Mahigpit akong napahawak sa dibdib ko. It felt like there was a war inside my heart. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko mapigilang hindi maapektuhan. Lalo na nang sabihin niyang hindi ko na siya kailangan. Gano'n ba ang tingin niya sa 'kin? Iyon ba ang nasa isip niya? Na ginamit ko lang siya? Ayon ba ang nais niyang sabihin?
Kung iyon nga, nasasaktan ako.
Itong sakit na nararamdaman ko, hindi ko ito naramdaman nino man. Kahit kay Neo na unang minahal ko, kahit kay Hera na minsang nang nakatampuhan ko, at kahit sa pamilya ko lalong-lalo na si mommy.
This pain was different. And I was too stupid not to know why I was feeling this kind of pain.
I looked at him with so much pain, pero ang mga tingin niya sa 'kin ay parang nagpapalambot ng aking tuhod. I treasured our friendship so much. And I didn't expect this in return.
Naka-igting ang kaniyang panga. His lips were in thin line while his eyes screamed so much coldness to the point that it would limp my knees.
"N-Nazareth, what happened to you?"
I saw his jaw moved. Umiling siya tapos ay tumalikod. Pero bago iyon ay may sinabi siya, "Ito na ang huli nating pag-uusap. Ikaw at ako, simula ngayon, ay hindi na magkakilala."
"N-Nazareth w-wag ganito..."
Hindi niya ako pinakinggan. He just walked away, leaving my heart broke into pieces. I cherish our friendship too much, at hindi ko inaakala na kapag nagpahalaga ka pala ng isang bagay ay ganito ang magiging resulta.
***
Nagpatuloy ang agos ng buhay. Tinototoo niya ang sinabi niya. Hindi na talaga kami magkaibigan. He even bought a new sim card para lang maiwasan ako.
Gano'n pa rin.
Pinagkakaguluhan siya ng mga estudyante. He was too damn popular. And his life with Kestrel continued. Lagi silang magkasama. Nakikita ko pa nga sila na nagtatawanan kapag nagkakasalubong kami sa hallway. Laging nakalingkis ang braso ni Kestrel sa braso niya, and it seemed like he didn't care about it.
Parang gusto niya pa nga.
Ako naman ay sinubukan kong kalimutan ang pansamantalang namagitan sa amin. Si Neo ang lagi kong kasama. He makes me laugh all the time na hindi ko inaasahang magagawa niya. Diba suplado ang isang 'yon? Tapos ngayon nagulat ako dahil masarap pala siyang kasama.
"Hellary, bilisan mo diyan!" sigaw ni Hera. Nasa labas na siya ng classroom at ako na lang ang hinihintay.
"Saglit lang, 'wag masyadong excited." Humalakhak ako.
May P.E kami ngayon. Maglalaro kami ng Volleyball. Kahit naman papaano ay marunong ako pero hindi gano'n kagaling. Ayoko talaga ng PE dahil sumasakit ang katawan ko pagkatapos.
"Tagal ha," salubong ni Hera sa 'kin.
"Madaling-madali ka ba makita si Adam?" I asked her.
Namula ang kaibigan ko at nag-iwas nang tingin. "H-hindi ah..."
"Sus. Wala kang maloloko rito lalong-lalo na ako, Hera."
"Tsk! Oo na! Oo na! Gusto ko na siya!" bulalas niya. "Basta 'wag mo lang sasa—"
"Bakit ang tagal nyo?" Napatalon si Hera nang biglang sumulpot si Adam sa aming harap. Nanlaki ang mata ng kaibigan ko.
Pero tiningnan lamang siya ni Adam na parang wala talaga siyang narinig. "K-kakarating mo lang diyan?"
"Yes, why?"
"H-hindi mo narinig ang usapan namin diba?"
"Yes."
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...