Warning: R-18
Nazareth didn't come home for a week already. Hindi niya na sinabi sa 'kin kung bakit pero sa tingin ko ay may kinalaman ito sa trabaho niya. It was fine, I thought. Kasi sa loob ng isang linggong iyon ay hindi siya pumalya para i-message ako sa text from time to time. May mga oras din na bigla-bigla na lang siyang tatawag hanggang sa abutin na kami ng magdamag.
My heart felt so full. It reminded me of the good old days.
No matter how I tried to resist, my soul would still end up with him. Hindi ko alam. Gano'n talaga siguro. But there were still things that left a weight on my shoulders. May mga hindi pa nasasagot. May mga hindi pa ako nalalaman tungkol sa kaniya, tungkol sa nangyari noon. At alam kong naghihintay lamang siya ng tamang pagkakataon para sabihin sa akin ang lahat.
We were both in the same phase. We were still waiting for the right time to escape from the cage we locked ourselves in.
Bilang na lang sa daliri kung kailan mangyayari iyon. At kapag tuluyan na ngang nangyari, sana maging maayos na ang lahat. There's still hope inside me; that was buried. At ang maliit na pag-asang iyon siyang aking pinanghahawakan. Naniniwala pa rin ako.
Believing in something impossible is also possible.
"Te, oh," inabot sa 'kin ni Angelita ang listahan. Naka-toka na naman kasi akong mamili para sa darating na noche buena.
Kinuha ko iyon at binasa. It was a lot—kami lang naman ata ang magce-celebrate dahil mukhang hindi uuwi si Nazareth. We haven't talked about it yet.
"Bakit parang ang dami?" I asked.
"Ewan ko 'te. Baka umuwi si ser kaya marami pinabili ni Inang," aniya. "Gusto mo ba samahan kita?"
Tumango ako. "Sige."
"Gusto ka ba?" tanong niya. "Char. Wait lang bihis lang ako sismars."
Pagkatapos namin magbihis ni Angelita ay dumiretso na kami sa palengke. Maraming tao. Nag-ikot kami. Maputik dahil umulan noong isang gabi. Siksikan pa dahil nga bukas na ang noche buena.
Pagkatapos namin bumili, mag-ikot pa raw kami para mamili ng kaniya-kaniyang regalo. 'yong palengke kasi rito ay may maliit din na mall.
"Ano bang gusto ni Kye, mars?"
Nag-isip ako. "Mahilig siya sa mga cartoons. Spiderman din at Batman."
"Ayaw niya sa Barbie?"
Umiling ako. Natawa ako nang bigla siyang sumayaw sa gitna ng palengke. "Ay Barbie, sabi ko na.." she sung. "Tiktok bakla, 'di mo kaya."
Humalakhak ako't hinila na lamang si Angelita. We decided to just set apart for awhile. Nag-ikot ikot ako mag-isa sa mall. Alam ko na ang gusto ni Kye kaya ayon muna ang binili ko. Sunod ang kay Manang Rosa, Mang Wil, Manang Lolita, at kay Angelita.
"Wala na siguro. Okay na 'to."
Natigilan ako nang may napagtanto.
Si Nazareth pa pala.
Sinubukan ko pang tumingin tingin para kung sakaling may pumasok sa isip ko na para sa kaniya ay iyon na lang. Pero kanina pa ako ikot nang ikot ay wala pa rin. Panay na nga ang tawag sa 'kin ni Angelita dahil tapos na siya.
Bumuntong hininga ako at nag-text kay Nazareth para may maisip akong ideya.
Ako:
Anong gusto mong regalo
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang naghihintay. It took him a couple of minutes bago tumunog ang phone ko. Agad ko itong binasa.
I stifled my smile when I read his reply. Nag-init ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...