Chapter 33

189K 8.5K 4.7K
                                    

Umagang-umaga pa lang ay kinatok agad ako ni Manang Rosalinda sa aking kwarto. Wala pa akong tootbrush at hilamos. Ginulo agad ako sa aking pagkakahiga.

"Hija! Gumising ka na riyan at kakausapin ka ng mommy mo!" sigaw ni Manang mula sa pinto.

"Gising na po!" I shouted. Tumayo na ako upang gawin ang pang-umagang ritwal. Pagkatapos ay agad kong pinuntahan ang kwarto ni mommy.

Pagkabukas ko ng kwarto niya ay wala siya roon. Kaya kumatok ako sa kaniyang office. Naka-isang katok pa lamang ako ay agad akong pinapasok ni mommy.

"Come in," she said behind the door.

Binuksan ko ang pinto. Pumasok ako sa loob. Tinimbang ko ang mood ni mommy. Naka-upo ito sa kaniyang swivel chair. Suot ang kaniyang salamin. Nang makita ako ay binaba niya ang binabasang mga papeles at ang kaniyang salamin ay ipinatong sa makintab na table.

"Hellary..."

She called me by my name. Nakaramdam ako ng kaunting kaba para sa sarili.

"Ano mo siya?" tanong niya.

Alam ko ang tinutukoy niya. Nagiging protective ba si mommy ngayon kaya niya ako pinapunta sa kwarto niya? Maybe. I couldn't blame her. It was her first time to see me with a guy.

"K-kaibigan ko lang..."

Tumango si mommy. Her prim and proper image was visualized again in my mind. She nodded but her eyes weren't convinced. Hindi niya ako pinapaniwalaan. Alam ko. Nakikita ko. Hindi ko maamin na boyfriend ko si Nazareth dahil sa malamang ay magagalit ito't hindi na ako papalabasin ng aking kwarto.

"Whatever your relationship with him, avoid that guy," kalmadong saad ni mommy. "Never. Meet. Him. Again."

Nanlaki ang mata ko.

"But why?"

"Just do what I said, Hellary. No more questions. You may leave now," aniya. "From now on, may mga bodyguards nang nakapaligid sa 'yo. Malalaman ko kung makikipagkita ka sa lalakeng iyon. Lagi akong magiging updated kung nasaan ka, kung ano ang ginagawa mo at iba pa."

"What?" bulalas ko. "Isn't too unfair?! It's my life! It's my personal life that you're invading with!" Hindi ako natutuwa sa sinasabi ni mommy. My whole body was trembling in anger. Why would she do that to me?

Bodyguards? For the sake of avoiding my boyfriend? It wasn't just right, and it didn't make sense at all!

Sinamaan ako nang tingin nito at tumayo. Hinampas ni mommy ang lamesa. Nagpupuyos ng galit. "Just do what I said! Walang reklamo!"

She was fuming mad. I instantly had the urge to fight back, but she was my mother. I still have to respect her. Kung noon ay bastos ako sa kaniya, ngayon ay hindi ko na lang alam ang gagawin.

"Hindi madali ang pinapagawa mo, mommy. Kaya sana bigyan niyo ako ng rason kung bakit ko kailangan gawin!"

"Because he's the person that you shouldn't get involved. Sundin mo na lang ang sinasabi ko."

Lumabas ako ng kwarto. Galit. Pero bago pa ako makaalis ay muling may sinabi sa akin si mommy.

"Sa oras na malaman mo ang totoo, ikaw na mismo ang kusang lalayo sa kaniya..."

Halos hindi ako makakilos buong araw. Tulala ako sa school. Totoo nga ang sinabi ni mommy. Palaging may nakabuntot sa 'kin na mga nakaitim na lalaki. Marami tuloy napapatingin sa akin. Kapag iihi lang ako nagkakaroon ng kalayaan. Kasi hindi naman sila pwedeng pumasok ng comfort room ng girls 'di ba? Palagi silang nakasunod sa 'kin and it was really irritating the hell out me! Hindi ako sanay na palaging may nakasunod sa akin na parang tuta!

Under His HoodieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon