Chapter 1

22.7K 465 35
                                    

Dannielle POV

"Ma'am nakita na po namin ang CCTV di naman po kayo nabungo ni Doctor Lee." Sabi ng police habang nakatingin ito sa nirereview na CCTV.

"But officer, dapat po mahuli sya dahil unang una may violation sya over speed at kamuntikan pa nya akong mabungo, paano kung nabungo ako? At naulit pa yun sa ibang mga tao. Don't tolerate that reckless driver!." Tuloy tuloy na paliwanag nya.

"It's almost Miss, at di pa kita nabubungo.. do not jump to conclusion." Kalmado kong sabi. Pero binalingan nya ako ng sharplook.

"Ma'am, may penalty po sya dahil sa over speed, at di naman po namin itotolarate yun. Pero di po namin sya pwedeng ikulong kasi Ma'am humihinga pa po kayo at di naman kayo nabungo eh, hindi din naman sya nakalampas ng pedestrian crossing bago mag red light kaya po di namin masasabi na nag-disregard sya sa signal lights. " Salubong na ang kilay ng police habang paulit ulit na nagpapaliwanag.

Kanina pa kasi kami dito, paulit ulit pero ayaw talaga tumigil ng babae na to, pinipilit nya talaga na ipakulong ako.

"Officer, pwede na ba ako makauwi? Kasi wala pa akong pahinga nanggaling pa ako sa Operating Room." Saad ko, saka tumayo sa kinakaupuan ko.

"Sige po Doc Lee, Pasensya na kayo sa abala." Sabi ng pulis. Matipid na ngiti lang ang ginawa ko bago naglakad papuntang exit.

"What? Teka! Di ka pwede umalis." Pigil ng babae pero di ko na sya nilingon at derederecho akong naglakad palabas ng station.

Pagdating ko sa labas ng station, tatawagan ko na sana si Cyn para magpasundo, nang mapaisip ako bigla.may Penalty ako at di daw ako pwede mag drive ng ilang linggo. Thank you sa babaeng yan! Sobrang laki ng abalang ginawa nya. Kaya lang naman ako nag overspeed dahil may emergency, kung di ko binilisan kanina baka expired na yung pasyente ko ngayon.

"Hey you!" Napalingon ako sa boses, yeah obviously sino pa ba?

"What now? Are you happy sa pangbibwisit mo ngayong araw?" Mataray na saad ko sa kanya.

"Yes I'm happy! At ang kapal mo na sabihin na bwinisit kita? Ikaw ang sumira sa date ko!." Sagot nya habang naka crossed arm.. talagang may gana pa syang sumagot ng Sarkastiko ah.

"Alam mo ba na kung na-late lang ako ng ilang Segundo baka namatay na yung pasyente ko? Tapos ito gagawin mo sakin? Eh wala ka naman kahit isang galos." Naiinis kong saad habang nakatitig sa kanya.

"Kahit na, may kasalanan ka parin kaya dapat mong pagbayaran yun, at yung ka-date ko umalis dahil late ako nakarating at kasalanan mo yun!."

"Really? Sige push mo lang yan." Sagot ko nalang, di ka mananalo sa babaeng to, pinipilit nya talaga yung paniniwala nya.

Kinuha ko yung phone ko at saka tinawagan si Cyn para magpasundo.

["Hey! Pick me up."]

["Saan ka Big dog?"] Tanong ni Cyn.

["Sa police station."]

["Ano? Hanep! Kagabi ka lang dumating ah, tapos ngayon nasa police station kana? Bakit ka pala nandyan?"]

["I bump into a stubborn girl"]

["Batukan mo! Na bump lang nagpa-police na? Kulang sa aruga yan."]

[Ganon na nga, hantayin kita dito Captain."]

["Okay!"]

Nakaupo ako sa hagdan ng police station habang hinahantay si Cyn. Napasulyap ako sa babae at nakatayo naman sya sa gilid ng maya-maya may dumating na red car, lumabas ang isang may edad na babae.

"My princess, are you okay? Did you get hurt?" Sunod sunod na tanong ng may edad na babae.

"I'm okay lang po mommy, but I almost got hurt. Nagpanic ako mommy." Sabi ng babae sa mommy na akala mo bata na nagsusumbong.

Napakurap-kurap tuloy ang mata ko. As in? Malaking issue sa kanya yung "Almost" at talagang paiyak iyak pa.

Sumakay sila sa sasakyan at mukang uuwi na, buti nalang di nya ako tinuro sa mommy. Maya maya dumating na din si Cyn. Agad akong pumasok sasakyan.

Hinatid nya ako papunta sa condo kung saan ako nag iistay, wala na kasing vacant sa building kung saan si Cyn nakatira, kaya dito tuloy ako sa dulong building.

"Uuwi na ako Big Dog, naghahantay yung girlfriend ko sakin."

"Iba talaga ang taken, may curfew."

"Magjowa ka na din para may curfew kana." Natatawa pa sya, saka sya naglakad palabas ng unit ko.

I don't need a girlfriend, simula nagdoctor ako, mas minahal ko na ang trabaho ko. It's easy to find someone, like hot, sexy, mabait etc.. but at some point, Pareparehas lang sila at walang special. B.O.R.E.D!

At the end, iiwan din nila ako kasi bored daw ako, ako ba talaga ang bored? O sila. Ako nga siguro..anyways. okay lang sakin at mas pabor pa nga yun.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon