Special Chapter # 3
With all the sources and power my real parents had, I poured years and years to make our foster parents taste their own medicine. Nag-aral ako nang sobra para mapunta sa tuktok. At nang dumating ang tamang oras, unti-unti kong tinanggal ang kapangyarihan na mayroon sila. They became powerless . . . they became useless. Pinalawak ko ang circle ko. Kinaibigan ko ang mga makakapangyarihan sa underground. Nagpatulong akong durugin sila.
It was successful. Everything became successful over time.
Pero kahit anim na taon na ang lumipas, siya pa rin ang iniisip ko. Kahit na alam kong sa mga oras na ito, mayroon na siguro siyang asawa. Masaya na siguro siya. The last time I saw her was the time I promised to disappear from her eyes. I had all the sources to search for her, to look for her. Pero ayoko na siyang guluhin pa. I respected her peace.
Kahit gustong-gusto ko siyang makita, pinigilan ko ang sarili ko. I also tried to date some women, but I just kept on comparing her from one woman to another and it was wrong. Kahit ano'ng gawin kong paglimot sa kaniya ay hindi ko magawa. All those years that I tried to take down the impostors, all I was thinking was her happines. That once everything was done, she would be able to live in comfort. Kahit hindi na ako iyon. Basta maging masaya lang siya, ayos na sa 'kin.
But destiny was playing with both of us.
"N-Nazareth . . ."
Hindi ko makuhang magsalita. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Nang umuwi ako sa bahay, naroon siya. Gulat na gulat na makita ako. I almost wanted to run to her and hug her so tight because I missed her so fucking much. Lalo na nang makita kong naluluha siya. Kahit na may nabasag na baso ay wala siyang pakialam.
She became a grown-up woman. Ang dati niyang kulay kape na buhok na lagpas balikat ay umaabot na sa kaniyang baywang. Mas naging maamo ang mga mata niya at mas tumangos ang ilong. Mamula-mula ang pisngi niya. Her familiar rosy lips were, and always have been, enticing. They never failed to seduce me . . . until now. She became more beautiful which made me breathless.
God, bless me.
"N-Nazareth, y-you're alive . . ."
Hindi nawala sa akin ang mga mata niya. Yes, love. I was alive.
But at that moment, I thought, maybe it was best not to . . . feel hopeful. Nasira ko na siya noon, nadurog ko na siya noon, kaya mas maganda siguro na huwag na lang ulit mangyari. Kaya nagpanggap akong walang pakialam. Nagpanggap akong hindi ko siya kilala. Iyon ang mas dapat. Ayoko na ulit mangyari ang nangyari noon.
Kaya nang bumalik ako sa Manila, kahit gusto ko nang umuwi ulit, ay hindi ko ginawa. Ilang linggo pa ang lumipas bago ko naisipang bumalik. Hindi ko inaasahan na siya pala iyong sinabi ni Manang Lolita na papasok bilang katulong. Tapos may kasamang bata. Kaya tama talaga ang desisyon ko na lumayo. May pamilya na siya. Masaya na siya. The mere thought was hurting me, but it was all for the best.
Pinigilan ko ang sarili ko habang pinagsisilbihan niya ako. Nang matitigan ko siya sa liwanag, mas lalo talaga siyang gumanda.
"Shit!" I shrieked.
The water dripped from the glass. It fell on my pants.
"O-oh my god. S-sorry, N-Nazare — " Natigilan siya. Napangisi ako sa utak ko. "S-Sir!"
Aligaga niyang pinunasan ang slacks ko. Nanlaki ang mata ko dahil . . . dahil natatamaan n'on ang pagkalalaki ko. I didn't know what gotten unto me, but I had a boner! Maybe because it was already so long before I slept with someone. She was . . . my last! Ako na lang ang nagpunas sa sarili ko dahil masyadong bumakat.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...