Tumawag si Manang Rosalinda ng sumunod na linggo. She sounded so devasted. I asked what was it all about and she just cried from the other line. Hinayaan ko muna itong humikbi nang humikbi. Sumandok ako ng gulay at kaunting kanin. Pero hindi ko magawang isubo kay Kye dahil na rin sa kausap.
"H-Hellary, hindi ko na alam ang gagawin ko," hagulgol ni Manang.
"Manang, ano po ba ang nangyari?" I asked her. "Uminom po muna kayo ng tubig so you can calm down..."
Inignora lamang niya ang sinabi ko. She cried for almost half of an hour until she calmed herself down.
"Sinugod si Wil sa hospital..." tukoy nito sa kaniyang asawa na dati naming driver. "Nahimtay sa pabrika, kalagitnaan ng trabaho. Hanggang ngayon hindi pa gumigising."
Tha was why I panicked. Matanda na si Manong Wil. Parehas sila ni Manang Rosa. Pero sa kanilang dalawa ay mas sakitin ang lalaki.
"Manang, ano raw po sabi ng doctor!?"
She sighed. "N-nakitaan ng mga bato sa atay..."
Napasinghap ako. That was terrible! Buong sandali ay kinausap ko si Manang, trying to consoled her. Sinabi kong magpapadala ako ng pera para sa hospital expenses niya. Pilit siyang tumanggi pero mas nagpumilit ako. Labag pa nga sa kaniyang loob ang pagpapadala ko ng pera nitong mga nakaraang buwan. Hindi na raw kailangan.
But they were already my family. They deserved more than what I was giving them. Maliit pa nga iyon kumpara sa pagtulong nila samin ni Kye.
That bothered me for the whole day, but I continue to work. Wala na rin akong sakit dahil isang linggo na rin ang nakalipas. Everything went back to normal, I guess.
Naabutan ko si Angelita sa kusina. She was doing something familiar in which I remembered. She was filming herself just like Kye did.
"Renegade..." Then she did some weird hand movements. "Haa...Haaa!"
Umiling ako. "Ano na naman 'yan, Ange."
Agad niyang tinigil ang ginagawa kaya natawa ako. Kinuha niya ang phone at may pinindot do'n. May i-scroll pa siyang ginawa bago itinapat sa aking mukha ang screen ng cellphone niya.
"Tignan mo 'yong kapatid mo!"
Then a video played where Kye was trying to lure people by making cute faces. I giggled for my brother.
"He's just five years old! For Pete's sake!" I laughed.
Umiling si Angelita. "Siya nagturo sa 'kin kung paano 'yan." Hinila niya ako. "Tara, tayo naman. Gayahin mo lang ako."
"Ayoko!"
"Shuta ka, ang artenesa mo! Dehins ka naman maganda!"
Umiling pa rin ako. "Nakakahiya!"
I heard her mumbled, but I wasn't able to listen to those. Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari.
"Ganito gawin mo ha," she said, then did some movements. Paulit-ulit niya 'yon na ginawa. "Ganito kapag may music."
Tapos ginawa niya ulit 'yong tinuturo niya pero ngayon ay may kanta na. Hindi ko naman nakabisado agad. Kaunti lang. Pero after a while of practicing, nakuha ko naman na.
"Oh, okay na 'yan! Shuta sana mag-trending," she giggled. "O, pwesto ka na sa tabi ko 'te. Wait pindutin ko lang 'yong timer."
Pagkatapos niyang pindutin ang timer naghintay kami ng tatlong segundo. Pagkatapos no'n ginawa na namin 'yong tinuro sa 'kin ni Angelita. Tawa ako nang tawa pagkatapos.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...