Chapter 47

216K 11.2K 5.5K
                                    

I didn't know how I was able to go to my room, to the headquarters. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Bahagya pang nanginginig ang aking tuhod. Hindi pa rin mawala sa isip ko na muntik na kaming mapunta roon. I was questioning myself kung bakit hindi manlang ako nagpapigil.

Napahawak ako sa labi ko. It was still swollen. Namamaga iyon at sobrang pula nang minsang mapadako ang tingin ko sa salamin. Why did he bite it so hard? And...

Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib. Nag-init ang aking mukha nang maalalang hinawakan niya iyon. It might just be above the fabric and not skin-skin. It still gave so much sensation from inside.

To be honest, magiging hipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko nagustuhan. The last time I had that kind of burning feeling was...when we made love. Yes, I tried to date boys my age for years. Pero hindi kami humantong sa puntong iyon. I felt like I was craving a certain sugar, but I couldn't point out which color.

I slept that day, knowing it would be awkward the next day. Ngunit mabuti na lang dahil wala pala si Nazareth ng umaga ding iyon. So, I was free to move and work all day without eyes staring at me.

Nang umuwi siya noong gabi ay nagkulong agad ako sa kwarto ko. When I saw his BMW approaching, I immediately went inside my room to hide. Sumilip muna ako at nakita kong nag-aabang sa kaniya si Manang at Angelita.

My eyes darted to his large luggage. Nagtaka ako dahil ang laki no'n. Pero papasok na siya kaya agad akong nagtago.

I kept biting my nails while in a state of oblivion. Panay ang lakad ko sa loob ng maliit na kwarto, pabalik-balik.
Tiningnan ko ang sarili sa salamin. I stopped. Binaba ko ang kamay ko.

"So, what if we kissed?" I asked myself from the mirror. "May anak na nga kami!"

I was also able to sleep at peace last night, knowing that he wasn't married yet. Parang nawala ang tinik sa dibdib ko nang malamang hindi niya rin pala anak iyon, it was his niece. Pati 'yong Eunice na maganda ay kapatid niya pala. Pero ano naman kung hindi pala totoo na kasal na siya?

Hindi ako easy to get!

Napatalon ako dahil sa isang katok. Nagda-dalawang isip ako kung bubuksan ko ba iyon o hindi. Pero naulit pa ang katok na tila balak gibain ang pintuan.

"Awooo..."

I rolled my eyes when I heard Angelita's voice. Binuksan ko ang pintuan. Nanliit ang mata niya sa 'kin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Pinapatawag ka ni ser," sambit niya.

Napatigagal ako sa narinig. Pinapatawag ako ni Nazareth?! What's wrong with him! I cleared my throat.

"B-bakit daw?"

"B-bakit daw?" she mimicked. "Sismars, maliban sa buhok ko, pati rin ba dila mo binuhol mo?"

Umiling ako at tumawa. Pero hindi tumawa si Angelita. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa 'kin. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Serious mode ako, bakla. Huwag mo ako tawanan," seryosong sabi niya kaya tumahimik ako. "Nag-sex ba kayo ni ser kagabi?"

Parang nabulunan ako sa sariling laway nang marinig ang tanong niya. Ilang beses akong kumurap sa kaniyang mukha. I suddenly felt abasement.

Nakita ba ni Angelita?

Pero hindi kami nag-sex!

"H-hindi! Ano bang pinagsasabi mo riyan!" depensa ko.

"E, bakit may naririnig akong umuungol kagabi habang nasa kusina ako? Tapos nakita kita na papunta na sa kwarto mo na pawis na pawis at si ser naman, pawis din," aniya. "Kanina ko dapat itatanong, mars, pero hindi ako kanina sigurado. Ngayon, tinatawag ka niya kaya lumakas ang kutobnism ko."

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon