MO | THIRTY FOUR

189 19 1
                                    

Khione's POV

"GAV!" Taranta kong sigaw ng himatayin ito.

"Here we go again." Bulong ni Aurelius.

Walang tumulong sa akin sa pagaasikaso kay Gav. Sinamaan ko pa ng tingin ni Lowe bago ito gumalaw. Mukang nandidiri pa ng mahawakan si Gav ng tulungan niya akong ihiga ito sa sofa.

"I think we need to go home." Biglang pamamaalam ni Ciara.

"Oo nga! Mukang nagmamadali na nga sila oh." Halos mautal pang saad ni Keon. Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad natikom ang bibig.

"Huh?" Paglingon ko kay Ciara. "Akala ko ba dito na kayo magdi-dinner?"

"U-uh.. may gagawin pa kasi kami." Umiiwas ng tingin na sambit ni Trixi.

"Huwag na kayong mahiya." Napalabi na lamang si Lowe ng hinila ko siya para alalayan si Gav. "Ako ang magluluto ngayon."

Bakit naman naisipan nilang bigla nalang umuwi?

"Oo nga naman. Bakit tayo uuwi?" Mataray na saad bigla ni Liliana na nakatingin ng masama sa mga lalaki.

'May nangyari ba?' Nagtatakang tanong ko sa sarili.

"Tara na sa kitchen. Magpapatulong na lang ako kay Ate Frinda para mapabilis ang pagluluto." Agad nila akong sinundan.

Tahimik ang loob ng kitchen hanggang sa matapos at magtipon tipon sa hapagkainan.

Ang kakagising palang na si Gavriel ay tahimik rin ngayon ngunit namumula ang mukha at kapansin pansin ang palihim na pagsulyap kay Keito.

"May nangyari ba?"

"Meron."

"Wala."

Lalo akong nagtaka sa pagkakaiba ng mga sagot nila. Ibinaba ko ang hawak na kubyertos ay sumandal.

Ramdam kong may nililihim 'tong mga 'to eh.

"May alam ka ba rito, Morpheus?" Lowe was caught off guard when I called him by his first name.

He didn't try to ask something off the topic when he saw how serious I am, "None."

"Huh? Liar ka bossing ah." Paglingon ni Gav kay Lowe. Base sa reaksyon ng iba pang lalaki ay para bang sangayon ito kay Gav.

"What the heck are you trying to say, bastard?" Balik na tanong nito.

"Kasama ka namin doon sa club ah." Pagpupunto pa ni Gav.

Ilang segundo ang lumipas ng bahagyang nanlaki ang mata ni Lowe. Agad na napatingin sa akin na napahugot ng hininga.

"Club?" Sambit ko.

Anong bar ang pinagsasasabi ng mga 'to?

"Khione-"

"Kasi diba nung galing tayong London, puro tulog na ginawa namin sa byahe pag-uwi. Kaya ayun, naisipan naming mag club muna." Pagputol ni Gav kay Lowe.

"Did I tell you to butt in?" Halos mag dikit ang kilay na pagkakasabi ni Lowe.

"What?" Inosenteng tanong ni Gav.

"Atsaka teka-" Biglang pagtayo ni Keon, katulad ng kanilang lider ay kunot ang noo nito habang nakapameywang. "Anong 'naisipan namin'? Eh diba ikaw ang nag aya? Ikaw ang nakaisip no'n ah."

Walang muang na tumango si Gav "Oo nga."

"O, eh bakit kung magsumbong ka, d
amay kami?"

Morpheus ObsessionWhere stories live. Discover now