It was weekend. Walang klase. Kaya heto ako ngayon at nasa bahay lang. Nagdesisyon akong mag-sketch sa garden kahit hindi ko naman hobby gawin iyon. Medyo marunong naman ako mag-drawing. I just wanted to do it just to kill time.
Nagpadala ako ng meryenda kay Manang para kung sakaling magutom ang mga alaga ko sa aking tiyan, may makakain ako. Pumwesto ako sa parte kung saan may magandang view.
Hmmm. How 'bout I draw the swing and the bunch of plants behind it?
Dumating ang meryenda ko. Chocolate cake at isang juice lang naman. Gumuguhit ako habang paminsan-minsan ay tumitikim nito. In all fairness, nahirapan ako sa halaman. Lalo na ang mga sanga nito na mahirap iguhit.
Bumuntong hininga ako pero kumislap ang mga mata ko nang makita ang isang paru-paro na dumapo sa isa sa mga bulaklak. Napangiti ako at drinawing ko iyon. Parang nakikiayon sa akin ang paru-paro dahil nanatili ito sa kaniyang pwesto.
Ilang sandali pa ay nagmamadaling lumapit sa akin ang isa sa mga katulong. "Ma'am, may bisita po kayo."
Kumunot ang noo ko. "Sino?"
"Si Hera po."
"Okay. Papuntahin mo na lang siya rito sa gard—"
Ano naman kayang ginagawa ng babaeng ito rito? Natigilan ako nang mamataan agad si Hera.
Iniwan kami ng katulong. Samantalang umupo si Hera sa bakanteng upuan sa tapat ko. "What the hell are you doing?"
Ngumuso ako sa sketchpad. "Obvious ba?"
"Tatanungin ko ba kung obvious?" sagot niya.
Aba!
"Nag dra-drawing ako, okay? Kaya kung ano man ang kailangan mo, just say it immediately." sambit ko.
Ngumiti naman siya. Yung ngiti nung katulad kay Joker. Ang creepy! Seryoso ang creepy!
"B-bakit?"
"Basta!"
Bigla niya na lang akong hinila patayo. Syempre, muntik na akong matapilok dahil nagmamadali talaga si Hera. Ayaw niya talagang tumanggi ako. Kaya hinayaan ko na lang na hilain niya ako palabas ng bahay.
Pumasok siya sa kotse na dala niya. Sumunod naman ako.
"Kuya, sa Ty Tea nga po..."
"Okay po ma'am," sagot ng driver.
"Ty what?!" gulat na tanong ko.
"Ty Tea."
"Hera, bawal tayo niyan."
"Paanong bawal?"
"H-Hera, h-hindi pa ako handa..."
"Pinagsha-shabu mong bilat ka?" Humagalpak siya ng tawa. "Ty Tea is a milk tea shop. Parang Starbucks."
"A-ah. Akala ko 'yong ano.."
"Yung ano?"
Tumirik ang mata niya na parang sinasapian. "Ty Tea, bi. As in, T-Y T-E-A!"
Binatukan ko siya kaya napadaing siya. Hala napalakas. "Alam ko! Kailangan ba talagang i-spell?"
"Brutal ka talaga!"
After a couple of minutes, ay bumaba na kami. Dire-diretso ang pasok namin sa loob ng stall na may nakalagay sa itaas na Ty Tea. Pagkapasok namin ay hindi ako nasiyahan sa amoy sa loob ng Ty Tea. Parang amoy hospital. Comfort room, gano'n. Tinakpan ko ang ilong ko.
Dire-diretso kami sa sulok kung saan may loner na table.
Nilibot ko ang paningin ko. Kakaunti lang ang tao. Ang iba ay mga estudyante na may Saturday class. Ang iba naman ay tila mga kumpol ng teenagers na puro picture ang ginagawa para ipang profile picture sa Facebook o 'di kaya'y ipang IG feed.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...