Dilat na dilat ang mga mata ko. Walang kurap-kurap, titig na titig ako sa mukha ni hooded guy. Nakapikit siya. Parang dinarama niya ang labi ko.
Is this happening!?
Ang unang halik ko! Bakit napunta sa kaniya?!
Buong tapang kong tinulak ang lalaking ito. Hindi sapat iyon para maalis siya sa pwesto niya. Lalaki siya, mas malakas siya.
Nakaawang ang kaniyang labi habang tuwang-tuwa na pinapanood ako. Nakangisi siya, tuwang-tuwa sa galit ko.
Nagdidilim ang paningin ko. Madilim na nga rito, mas nagdidilim pa. Kaya naman ay dinampot ko ang kung anong madampot ko at walang kapuso-pusong hinampas ito sa kaniya.
"Fuck! Fuck!" he cursed.
"How dare you steal my first kiss! Hayop ka!" Patuloy ako sa paghampas ng matigas na bagay sa kaniya.
Hinarang naman niya ang kaniyang braso upang pangsangga sa bawat palo ko. That kiss didn't happen. Please. Oh my god!
Nawala na 'yong iniingatan kong unang halik na dapat ay ibibigay ko lamang sa isang tao na matagal ko nang gusto. Hindi ko na ito maibibigay kay Neo. It was reserved for him!
Paano na 'to?
"Calm down! Calm down! Okay?" He chuckled.
"Anong calm down-calm down ka riyan! Kinuha mo ang first kiss ko! Para kay Neo lang 'yon!"
He growled a peal of laughter. "At sa tingin mo magugustuhan ka ni Neo?"
Dahil doon ay napahinto ako sa pagpalo sa kaniya. Tuwang-tuwa pa rin siya sa sinabi ko. Samantalang ako ay natulala't hindi nakapagsalita. It seemed like a burst of thunder that made me stop.
Hindi niya napansin na nakababa na pala ang hoodie sa ulo niya. Kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha niya. He looked better without something on his head. Mas napagmasdan ko siya. Maaliwalas ang kaniyang mukha. His pushed back hair made him look neat and clean. Ang pantay-pantay na ngipin niya ay kitang-kita rin dahil sa malakas niyang pagtawa.
He's indeed...
A god.
My eyes can't take off of his face. May ganito pala kaputi na tao? Daig niya pa si Snow White sa sobrang puti. Siguro'y pinaglihi siya sa nyebe.
It made me silent for a minute. I was deeply astounded.
Hindi ko tuloy napansin na nakanganga ako habang pinagmamasdan siya. Heck, even his laugh sounded music to my ears. Parang ihip ng hangin na naglaho ang naramdaman kong kirot sa dibdib ko kanina dahil sa sinabi niya.
Bigla akong bumalik sa reyalidad nang magsalita siya. "Bakit ka nakanganga riyan?"
He looked so serious. Ngayon pa lang ay masasabi ko nang ang ganda ng mata niya. Para siyang naka-eyeliner pero hindi naman. Isama pa ang mahaba niyang pilik mata at matangos na ilong.
"Hey, I'm asking you," untag nito.
Kumurap ako. "A-ah. A-ano nga ulit 'yon?"
He chuckled. Pinitik nito ang noo ko. "Aray!"
And because of that, muli kong naalala ang kasalanan niya sa 'kin. Walang pangundangan ko siyang sinaksak ng hawak kong kutsilyo. Biro lang. Hinampas ko lang siya ng sapatos ko.
"Akala mo makalilimutan ko na 'yong ginawa mo?" Gigil ko siyang hinampas.
"I'm sorry!"
"I'm sorry," I mocked while making a face.
BINABASA MO ANG
Under His Hoodie
Humor(Published under Pop Fiction) Hellary Angeles was head over heels for her long-time crush, Neo. And her obsession with him reached the point where she moved to the school where he transferred. But that new school had a myth - if a student talked t...