Chapter 2

339K 13.4K 7.7K
                                    

"Okay ka na?" he asked.

Inayos ko ang aking sarili. Patuloy pa rin ang pagpaypay niya sa 'kin. The hoodie guy was kneeling in front of me, holding a piece of thick paper. Agad naman niya akong inalalayan nang ako ay tumayo. His eyes intently bore to my face.

My heart skipped a beat.

Masyado kaming malapit sa isa't isa. Hawak-hawak niya ang siko ko, ramdam na ramdam ko ang katawan niya na parang yumayakap sa 'kin. And the way he caressed my elbow was so fragile.

"Ayos na ako. Salamat," wika ko.

Lumayo ako sa kaniya. Muntik na akong matalisod ng isa pang upuan dito sa rooftop dahil sa pag-atras ko. Agad akong napahawak sa aking dibdib.

"I was scared. Akala ko kung ano na," he mumbled.

"Your fault." Tinaasan ko siya ng kilay. "Kasalanan ng pusa mo."

His lips twitched. Mas humigpit ang kapit ko sa sarili ko. Damn it. Ngiti pa lang iyon pero nakatutunaw na ng tuhod!

"Hindi ko alam na allergic ka pala sa pusa." Nung ginulat niya ako kanina ay may bitbit siyang puting pusa. Agad akong inatake ng allergy. My eyes watered and I panted for air pero naagapan naman dahil dala ko ang gamot ko.

"Ngayon alam mo na."

Ngumisi siya, showing his perfect teeth and his charismatic smile. Ilang segundo akong natulala. Bumalik lamang ako sa kasalukuyan nang nilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ko.

"Nazareth."

Tiningnan ko lamang ang kaniyang kamay at tinaasan siya ng kilay. "Hellary."

Umawang ang kaniyang labi at humalakhak. He playfully looked down and slowly bore his eyes to my face. "Ang suplada mo."

"Wag kang umastang parang wala lang. May atraso ka sa 'kin!" I said, greeted teeth.

"I know, I know," aniya habang nakataas ang dalawang kamay. "That's why I'll pay you up."

"Paano? Aber?"

"Tutulungan kita mapalapit kay Neo," He announced proudly, he even winked at me.

Bigla akong nabuhayan. Tutulungan niya akong mapalapit kay Neo? Oh my gosh. That could be a big help! All my life, Neo never noticed me. Suplado siya. I didn't care though, because that was what I liked about him the most!

I remember when I was in grade 8, sa ibang school pa ako nag-aaral noon. Sinubukan kong magpapansin kay Neo. It was odd that he wasn't with friends that time, sitting under the tree while reading a book. I grabbed the opportunity.

Holding two egg sandwiches for him and me, I went to him. Grabe ang kalabog ng dibdib ko. My hands were shaking, sweating. That was my first time talking to him.

Nang mismong nasa tapat niya na ako ay parang wala lang sa kaniya ang presensya ko. Nagkakabuhol-buhol ang isip ko. I knew that he already felt my prescence, pero hindi manlang siya nag-angat nang tingin. Inayos ko ang sarili ko bago nilahad ang dalang sandwich.

"N-Neo, s-sandwich p-p-para s-sa 'yo..." I stammered.

He didn't even look up. He just waved his hand, telling me to leave. I ran. Umiyak. That was an awful memory. Nasaktan ako nang sobra no'n.

I was aware that he was like that. Pero kapag mahal mo, hindi ka mapapagod, 'di ba? Mahal ko si Neo. Ang makita siya sa malayo ay sapat na sa 'kin. Nagmukmok ako ng ilang buwan sa kuwarto ko dahil nasaktan ako.

Pero ang mas nagpawasak ng puso ko, ang malamang lilipat si Neo ng ibang school. Agad akong sumunod sa kanya kaya naman ay napunta ako sa Elron High.

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon