gumamit ng hagdanan. Ang layo-layo ng rooftop.
"Lady, are you a turtle?" bungad sa 'kin ni Nazareth.
Hindi ko siya pinansin. Hinahabol ko pa ang hininga ko bago ko nilapag sa isang upuan ang pagkain. Sinamaan ko si Nazareth nang tingin. Kumislap ang mata niya nang makita ang dala ko. Agad siyang lumapit dito at sinunggaban na agad yung pagkain.
Umupo ako sa isa sa mga lumang upuan do'n. Dito kasi nilalagay ang mga excess things sa school. Yung mga hindi na ginagamit. Nagkakalat sila sa rooftop. Ewan ko nga kung saan nanggaling itong sofa ni Nazareth. Pero nagtataka lang ako. Bakit nandito lang siya sa rooftop? Bakit hindi siya pumapasok?
"Nazareth."
Nilingon niya ako. May pagkain pa sa bibig niya kaya ngumiwi ako. "Hmmm?"
"May tanong ako."
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...