Chapter 20

9.4K 255 20
                                    

Dannielle Aleena Lee POV

Nakaupo ako sa swivel chair habang isa isang tinitignan yung Ikebana na ginawa namin kahapon. Mahilig talaga sya sa pink, apat na uri nang pink na bulaklak ang pinili nya tapos bamboo naman ang pinili nya para gamiting stem. Nilagyan din nya ng dried wood sa base at pink parin na origami. Napailing tuloy ako habang napapakamot sa nape ko. Pink girl.

I was interrupted by someone knocking on the door. kaya agad ko syang pinapasok. Nang makita ko na hindi si Chantel yung tao ay binawi ko agad ang ngiti ko.

Delivery pala galing kay Ms. Yuina. Bumili kasi ako ng painting sa kanya. Pagkarecieved ko ng painting ay umalis na agad yung nagdeliver.

Pagdating ng 6:30pm nag ayos na ako ng gamit ko para umuwi. Napadaan ako sa hallway papuntang Pathology Department, Kahit na alam ko na wala syang duty ngayon di ko maiwasan ang di mapatingin sa loob ng Lab nila. Nasanay na yata ako na palagi syang nakikita sa paligid.

"Doc Lee!"

Napahinto ako sa paglalakad at agad akong lumingon. si Claude at Harry.

"Doc Villamor, Doc Choi."

Lumapit sila saakin. Si Claude Nakangiti na agad, si Harry mukang malungkot.

"Are you okay Doc Choi? You look upset."

"Opo okay lang po, medyo inaantok lang." Sagot nya. Pero di naman ako naniniwala, iba naman ang itsura ng inaantok na tao sa muka nya ngayon.

"Pauwi na kayo?" Tanong ko.

"Papunta po kami ng Cafe. Birthday kasi ni Monique. Sa Cafe magcecelebrate." Sagot ni Claude.

"Oo nga, kanina ininvite ako ni Cyn. Sumabay na kaya kayo saakin."

Napangiti si Claude at agad syang sumabay saakin maglakad si Harry hinila nalang nya kasi medyo mabagal maglakad. Napa-chuckled tuloy ako para kasi silang bata.

Pagdating namin sa Café, nandun na silang lahat. Agad akong lumapit kay Monique para igreet sya.

"Happy Birthday Monique."

"Thank you po Doc Lee, kumain na po kayo, madaming foods dyan." Sabi nya.

"Thanks.." sagot ko. Binigyan nya ako ng plate saka ako kumuha ng food. Pagkatapos kong kumuha ng ilang lumpia at lasagna ay umupo ako sa may terrace kung nasaan si Cyn at Kate nakapwesto.

Si Chantel, nakita ko lang kanina pero nawala sya bigla. Napakunot noo tuloy ako habang iniikot ang mata ko sa paligid.

"Wala si Happy kasama ni Claude bumili ng softdrinks." Sabi ni Kate. Naubo tuloy ako kaya natawa si Cyn. Wala talagang matago sa dalawang ito.

"Big Dog, ligawan mo na para bago ako umalis ng Albany makita man lang kita na pumapaibig na." Natatawang sabi ni Cyn.

"Ewan ko sa inyo. Kumakain ako wag nyo akong istorbohin." Reklamo ko. Napailing nalang ako saka subo ng food.

Maya maya pa, dumating si Claude at Chantel lumapit sya saamin at binigyan kami ng softdrinks. Napangiti sya saakin kaya gumanti din ako ng ngiti kaso binawi ko din agad kasi si Cyn at Kate nakatingin saakin habang nakaheart sign. Mukang mga sira.

"Bahala nga kayo dyan! di ako makakain ng maayos pag nandyan kayo." Reklamo ko saka ako lumipat sa loob.

Umupo ako sa table na malapit sa kitchen, tahimik lang ako na kumakain habang nagcecellphone, nagmessage kasi yung kapatid ko kaya kelangan kong replyan.

"Doc Lee, dito ako uupo ah."

"Sure naman Chantel." Sagot ko. Medyo nahintuan pa sya saglit mukang di sya sanay na tawagin na Chantel kasi parang nahihiya sya.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon