MO | TWENTY EIGHT

268 32 0
                                    

Third Person POV

At the mall.. (about what happened to the four guys)

"Hmm? Ano bang dapat kong bilhin para sa kanila?" Nakapangalumbang pinasadahan ng tingin ni Gavriel ang hile-hilerang stante ng Cadbury.

Sa pagkakaalam ng lahat ay sa kaniya na atas ang pamimili ng makakain nila ngunit heto siya ay hindi makapili sa bibilhing tsokolate. Halos sampung minuto na ang lumipas ngunit ni isa ay wala pa siyang nabibili.

"Sige na nga. Tagi-isa nalang." Paulit ulit na pag tango niya na para bang napakaganda ng kaniya idea. "Pito? itatago ko nalang amg dalawa, baka ubusan pa ako ni Keon. Tsk." Inis na pagkausap niya sa sarili.

"Are you fine?"

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses. Noon lang napansin ni Gavriel na may katabi pala siyang mamili. Napatigil ang babae sa pagkuha ng tsokolate at napatitig lamang sa lalaki na para bang nasisiraan na ito ng ulo.

"Oh my goodness." Lalong ikinataka ng babae ang inakto ng lalaki. Nakatitig ito sa kaniya na para bang may nakita na multo.

"Are you really fine?" Muling pagtatanong ng babae sabay marahan na nilapatan ng palad ang noo ni Gavriel sa pagaakalang may sakit ito. "You seem fine naman.." Napataas ang kilay ni Gavriel sa pagcoconyo ng babae.

"Alisin mo ang kamay mo." Bulong ni Gavriel.

"Sorry, I can't hear you clearly." Mahinhin na pagkakasambit nito.

Base sa itsura ay muka itong hapon. Ngunit hindi maipagkakaila ang kagandahan nito at pagiging marunong na sa lenggwaheng Ingles.

"Alisin mo ang kamay mo." Muling saad ni Gavriel sa mas malakas ng tono na sapat parin marinig ng babae.

'Bakit ba ganito? Para akong nanlalambot sa hawak niya!' Pagpa-panic ni Gav. Pilit na itinatago ang kaniyang panginginig. Hindi malaman kung bakit ganoon ang epekto sa kaniya ng babaeng kaharap ngayon.

Agad namang napaiktad ang babae ng mapagtanto ang binabanggit ng lalaki, "Pasensya na." Pagyuko niyo.

Nanlalaki ang matang tinignan ni Gavriel ang babaeng nakayuko, "Marunong kang mag Tagalog?" Gulat na sambit nito.

Nakangiting nagtaas ng tingin ang kaharap bago nakangiting kinausap si Gavriel, "Oo. Ako si Keito Takahashi. I'm half Japanese and half Filipino but I live here in London since 2006." Pakikipagkilala ng babae.

Napalunok si Gavriel bago magsalita, "G-gavriel Leighton. Gwapong Pilipino, 20 years old." Nauutal pang sambit nito.

"Oh really? That's cool. I'm 19 by the way." Tumango na lamang si Gavriel sa pagkataranta.

Tumagilid siya para mapatalikod sa babae, "Gav ano bang nangyayari sayo ha? Para kang tanga!" Muling pakikipagusap niya sa sarili. "Bakit ba 'ko nagkakaganito..hindi naman ako ganito sa ibang babae ah." Mangiyak ngiyak niyang bulong.

Kung si Khione nga ay halos magpatayan silang dalawa kapag nagkakasama. Pero bakit bigla na lamang siyang nautal at nanghina ng makausap na itong si Keito.

"Hey, it's nice meeting--"

"Ay Cadbury!" Nanlaki ang mata ni Keito sa biglang pagsigaw ni Gavriel kasabay ng pagbagsak nito sa sahig.

"Oh my.. Gav!" Chineck niya ang lalaki. Ilang pagugoy na sa balikat ngunit mukang nawalan ito ng malay.

Napatingin si Keito ng tumunog ang isang telepono na hawak kanina ni Gav at mabilis na sinagot ang tawag.

Morpheus ObsessionWhere stories live. Discover now