Warning: R18 content
A/N: Unedited
Third Person POV
Matagal na panahon bago nila mapagdesisyunang dumalaw sa kulungan ni Vito. Hinayaang muna na lubusang gumaling mula sa trauma si Kimiko.
"I'm okay now, mom. I forgive lolo." Habang nasa hapag kainan ay bigla itong sinambit ng bata.
Mahigpit ang hawak ni Khione sa kamay ng anak habang tinatahak nila ang pinaroroonan ng kaniyang ama.
Hindi biro ang pinagdaanan nila, gayundin si Kimiko. Inabot ng ilang taon bago niya nakayanang magpatawad. Siya ay nalantad sa maagang edad sa uri ng buhay na mayroong ang kaniyang ama't ina pati na rin ang paligid niya. Ang nagpalala nito ay ay pagtatangkang pag-kidnap sa kaniya ng sariling lolo.
Nakulong si Vito pagkatapos maipagamot at madakip ng mga pulisya. Ilang taon bago pa ito nagsisi na makaramdam labis na paghihirap sa loob ng selda. Napagisip-isip ang mga ginawa niya.
Taon din ang inabot bago siya napatawad ng kaniyang sariling anak. Ngunit hinayaan niya munang maka-recover si Kimiko bago tuluyang bisitahin ang ama.
"Kailangan niya pa rin magdusa sa kulungan." May katagalan ngunit hindi parin makalimutan ni Khione ang mga nangyari.
"To raise someone like Khione isn't hard but the situation I was in, made it difficult. The mafia world is cruel, use it wisely for your new family."
Minabuti ni Lowe na siya muna ang humarap sa lalaki. Bumungad sa kaniya ang namamayat at balbas saradong bulto sa likod ng rehas.
"You made the Inferno, Making it better than it is, is my responsibility." Mariin ng tingin nila sa isa't isa ngunit hindi na katulad ng galit na mayroon sila noon.
"I don't think I can forgive you for what you did countless of times," Bungad ni Khione. "Kimiko told us the she forgives you.. you have to thank God she was that innocent and kind."
Tahimik na pinapanood lamang ng ama ang kaniyang anak na pinipigil ang pagtangis.
Matagal na pagbabayaran ang kasalanan sa likod ng rehas. Ni hindi niya man lang makikitang lumaki ang kaniyang apo. Apo na pinagtangkaan niya ring saktan, katulad ng anak at asawa niya.
Pagak na natawa si Vito na lumihis ng pagkakatayo upang itago ang sariling sa anak. Hiyang-hiya sa mga nagawa noon pati narin ang humarap sa anak niya sa ganoong kundisyon, itinatago ang butil na luhang kumawala sa mga mata.
"I will cherish it in the same way that I value my family, but neither money nor power can ever replace my family." Mapait na napangiti na lamang si Vito sa narinig. Bagay na hindi niya napagtagumpayan noon.
Ikinagulat pa ni Lowe ng hilingin ng lalaki na 'wag ng iharap sa kaniya ang bata kahit nalaman nitong pinatawad na siya.
Ayaw niyang bumalik pa sa ala-ala ng bata ang mga naranasan nito sa gulong idinala niya sa pamilya.
"Alagaan mo ang Inferno." Habol na saad ni Vito na nagpahinto kay Lowe. Ngunit hindi na nagawang marinig pa nila Khione dahil nauna na ito palabas, "Pati ang anak at apo ko." Bulong nito, sapat upang marinig ni niya.
Nang lingunin siya ni Lowe, tanging likod na lamang nito ang nasulyapan niya. Naglakad palayo at umupo sa dulo ng loob ng selda.
Ilang saglit pang napatitig si Lowe na walang bakas na emosyon. Bago pa man humakbang ay tahimik na yumuko sa direksyon ni Vito bago tuluyang umalis.
YOU ARE READING
Morpheus Obsession
RomanceMLD 🏅 #1 in INFERNO out of 50 stories 🏅 #1 in ACES out of 56 stories 🏅 #8 in MORPHEUS out of 162 stories 🏅 #9 in REBEL out of 8422 stories 🏅 #17 in ELITE out of 577 stories 🏅 #56 in MAFIA BOSS out of 1.26K stories 🏅 #90 in REBELLION out of 8...