Chapter 10

9.8K 300 14
                                    

Dannielle Aleena Lee POV

I woke up early to run, madalas ko itong gawin pag off duty ako. This is what I called 'my ritual'. Then after I ran, I rewarded myself with good coffee, I considered it as a reward to keep me motivated. Kahit umiinon  ako ng normal coffee in my normal day, every day-off is special to me. Perhaps it's different from my normal day maybe because I can able to do a lot of things like shopping, cleaning at sleeping na di ko madalas nagagawa dahil sa palagi akong busy sa work.

Napadaan ako sa Café kung saan kami noon naglunch ni Ms. Choi, pumasok ako dun at nakita ko si Kate at si Cyn na nagkakape.

"Big Dog! Off duty ka?" Tanong ni Cyn.

"Yep." Matipid na sagot ko, saka ako umupo isa bakanteng upuan dito din sa table nila.

"Sama ka saamin mamaya? Birthday ni Claude."

"I honestly feel like to stay in my unit and reading books instead of mag walwal sa birthday party na di naman ako invited."

"Ang bored mo namang tao, dati di ka naman ganyan Big Dog? Ano yan kunwari matured ka na serious type? Shoo!" Napaailing na sabi ni Cyn. Napa-ismid tuloy ako. Bwisit talaga tong taong to ni hindi ka makakapag-emote pag ito kausap mo.

Natawa si Kate, at saka nya binigay yung maliit na papel na may address kung saan gaganapin yung party. Isang kilalang Hotel yun sa City. Mukang circle of Friends lang nila ang kasali. For sure nandun din si Ms. Choi, sobrang closed nila ni Claude. Naalala ko tuloy yung nakita ko kahapon nakaakbay sa kanya si Claude at ang sweet nila. Umiinom sila ng milktea habang ang saya nilang nag-uusap. Honestly ayoko naman talaga na ipasa sya kay Cyn dahil ako ang nakapirma sa Student Traning Card nya. Pero naisip ko na mas okay na nasa Pathology Department nalang sya, taga dun naman talaga sya, dahil pathology student sya. Isa pa yun ang gusto nya. Sa sobrang saya nga nya kahapon di na sya nakapag-paalam sakin. Basta umalis nalang sya sa office ko.

"Paano Big Dog, duty na kami.." sabay tapik ni Cyn sa balikat ko. Tumango nalang ako.

"I gave you the address, see you there.." Sabi naman ni Kate. At saka sila naglakad ni Cyn palabas ng Cafe.

Mabilis kong tinapos ang coffee ko, para makabalik agad sa unit ko. Pagdating sa unit, naglinis muna ako. Ayoko ng makalat lalo na sa unit at office ko, dun kasi umiikot ang almost 80% ng buhay ko so I keep it clean as always.

Pagdating ng gabi, Kate called me and I could hear the music from her background. Mukang nandun na sya sa party.

["Nasan kana? We're waiting here for you."] Sabi ni Kate.

"Im here in my unit, isn't it embarrassing to show myself there? I wasn't even invited?.."

["Diba ininvite ka namin kanina? So come.. Kanina ka pa namin hinahantay ni Cyn."]

"Okay, just a minute.." Sabi ko nalang saka ko binaba yung call. Nakapag shower na ako kanina kaya nagpalit nalang ako ng damit at saka nag drive papunta sa location.

Pagdating dun, sinamahan ako sa pinaka top ng hotel dahil dun ginanap yung party. Nakita ko agad si Cyn at Kate kaya nilapitan ko sila.

"Finally.." Nakangiting Sabi ni Cyn. Tinaas nya ang kamay nya at lumapit naman yung waiter at binigyan ako ng champagne.

"Magdidrive ako later, kaya di ako pwedeng maglasing." Sabi ko.

Pero itong si Cyn, di pinansin ang sinabi ko. Bagkus hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako papunta sa isang babae. Pinakilala nya yun na Girlfriend nya. Maganda at mukang mabait yung Girlfriend ni Cyn, buti pinatulan sya.

"Nice to meet you Monique.."

"Nice to meet you too Doc Lee." Ngumiti naman sya. She looked sweet din. Napatingin ako kay Cyn. Nag-katitigan tuloy kami. Si Monique umalis na kasi may tumawag sa kanya.

"What? Tigilan mo yang utak mo Big Dog alam ko ang takbo nyan."

"May sinasabi ba ako? Napaghahalataan ka Cyn. Mukang pinikot mo lang yung Girlfriend mo eh."

"Mahal nya ako at mahal ko din sya walang sapilitang nangyari saamin, kaya tigilan mo ako big dog. Bitter ka nanaman." Sabi pa nya. Kaya natawa nalang ako.

Maya maya pa, dumating si Claude at nasa stage sila. Nakita ko si Ms. Choi sya yung may hawak ng cake, at nakatayo sya katabi ni Claude. Nagsimulang dumilim ang paligid at saka sila kumanta ng Happy birthday song.

"Make a wish.." Sabi ng mga tao. Tumahimik ng ilang segundo ang paligid at saka sya nag blow ng candle. Binuksan din nila ang mga bottles ng tequila at sinimulan yung ibuhos sa shot tower. Nagsimulang magplay ang music at nagsimulang sumayaw ang mga tao. Kilala ko ang karamihan na nandito mga Doctors din kasi sila sa Albany at yung iba nurses. Sabi naman ni Kate yung iba daw ay taga Albany Medical University. Walang taga ibang University o Hospital ang in-allowed nila na sumali sa party.

Kahit na anong simple ng mga Villamor, di parin maitatago sa pamilya nila ang wealth. Gaya nalang nitong birthday party ni Claude. Ginawa nilang exclusive at obvious naman na ginastusan talaga nila.

"Doc Lee?" Si Claude na palapit sa kinakatayuan ko.

"Happy birthday Claude."

"Thank you Doc Lee, I'm glad to see you here, enjoy the food and drinks." Sabi nya. Saka nya tinawag ang waiter at humingi sya ng two shots of tequila. Nag toast kami at saka namin yun ininom.

"Enjoy Doc Lee, puntahan ko lang si Harry."

"Yeah sure.." Sabi ko. Umalis na sya at lumapit naman sakin si Kate. Binigyan nya ako ng tubig. "Thanks Kate."

"Parehas tayo magdidrive kaya kelangan natin mag-lay low." Natatawang Sabi nya.

"Actually you can stay here, may room sila na kinuha dito din sa hotel na ito para sa mga di na kaya mag drive pauwi ng bahay nila." Dagdag nya.

"I thought it was a simple birthday celebration?."

"Para sa kanila it was a simple. But for me it's extra simple."

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kate. Namiss ko bigla itong si Kate. She is always soft and Genuine. Sa kanilang tatlo sya talaga ang mukang suplada pero pinaka mabait. Natawa bigla si Kate at may tinuturo sya, sinundan ko yung tinuturo nya at pag tingin ko si Ms. Choi na sumasayaw sa stage. Lasing na yata sya.

"She is losing herself.." mahinang bulong ko.

"That's exactly how real Happy is.."Sabi ni Kate saka ito muling natawa.

Binalik ko ang tingin ko kay Ms.Choi, mukang masaya naman sya sa ginagawa nya. Pero di ba sya nahihiya? Napangiti nalang ako habang pinapanood sya.

"She's beautiful crazy."

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon