Chapter 12

9K 272 17
                                    

Happy Chantel Choi POV

Naglalakad ako papuntang Albany University, para hanapin si Julius. Gusto ko malaman ang mga nangyari kaya ako napasugod dito. Pagdating ko sa Nursing Building agad kong hinanap si Julius at nakita ko naman sya. Nandun sya sa harapan kasama yung mga frenny nya habang sumasayaw ng Ting-ting-tang-tang-ting.

Mabilis ko syang nilapitan at kinalabit. Napalingon naman sya saakin at halatang nagtataka.

"Bakla, bukod sayo? Sino pang Julius ang dumalo sa Birthday ni Claude?"  Prangkahang tanong ko.

"Ako lang Girl ang bukod tangi na Julius o Julie dun, bulag kaba di mo ba nakita sa guest list?" Mataray na saad nya, sabay pag-ipit ng buhok sa tenga nya. Napataas tuloy ang kilay ko.

"May nangyari ba saatin Bakla? I mean nagsex ba tayo?" Tanong ko pa. Lahat tuloy ng tao nagtinginan saamin. Si Julius gulat na gulat at di makapaniwala sa tanong ko.

"Kadiri ka girl! Di tayo talo no! Lumayas ka nga dito!"

"Bakit mo ako nilapitan nung sumasayaw ako sa stage? At sinama mo pa ako sa labas ng Hotel?" Sunod sunod na tanong ko.

"Girl! Ikaw ang nagyaya na bumili ng candy, sumabay lang ako sayo para bumili ng yosi, Gaga!"

"Siguraduhin mo lang Julius, kundi malilintikan ka sakin." Mataray na sabi ko, umamba pa ako nasasampalin sya pero na patili sya at napatras.

"Crazy Bitch! Istorbo kang Pasneya ka! Layas!." Pagtataboy pa nya saakin.

Hinila nya ako palabas ng classroom nila at saka nya sinarado ang pinto. Napaatras tuloy ako at napa-ismid. Siraulong Bakla na yan!.

Bumalik na ako sa Hospital. Late ako ng four minutes kaya napagalitan ako ni Doc Cyn. Kahit na pagalitan ako atleast na confirmed ko na walang nangyari samin ng Bakla na yun. Pero ang pinagtataka ko? Paano ko nasabi kay Doc Lee ang mga yun? Di naman siguro sya nag bibiro kasi binanggit talaga nya yung mga hilig ko sa isang lalake.

Habang seryoso akong nagtatrabaho dito sa Laboratory, lumapit saakin si Doc Cyn.

"Happy samahan mo nga ako sa Unnatural Death Morgue." Utos nya.

"Samahan lang ah, ayoko humawak ng Bangkay".

"Ang arte mo talaga.!" Naiinis na sabi nya. Tumayo na ako at sabay kaming naglakad papuntang Morgue.

Pagdating dun, inutusan ako ni Doc Cyn na picturan yung Bangkay at kuhain ang AFIS (finger print.)

Habang nakahiga yung Bangkay sa Autopsy bed, inayos ko agad yung specimen photo table para i-set ang camera. Nang maayos ko na ay saka ko pinicturan yung corpse.

Gusto kong masuka, nasa decomposition stage na kasi. Pero tiniis ko. Maya-maya pa napansin ko na ako nalang pala mag-isa dito. Wala akong kasama, mukang umalis si Doc Cyn.

Napalunok ako, habang nakatitig sa kamay ng corpse. Hinawakan ko yung daliri nya para i-scan, kelangan kasi makuha yung finger print sa bawat daliri nya. Pagkatapos ko mai-scan yun ay saka ko sya tinulak para ibinalik sa mortuary Cabinet.

Hindi ko pa man tuluyan naibabalik yung corpse sa loob ng mortuary Cabinet ay biglang tumunog yung Red Alarm kaya bigla akong napatalon sa takot.

"Bullshit!" Napapikit ako dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

[INTAKE BAY NO.2]

[INTAKE BAY NO.2]

Agad kong pinindot yung red button. Kaya nawala yung salita. Pinagpatuloy kong ibinalik yung corpse sa mortuary cabinet at saka ko yun linock.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon