Chapter 16

9.9K 272 25
                                    

Happy Chantel Choi POV

Binawi ko ang kamay ko, sheesh! Nasasanay kana sa kamay ko. Akala mo anytime mahahawan mo yan? Feeling close kana Doc Lee. Sabi ko sa isip ko.

"Hey, ano nanaman nasa isip mo at nakatulala ka?" Tanong nya.

"H-huh? Nothing gutom na ako Doc Lee." Sagot ko.

"Where do want to eat?"

"Sa karinderya nalang."sagot ko.

Nahintuan sya sa paglalakad at napatingin saakin.

"What? You mean cafeteria?" Tanong nya.

"Karinderya nga ang kulit.." Saad ko sabay ismid. "E-englishin pa."

"Okay, karinderya." Saad nya. Saka nya pinagpatuloy ang paglalakad nya. Natawa ako ng malakas. Kaya napalingon nanaman sya saakin.

"Why are you laughing?" Nakakunot noong tanong nya.

"Karinderya with accent." Sabay ang tawa ko. Grabe ang arte.

Napahinto ako sa pagtawa ng mapansin ko na seryoso syang nakatitig saakin. Umayos na ako at di ko na inisip yung karinderya with accent nya. Baka kasi mapikon na sya. Bakit ganon ang ganda pag sya ang nababanggit ng tagalog words with accent? Pag ako mukang ewan lang.

Nakarating kami sa karinderya na malapit dito sa Plaza. Nag-order kami ng rice at tatlong klase ng ulam. Minsan dito kami nila Monique at Hope kumakain, masarap kasi sila magluto at madami pang sahog. Ewan ko nga lang sa isang ito kung magugustuhan nya ang food dito.

Unang subo palang, napahinto na sya parang nilalasap pa nya yung lasa ng ulam. Nakikiramdam naman ako at pasimple na inoobserbahan sya. Napansin ko na sumubo ulit sya at napapatango pa. Mukang trip nya yung lasa. Mabuti naman. Kung ganon mayayaya ko ulit sya dito sa susunod. Tahimik lang kami kumakain, nakadalawang rice ako dahil sa sobrang gutom. Si Doc Lee mas madami syang nakain na ulam kaysa sa kanin.

After namin kumain, bumalik na kami sa Albany Medical Hospital. Naglakad lang kami di naman kasi ganong kalayo, isa pa maganda maglakad after kumain nakakababa ng kinain. kaso nga lang pagkadating namin sa Albany parang gusto ko nanaman kumain.

"Happy!" Sabay kaming napalingon ni Doc Lee.

"Claude!" Tawag ko sa kanya. Lumapit naman si Claude, paglapit saamin ay yumakap sya saakin. Ganyan talaga sya saamin ni Hope. Kay Monique lang sya hindi makayakap kasi babatukan sya ni Papa Cyn.

"Gabi na nandito ka pa?" Tanong nya.

"Kumain lang kami sa karinderya ni Doc Lee."

Medyo natawa si Claude at saka sya nag-greet kay Doc Lee. Tumango lang si Doc Lee at sumeryoso ulit yung muka.

"I know that Karinderya, the best ang luto dun yung malapit sa plaza right?"

"Yes dun nga." Sagot ko.

"Sumabay kana saakin pauwi. Mahihirapan kang makasakay ng taxi ng ganitong oras." Sabi ni Claude. Tumango naman ako inabot ko sa kanya ang bag ko. Kinuha naman yun ni Claude. Taga bitbit ko kasi ng bag si Claude. Sometimes.

Humarap ako kay Doc Lee para magpaalam na uuwi na. Matipid lang syang ngumiti at nagpaalam na din babalik na sa work. Napataas yung kilay ko. Seryoso nanaman sya yung muka nya, kanina lang naka-smiled na sya. Napakibit balikat tuloy ako.

Hinatid ako ni Claude sa bahay, niyaya ko sya na pumasok sa loob pero tumanggi sya. Kasi may pupuntahan pa daw sya, mukang may nililigawan syang bago ngayon. Kaya hinayaan ko nalang sya at hindi na pinilit. nag thank you lang ako sa kanya at mabilis naman syang umalis.

Nagtunggo agad ako sa kwarto ko. Pagtingin ko sa ibabaw ng bed may mga nakatuping damit. Isa dun yung pink na damit na pinahiram saakin ni Doc Lee nung naginuman kami at dun ako natulog sa unit nya. Nilapitan ko yun at tinignan.

Infairness ang cute ng dress nya na ito, hindi halata sa kanya na nagsusuot sya ng ganitong ka-kikay na damit. Tinupi ko ulit yun at nilagay sa isang paper bag. At pagkatapos ay nagshower na ako.

After ko mag shower, humiga ako sa bed ko para piliting matulog. Nasa utak ko ang muka ni Doc Lee. Hala! Baliw na ang peg na utak? Kaya puro Muka na ni Doc Lee ang iniisip? Hala hindi pwede yan Girl, sumusobra kana!. Sabi ko sa sarili ko.

Madaling araw na ako nakatulog, kaya kinabukasan lutang ang utak habang kumakain ng almusal Ilan beses ko nalaglag yung kutsara. Medyo napapapikit kasi ako.

"Ano Happy kaya pa?" Tanong ni Kuya Harry.

"Tingin mo Kuya Harry?" Sagot ko. Habang pinipilit kong ibukas ang isang mata ko. Napailing si Kuya Harry at di nalang ako pinansin.

Pagdating sa Ospital. Agad akong inutusan ni Doc Cyn sa Unnatural Death Morgue. as always.

Agad naman akong sumunod para pumunta dun. Mag-isa nanaman ako  dito. At dahil inaantok ako kahit siguro may multo pa na makipag face to face na haharap ko ay baka masapak ko lang dahil wala talaga ako sa mood.

Maya maya tumunog yung Red Alarm.

[INTAKE BAY NO.3]

"Oo na ang ingay!" Bulalas ko sabay pindot ng red button. Napabuntong hininga pa ako bago tumayo.

Pumunta ako sa intake by no. 3 para kuhain yung dinalang corpse. Pagdating ko dun ngumiti agad yung dalawang Police pero dahil wala ako sa mood keber nalang.

"Anong case nito?" Tanong ko. Nagkatinginan bigla yung dalawang Police kaya napatingin din ako sa mga muka nila. Masama ba magtanong? Sa isip ko.

"Natagpuang na nag suicide. Pero base sa evidence parang hindi naman suicide." Saad ng Police. Nakikinig naman ako habang tinitignan yung report.

"Walang suicide note?" Tanong ko.

Muli silang nagkatinginan at yung isa halatang natatawa pero nagpipigil. Alam ko na wala akong karapatang magtanong pero inaantok ako kaya gusto ko agad ma-confirmed.

"Wala po eh.." sagot ng isang Police, pigil pa ang pagtawa nito.

Napabuntong hininga ako saka namin linipat yung Bangkay sa trolley. Umalis na yung dalawang pulis at tinulak ko mag isa yung corpse hanggang elevator.

"Sh*t naman oh! Kababae mong Bangkay ang bigat mo." Bulalas ko. Sabay tulak.

Habang nasa elevator kami ng corpse. Biglang huminto yung elevator at nawalan ng ilaw.

"What the fvck!" Bulalas ko. Agad akong nag dial for emergency. Pero walang sumasagot? Nag beep lang sya. Ano to walang signal? Kaya umupo nalang muna ako sa gilid ng elevator para maghantay ng signal at ng tao na tutulong.

Nakaupo ako sa gilid ng elevator. Nang biglang tumunog yung yung corpes bag.

"Beh wag kang babangon patay kana.." bulalas ko. Nagdadasal na rin ako dahil sa takot at kung ano-anong scientific explanation na ang iniisip ko.

Dapat hindi ako magpanic! Normal yun sa mga corpes ang mag released ng air sa katawan nila o kaya naman dahil sa decay process kaya minsan parang gumagalaw sila. Maya maya pa tumunog nanaman..

"Wag please! Wag kang babangon! Nakikiusap ako di ko talaga pangarap ang ganitong propesyon. si Daddy ang may gusto nito kaya sana walang takutan beh.. wika ko habang yakap ko na ang sarili ko.

Mga 20 minutes na akong naghahantay, nang biglang bumukas yung elevator napasigaw ako ng malakas pag bukas ng pinto.

"Buset ka Happy!" Sigaw ni Papa Cyn. Nakita ko na nagulat sya dahil sa sigaw ko.

"Bwisit ka din! Di ka man lang tumawag na bubuksan mo yung elevator!" Reklamo ko.

"Ah ganon? Kuya isarado nyo ulit yung elevator, tatawagan ko muna sya." Seryosong saad ni Papa Cyn. Nagtawanan sila Kuya na nagbubukas ng elevator.

Nang makalabas ako sa elevator tinulungan na ako ni Papa Cyn magtulak ng Corpes. Nakakaloka lang tanggal ang antok ko sa naranasan ko ngayong araw na ito.

〰️〰️〰️〰️♥︎♥︎♥︎〰️〰️〰️〰️
A/N: May typos yata, di ko na masyadong na-edit.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon