Pinilig ko ang ulo ko. Hindi ako makatulog kagabi. If I only have my compact mirror right now, I would see the black bags under my eyes. The guilt ate me. Paulit-ulit akong nagsisi dahil sa ginawa ko. Nagtaka rin ako sa sarili ko. Bakit ko nakalimutan yung usapan naming dalawa?
Was it because I am with someone else? But Nazareth wasn't just someone else. I think. Naalala ko nang umibis palayo si Neo ay naiwan akong nakatunganga sa tapat ng bahay namin. I stood up there, paralyzed. Considering how stupid I was to forget our meeting. Isama pa ang naka-imprinta sa suot kong sweater. Kaya naman pala iba kung makatingin si Nazareth nang isuot ko ang kaniyang sweater. And Neo saw it!
I read all his messages. At mas lalo akong na-guilty.
Neo:
Hindi ako aalis dito. I'll wait for you, H.
Neo:
Where are you?
Neo:
Ayos ka lang ba?
Neo:
Hellary! Answer the phone!
Neo:
Goddamn it! I'm so worried.
Neo:
Hihintayin kita.
Hinintay niya ako roon habang ako ay kasama ni Nazareth. I know what it feels like to be left alone. At iyon ang masaklap. Kahit na alam ko ang pakiramdam ay ang tanga-tanga ko pa rin dahil kinalimutan ko.
Pumikit ako at mas lalong pinilig ang ulo sa desk. Hera was talking to me while I didn't give a damn. Salita siya ng salita pero wala namang sumasagot sa kaniya. Wala pa ang titser namin pero sa tingin ko ay darating na iyon.
Hindi nga ako nagkamali. Hera stopped talking. Inangat ko ang ulo ko para harapin ang aming guro.
Nakangiti ito na tila may sasabihing magandang balita. Umayos ako ng upo kahit na nakakaramdam pa ako ng antok. "Good morning, class."
We greeted her back in unison. Hindi pa rin mawala ang ngiti nito. Sinandal ko ang sarili ko sa upuan at nakinig. "Guess what? Intrams is coming!"
Naghiyawan ang mga kaklase ko. Napapalakpak naman ang iba sa tuwa samantalang kumunot ang noo ko. I know there's still something else.
"Oh my gosh! Intrams! Intrams!"
"Intraaaaaaaams!"
"Quiet!"
"May pageant na gaganapin para sa Intrams. Bawat section ay may representative." Ngumisi ang guro. "Magbotohan na kayo kung sino ang ipapambato ng section niyo."
"Woah!"
"Shit bro, makakikita na naman tayo ng mga legs!" Nakarinig ako ng sipol at halakhakan.
Pinagbabatukan ng mga babaeng nakapaligid dito ang nagsabi no'n. Boys. They're too attractive to legs. Kahit nga manok ay may legs. Bakit hindi iyon ang manyakin nila.
Biglang may nagtaas ng kamay. "Yes?"
"Ma'am, si Hellary Angeles po. I'm rooting for her!"
Naghiyawan ang mga kaklase ko at sumang-ayon. Samantalang nanlaki naman ang mata ko at ang bibig ko ay humugis bilog. What?! Mga baliw ba sila? Ni hindi nga ako marunong rumampa! Mahiyain pa ako at baka mapahiya ko lang ang seksyon namin.
Tumango-tango si Ma'am. "I agree, Ms. Murat."
Agad akong umiling, "Hindi po ako marunong sa mga ganiyan, ma'am. Sorry but I disagree."
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...