Chapter 32

10.9K 259 34
                                    

Happy Chantel Choi POV

Dumating ang araw ng Birthday ng mommy ni Dannielle, kinakabahan ako kasi wala akong kilala doon kundi si Dan lang. Sinabi ko pa sa sarili ko bago ako pumunta dito dapat hindi ako iinom ng kahit na isang patak ng alak dahil baka bigla akong mawala sa wisyo at magulat sila. Alam ko pa naman kasi ang sarili ko pag lasing.

"Are you okay? Ang tahimik mo Chantel?"

"Oo, kinakabahan lang ako slight."

She chuckled, kaya napatingin ako sa kanya. What so funny? Aba! Sinong hindi kakabahan ni hindi ko nga kilala ang mga taong nandun tapos di naman ako sanay na pumunta sa lugar na walang kakilala.

"It's okay, mababait sila."

"Talaga lang ah..?"

"Yes."

"Teka nga Dannielle, panganay ka ba?" Curious na tanong ko.

"Oo, may dalawa akong kapatid, isang lalake at isang babae."

"I see, mga doctors din?"

"Yes, they're both doctors, yung isa nasa residency pa, pero malapit na nya matapos, habang yung isa nagwowork na sa Albany main as pediatrician."

"Oh, taga Albany din pala."

Tumango sya as a response, dinerecho ko ang tingin ko sa daan at tinignan ang paligid. Ilang saglit pa huminto kami sa harap ng isang Hotel.

"We're here, dito gaganapin ang Birthday ni Mommy."

Napahugot ako ng malalim na paghinga saka ko kinuha ang compact mirror ko para icheck yung face ko. Mamaya kasi namumuo na yung make-up, baka masabihan pa akong buhay na naaagnas. Nang makita ko ang sarili sa salamin at okay naman saka na kami lumabas ng car at sabay kami na naglakad papunta sa loob ng hotel.

Nang makarating kami sa function hall, ang daming tao. Agad na may nag greet saamin na iilang mga tao na nakakakilala kay Dannielle.

Pinakilala din nya ako at nalaman ko na mga taga Albany Medical Hospital main pala ang mga tao dito. Actually may nakita nga ako na iilang tao na pamilyar siguro sila yung mga nakita ko na noong sinama kami nila Doc Kai Anderson sa Albany Thanksgiving Party.

Hinawakan ni Dannielle ang kamay ko at naglakad kami papunta sa Harapan kung saan yung malaking table na malapit sa stage. Nilapitan namin ang isang may edad na maputing babae, mukang mabait dahil palangiti ito at maganda.

"Dannielle.."

"Hey Mom, Happy birthday."

Napakurap ako, sya na pala yung mommy ni Dannielle? Inayos ko ang tayo ko at ngumiti. Bumaling ng tingin saakin yung mommy nya at nakipag beso.

"Happy Birthday po." Nakangiting greet ko.

"Is your name Chantel? Delighted to meet you gorgeous." She said, saka ito ngumiti saakin.

"Nice to meet you po, you looked stunning Madam." Sagot ko.

"Thank you, iha, come on maupo kayo."

Pinaupo kami ng mommy nya. Tinawag nya ang waiter para bigyan kami ng drinks. Gusto ko sana tumanggi kaso nakakahiya naman kung mag tutubig ako ang informal naman diba? Wala naman sigurong masama na kahit isa shot lang.

"Nagkukwentuhan lang sila, habang ako iniikot ko ang tingin ko sa paligid. Nakita ko yung mommy ni Doc Anderson. Ninerbyos tuloy ako, hanggang dito nakarating sya? Eh ang sungit kaya nyan. Naalala ko nanaman tuloy yung attitude nya nung nagpunta kami sa bahay nila. Haist! Grabe talaga yun nanghina ang tuhod ko no'n. Maya maya pa may lumapit saamin na mag-asawa napangiti ako kasi kilala ko sya.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon