Chapter 3

13.2K 365 24
                                    

Dannielle POV

Nakarating na ako ng unit ko at isa isa kong tinitignan yung mga list ng gamot. May mga nakadikit pa dito na cute stickers ng mga animals. May notes din ng mga names ng Medicines. Binuksan ko ulit yung sunod na page ng may mapansin akong sticky note na nakadikit dun.

"bleeh! Akala mo di ko matatapos yung trabaho ko? Dun ka nagkakamali. Akala mo naman matatakot ako sayo? Dun ka din nagkakamali! Ayaw ko sayo kaya sa ayaw mo at sa gusto babalik na ako sa Pathology Department! (*angry monkey.)

Napataas ang kilay ko at napailing. Talaga ba? Sige tignan natin hindi matatapos ang isang linggo na to ng hindi ka iiyak sakin. Saka ko hinagis yung mga papel sa ibabaw ng table.

Kinabukasan maaga akong dumating ng Ospital at hinahantay ko syang dumating, mag 8:00am na ilang saglit nalang papasok na ako sa OR pero wala parin yung babae na yun kaya naman tumawag ako sa station para itanong.

["Doc Lee, nasa Lab po si Ms. Choi."] Sabi ni Nurse Charlie mula sa kabilang linya.

["Okay Nurse Charlie."] Sagot ko, binaba ko yung phone at napakamot sa batok. Mabilis akong tumayo at naglakad papuntang Pathology Department.

"Uy Big Dog!" Si Cyn habang umiinom ng coffee.

"Nandyan ba yung estudyante na si Happy Chantel Choi, pakisabi sa kanya sa loob ng sampung segundo pag di sya lumabas ng Lab bibigyan ko sya ng C point." Seryosong saad ko. At napakunot naman ang noo ni Cyn.

"Ikaw magsabi, uutusan mo pa ako!" Reklamo nya, di ko talaga madaan tong si Cyn sa sindakan. Kaya walang sabi sabi dumerecho akong pumasok sa Lab at nakita ko agad sya. Pero ng makita nya ako ay mabilis syang nagtago ilalim ng table.

"Ms. Choi lumabas ka na dyan nakita na kita. Pag di ka sumunod sakin ibabagsak ko lahat ng puntos mo dito." Seryosong saad ko. Kaya naman wala din syang nagawa at dahan dahang lumabas sa ilalim ng table. Tigas ng ulo ng babae na to!.

"Ayoko na po.." Sabi nya na parang maiiyak, napatingin tuloy yung mga tao samin.

"Ayoko na po... di ko na kaya yung mga pinapagawa mo sakin." Saad nya na parang bata at napakagad pa to sa lowerlip nya.

"Huh?" Nagtatakang reaksyon ko. Maya maya lumapit si Cyn.

"Anong bang ginawa mo kay Happy? Bakit takot na takot sya sayo Big Dog?" Tanong ni Cyn.

"Huh? Wala akong ginagawa sa kanya."

"Doc Lee, please kagabi gabing-gabi mo na ako pinauwi tapos pinapagawa nyo pa sakin yung mga bagay na labag sa kalooban ko."

"What are you saying?" Bulalas ko. Napatingin ako sa paligid at nakatinginan sakin ang lahat. Bakit ganon ang tingin sakin ng mga tao dito. Parang akala mo nangharas ako ng tao.

"Ano yun Big Dog? Anong pinapagawa mo kay Happy na labag sa kalooban nya?" Tanong ni Cyn.

"Cyn di ko al---"

"Shoo! Kilala kita Big Dog, umayos ka wag mo nga yang pag interesan si Happy." Pagputol nya sa sinasabi ko.

"Gago kaba Cyn? Anong pinagsasabi mo dyan?" Naiinis na saad ko.

"Hayaan mo nalang sya dito sa Lab." Sabi pa ni Cyn. Napatingin ako kay Ms. Choi Napasmirked sya sabay binawi din nya agad ng mapansin nya akong nakatingin sa kanya.

Pero di ako magpapatalo sa babae na to. Tinitrick mo ako? Di ako papayag umiyak ka kung gusto mo wala akong pakialam. Kaya walang sabi-sabi ay lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya saka sya hinila palabas ng Lab. Halatang nagulat sya at lahat ng mga tao sa Laboratory, pero kahit si Cyn walang nagawa. Pagdating namin sa office ko binalingan ko agad sya ng dead looked.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon