MO | THIRTY TWO

232 30 1
                                    

Vito's POV

"Ben tornato, Don Vito."

Bunch of my men welcomed me when I came back to Casa Inferno.

"Dante, did the transaction went smoothly?" I took out my cigarrette as I glance at my people who remained their heads bowed down.

"Si, Don Vito. We eliminated WHYOS, we also took home the collected weapons on their route." Inabot niya sa akin ang tablet kung saan nakalista lahat ng nalikom na armas na ngayon ay pagmamayari nanamin.

"Good."

"Balita ko ay napa-ospital daw ho kayo, Don?" Pagtatanong nito.

Ibinalik ko sa kaniya ang tablet. Dumeretso ako sa paglalakad papunta sa study room at randam ko ang pag sunod ni Dante sa likuran ko.

"Mierda. Nanatili kami sa hotel na nalaman kong pagmamayari pala ni Dallas." Labis ang inis ko ng inurong ang upuan bago naupo. Ipinatong ang siko sa lamesa, "Wala akong naatasang tauhan na sumunod sa akin kaya't wala akong kawala sa mga tauhan ni Dallas." Hithit buga ang ginawa ko sa sigarilyo sa sobrang galit.

Imbis na masunod sa plano ko ang nangyayari ay patuloy pang humaharang sa daraanan ko si Dallas. "Figlio di puttana!"

"Sir? Do you want something to drink? Wine?" Tinapunan ko ng tingin ang babaeng nakapang katulong na damit. Malayang inilalantad ang kaniyang dibdib at pasimpleng kinakagat pa ang labi.

"Get out of here, cagna!" Bitch! Hindi ko alam kung saang lupalop ba napupulot ni Dante ang mga ito. "You're fired. Don't you ever show me your bitch face again or I'll kill you." May pagbabantang sambit ko.

"Y-yes sir. Sorry."

Takot na agad na sumunod ang katulong. Nagmamadaling lumabas ng silid.

"Sa susunod na makakita ako ng walang kwenta sa mga tauhan ko, ikaw ang tatanggalan ko ng trabaho, Dante." Yumuko ito upang ipaalam na naiintindihan niya ang mga sinabi ko.

Ilang taon ko ng kanang kamay si Dante. Wala sa mga utos ko ang palpak niyang nagagawa. My threats became normal to him. Now, I can hardly see him shaking in fear unlike those days when he's still a new member of Inferno.

"Did you keep on monitoring Dallas just like what I ordered you to do?"

"Si, Don Vito." Naglapag siya ng ilang litrato sa lamesa. "Dalawang araw na siyang nakikitang paalis alis sa mansion niya ngunit magaling talagang mag manipula ang mga kasamahan niya kaya nahihirapan ang ilang tauhan na malaman ang lugar na pinupuntahan nila." Kinuha ko isa isa ang mga iyon at halos malukot ng madiinan ko s apagkakahawak ang isa.

Nagpatawag ako ng iilang mga tauhan para sa ipapagawa.

"Stay on sending men to guard on Dallas." Agad na tumango si Dante. Hinarap ko ang mga bagong pasok na tauhan. "Sila ba yung sinasabi mong magagaling na bagong tauhan?" Pinasadahan ko ng tingin isa isa ang humigit sampung lalaki sa aking harapan.

"Nasukat na namin ang galing nila sa pag gamit ng mga armas. Lahat ng pagsasanay ay mabilis nila itong nalagpasan."

Sumandal ako sa kinauupuan, idinantay ang siko sa gilid at pinagsalikop ang mga kamay. "Don't get caught. You know what I can do." Walang salitang tumungo ang mga ito at mabilis na lumabas.

"Hindi tayo pwedeng magpa-dalos dalos ng galaw." Sambit ko kay Dante.

Hihintayin ko ang araw na maari na naming gawin ang plano at sinisigurado kong mabubura ang dapat na matagal ng burado sa mundo.

Morpheus ObsessionWhere stories live. Discover now