Hindi maalis sa isipan ko ang huling mensahe ni Nazareth. Natapos ang araw na iyon ngunit tila bumaon sa isipan ko ang huli niyang mensahe. Nothing special happened earlier. Neo and I just ate and talked. Then after that, he drove me home. Pero nang mga oras na iyon ay tila lumilipad ang isip ko. Bakit kahit text lang iyon ay nahihimigan ko ang tono ng boses niya? Was he upset? Of what? Dahil kasama ko si Neo?
But why?
Umiling-iling ako. Nazareth never failed to fool me around.
Kinabukasan ay muli kaming nag-ayos ng booth. Next week na ang simula ng Foundation Day. Yes, simula. Sa Elron High, one week ginaganap ang Foundation Day. Parang pahinga na rin ng mga estudyante na sobrang stress sa school works.
Pinunasan ko ang noo ko ng panyo. I was already soaking wet. Tirik na tirik kasi ang araw. Kahit may tent naman ay tila tumatagos ang singaw nito. Si Hera naman ay hindi ko makita. Hindi pumasok ang kaibigan ko. Siguro hindi maka-get over sa ginawa ni Adam kahapon. Knowing her, parehas lang kami no'n. We over think so much.
"Hellary, ako na muna diyan. Break ka muna." Kinuha ni Angela ang hawak kong tarpaulin. Tumango ako at inabot sa kaniya.
"Salamat. Gutom na rin ako, eh." Pagkatapos ay dinukot ko sa bulsa ang cellphone ko. Simula ng last message ni Nazareth ay hindi na siya muling nag-reply. Ano na kayang nangyari sa lalakeng iyon?
Uminom muna ako sa dala kong bottled water bago nagsimulang magtipa sa screen ng phone ko.
Me:
Hey.
"Ah nga pala! Hellary, pabigay naman itong mga test papers kay Sir Demi. Nahihilo kasi ako. Baka pwede sanang makisuyo," ani Angela.
Kinuha ko naman ang mga test papers na inabot niya. "Ayos ka lang ba? Ayaw mong pumunta sa clinic?"
Ngumiti lamang si Angela. "Ayos lang ako. Salamat," sambit niya kaya nagkibit balikat na lamang ako.
"Sigurado ka ah?" tanong ko ulit. Ngumiti lamang si Angela.
Nagsimula na akong magmartsa papunta sa office ni Sir Demi. Ito ang building kung nasaan ang section namin kaya kabisado ko na ito. May mga nadaanan akong ilang mga students na busy sa kaniya-kaniya nilang gawain. Students were very serious about the upcoming event. Minsan din kasi mangyari ito sa buong school year. Ito rin kasi ang pagkakataon para makapaghinga ang lahat dahil halos subsob sa semester.
Mabuti na lang at available ang elevator kaya mabilis din akong nakarating sa office ni Sir Demi. Kumatok muna ako kasi baka mamaya wala palang tao. "Bukas iyan."
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nakaupo si Sir Demi sa swivel chair niya habang nagbabasa. "Sir, eto po yung pinapaabot na test papers ni Angela."
"Pakilapag diyan. Thank you."
Nilapag ko ang test papers sa table ni Sir Demi bago umalis ro'n. "Thank you, po."
Teacher namin si Sir Demi sa Mathematics. Siguro'y nagre-review ito ng mga lessons niya. He was a typical teacher. What I mean typical—strikto ngunit may matutunan ka.
I checked my phone, but there was no reply from him. Why was he not replying? Naalala ko ang texts niya kahapon. He said he needed me. Bigla tuloy akong nagalala. Naging close na rin ako kay Nazareth kahit papaano. Muli akong nagtipa ng mensahe.
Me:
Hoy. Buhay ka pa? Nasan ka?
Biglang nag-notif na nag-reply siya.
Nazareth:
Rooftop.
Muling nag-vibrate ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...