Pinaglaruan ko ang hawak na ballpen sa aking labi. Kinagat-kagat ko ang dulo non. Kanina pa ako nag-iisip ng maari kong isuot mamaya sa birthday ni Hera. Ano kaya kung magsuot ako ng swimsuit tutal night party naman iyon?
Ngumuso ako at paulit-ulit na hinampas ang dulo ng ballpen sa aking labi. It was so frustrating. Lalo na't imbitado si Neo sa party ni Hera. Kaibigan kasi ng kapatid ni Hera si Neo, si Cure Almero. Naging kaibigan ni Neo si Cure noong mag-transfer si Neo sa Elron High. Tsaka kasama niya ito sa varsity ng school kaya malamang ay magkakasundo ito.
Thinking that Neo would be there, nanlalambot ang tuhod ko't parang may humahawak sa puso ko. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang nangyari noong nakaraan. Kung paano niya sabihin na attention seeker ako at basted na raw ako.
Sumikip ang dibdib ko dahil sa isiping 'yon. Nadala lang siya ng galit niya. Oo, tama. Nadala lang talaga siya sa sampal ko. Lalo na't ginawa ko iyon sa harapan ng maraming tao at sa harap ng mga kaibigan niya. Natapakan ko siguro ang pride niya at ang kaniyang pagkalalaki. Tinitingala siyang captain ng varsity team. Plus points na rin 'yon kung bakit maraming nagkakarandapa sa kaniya.
At kung hindi niyo naitatanong, matalino rin si Neo. Kaklase niya si Suzzaine. Yes, you read it right. Si Suzzaine, beauty with brain but no class. Hindi siya natatakot ipangalandakan sa buong campus na may gusto siya kay Neo.
Naiinggit ako. Dahil ang classroom nila Neo ay sa kabilang building. Naka-bukod sila sa mga mababang section. Sinubukan ko naman mag-take ng exam para makapasok sa star section pero hindi ako nakapasok. I got 9 over 100 score. It was that hard.
Iisipin ko palang na nasa iisang section at classroom si Neo at Suzzaine, nakapanlulumo.
"Tulala ka, bessywap?" wika ni Hera sa tabi ko.
Free time kami ngayon dahil walang teacher.
"Hindi ko alam yung susuotin ko mamaya.," tugon ko.
Hinampas ako ni Hera, "What? Last week pa ako nagbigay ng invitation tapos wala ka pang damit? Gosh." She rolled her eyes. "Bilat talaga kahit kailan."
"Nawala sa isip ko. Alam mo na..." sambit ko.
Nakuha naman ni Hera ang ibig kong sabihin. Alam na rin niya ang lahat. Simula sa pagkikita namin ni Nazareth at pagkuha nito ng unang halik ko. Tapos sa pagtulong nito mapalapit ako kay Neo at yung nangyari sa unang hakbang na ginawa ko. Tho, I didn't mention his name to her. Ang sabi ko lang ay lalaki na palaging naka-hoodie.
Hera was shocked. Gusto niya raw makita si Nazareth sa personal kaya inimbita niya ito sa birthday niya. Pinaabot niya sa 'kin ang invitation pero tumanggi si Nazareth. Sabi niya baka pagkaguluhan daw siya sa party. Ayaw niya raw ng atensyon.
Nagkibit balikat na lamang ako. Malay ko ba sa lalaking 'yon, basta ang mahalaga sa 'kin ay nasa party mamaya si Neo.
"Mamili na lang tayo mamaya sa mall after class," aniya.
Tumango ako. Napatalon ako nang biglang tumunong ang cellphone ko. Dinukot ko ito sa aking bulsa at tiningnan kung kanino galing ang mensahe.
Nazareth:
Rooftop.
Kumunot ang noo ko. Nagtipa ako ng reply at hinarap si Hera sa tabi ko.
Me:
Ayoko. May klase ako.
"Sige," I answered Hera.
Dinukot ko na lang ang notebook ko sa aking bag kung saan may assignment para bukas. Sinagutan ko ang mga iyon kahit medyo nahirapan ako dahil mula pa kaninang umaga lutang ang utak ko kakaisip.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...