MO | THIRTY THREE

205 25 2
                                    

Khione's POV

"I already told you, it's fine." Pag ulit ko.

Inihinto na ni Lowe ang sasakyan ng makarating na kami sa Mall. Ang kaninang pangungulit niya na samahan ako ay napalitan nanaman ng paghihingi niya ng tawad.

"I can't say no to dad. I'm sorry, Khione." Tinignan ko ang mukha niya. Kanina ay tuwang tuwa pa siya sa pangiinis at pagpilit na sumama sa akin.

Ngayon, hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman niya pero kitang kita ko ang inis, "How old am I?" lumingon siya dahil sa itinanong ko.

Binigyan niya ako ng naguguluhan itsura bago sumagot, "19." Pag sambit niya sa tono na may halong pagmamayabang at pagtataka.

Sus, alam ko namang halos lahat ng impormasyon patungkol sa akin ay nahalungkat mo na, una pa lang.

"See? Hindi na ako bata. And hello, hindi naman ito yung first time na pupunta ako ng Mall." I said it, a long term for the word 'duh'.

"I promise, I'll make it up to you."

"Kung ako sayo, gagawin ko. Hindi puro pangako." I tapped his shoulder before I unbuckle my seat belt. "Don't worry, I'm not mad."

Actually, hindi talaga ako nagagalit o kung ano. Kilala ko siya, ayaw niya ng masyadong nagiikot sa mataong lugar. Ganun din naman ako pero napipilitan kaming pareho kapag kasama naming sina Gav.

Ngayon ay marami-rami rin akong pina-planong bilhin kaya ayos na ring wala siya. Mawawala yung essence ng meaning ng word na surprise kung makikita niya rin yung mga gagawin ko.

"Hehehe."

"You're being creepy again." I smiled at him. Ignoring his weirded gaze.

"Sige na. You can go." I leaned forward leaving a peck on his lips. "Bye, I love you." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmamadaling naglakad papasok sa loob ng magarang Mall.

"Ano ba yan, sa mamahalin pa pala ako dinala non." Nakangiwing bulong ko.

Hindi ko kasi ginagamit ang pera ni Daddy ngayon dahil baka kinakailangan niya sa mga panggamot niya.

Hindi naman sa naghihirap kami, malaki ang kinikita ni Daddy sa Mafia Inferno tradings and other businesses niya pero alam kong ang karamihan doon ay galing sa mga illegal activities at meron naman akong naipon sa pagpi-freelance model kaya ayos lang.

Unang pinasukan ko ay ang store na makakabili ako ng materials for painting. I'm not really good at it, though I can see that I'm doing better little by little.

Inabot ako ng isang oras sa pamimili ng mga gamit para sa akin bago ako huminto sa isang men's boutique.

"Halos lahat naman ata ng nandito ay meron na siya." Nakailang store pa ang pinasok at kalaunan ay nauuwi rin ako sa paglabas dahil sa pagkakadismaya na walang mapiling bilhin.

"This one looks good." Napalingon ako sa grupo ng mga babae ng pumasok ako sa isang jewelry shop.

Kumikintab ang lahat. Siguro naman ay kakayanin ng naipon ko ang presyo ng items rito kung sakali.

"Good day Maam, is there any specific item you're looking for?" Pag lapit sa akin ng isang babaeng staff.

"Uhh.." Muling inilibot ko ang mata ngunit ganoon pa rin ang nangyari. "Sa totoo lang, kanina pa ako nag iikot pero wala akong mahanap na maipangre-regalo sa boyfriend ko."

"Ano po bang paborito ng boyfriend niyo, Maam? Watches? Earrings?" Pagtatanong niya. "Or maybe a ring? Are you already planning to get married already? Marami po kaming bagong dating na sa tingin ko ay magugustuhan niyo." Pag gawi niya sa akin sa direksyon ng mga sing sing.

Morpheus ObsessionWhere stories live. Discover now