Thank you Author letmebed1 sa pagpapahiram ng Big Boy mo na si Yana Enchabez😘. Haha
_________________________________
Dannielle Aleena Lee POV
Habang nasa Biyahe kami papunta sa Bar na sinasabi ni Cyn. Hindi parin mawala sa isip ko si Chantel at si Kalie. Kanina nagtanong ako kina Cyn at Kate about kay Chantel and Kalie, tungkol sa reason kung bakit sya nagpunta ng Paris.
Nalaman ko na tinakas lang pala sya ni Doc Harry Choi dahil buntis na sya. Kaya sya napunta sa pangangalaga ni Doc Lennon Choi na pinsan nila na isang Doctor din na nagwowork sa parehas na Ospital kung saan silang lahat nagdu'duty ngayon. After daw ni Chantel manganak nagwork sya bilang Pathologist, kaya kasama nya sina Hope at Monique ngayon sa iisang residency at mag isa lang nyang binubuhay si Kalie.
Wala din silang alam kung sino ang father ni Kalie dahil wala naman nababanggit si Chantel sa kanila. Kaya mas lalo tuloy lumaki ang hinala ko na anak ko si Kalie.
"Manong dahan-dahan naman po sa pagdidrive." Anas ni Kai sa driver. Ang alog kasi ng sasakyan.
"Sorry po Doc Anderson, inaayos po yata ang daan dito, kaya ang lubak."
"Okay manong, alam nyo naman na may kasama tayong antigong figurine baka mabasag." Natatawang saad nya. Napakunot tuloy ang noo ko, saka kami nagkatinginan ni Kate.
"Sinong antigong pigurin?" Tanong ko. Napatingin si Kai kay Cyn.
"Gago ka Kai! Anong akala mo saakin matandang naghihingalo? Isang taon lang ang tanda ko sayo, maka antigo ka dyan." Asik ni Cyn.
Matipid akong natawa at ganon din di Kate. Si Cyn susuntukin sana si Kai sa braso kaso hindi nya maabot. "Gago!" asik ni Cyn. Pero tinawanan lang sya ni Kai.
Paglipas ng oras nakarating kami sa isang Bar na first time ko lang napuntahan. Pumasok kami dun at ang madaming tao. Agad na lumapit saamin ang isang tall pero maganda na babae.
"Doc Cyn! Long time no see Brad." Bati ng babae.
"Uy Brad! Yana.. lalong kang gwumapo ah..." kasunod ang pag-akbay ni Cyn sa leeg nya.
"Di naman, slight lang Doc." Saad ni Yana, saka sila nagtawanan.
"Oo nga pala Yana, mga friends ko. Sina Kai, Kate at si Dan."
[Yana Enchabez: Purple Heart by:Letmebed1]
"Nice to meet you.." Sagot ni Yana, saka sya Nakipag-shakehands saamin. Sinamahan nya kami sa isang table at inabutan ng drink menu. Pero hindi na yun tinignan ni Cyn.
"Serve us your best shot, Brad." Saad ni Cyn.
"What about Cognac? Whiskey? Martini?, Vodka?." Suggestions ni Yana.
"Ikaw bahala Brad, basta rock.."
Pagkatapos nila ni Cyn magbolahan at mag-usap, Nanood muna kami ng kumakanta sa stage habang hinahantay yung drinks namin. Lumipat si Kate ng pwesto at tumabi saakin.
"Ayos ka lang Dan?" Tanong nya.
"Oo naman Kate, ikaw ba?"
"Okay lang din... May gusto akong itanong sayo?"
"Ano yun?"
"Why are you interested in Happy's life?" Tanong ni Kate.
"Wala naman Kate. Chantel and I had a past right? Or I must say, I'm still in love with her. I'm not over her."
"Bakit di mo ulit ligawan? Yun nga lang may anak na sya. Syempre si Happy ang priority non ngayon ay si Kalie na."
Napabuntong hininga ako. I don't know, but there's a part of my heart that when I first met that little girl, magaan ang loob ko sa kanya, tapos magkamuka pa kami. That's one more thing that bothers me.
BINABASA MO ANG
Code Blue: Love (INTERSEX)
Romance[COMPLETED] Series IV-Intersex (Finished:JUNE 23, 2023) Dannielle Aleena Lee is a Cardiac Surgeon who works at Albany Medical Hospital. A former Volleyball coach who is a close friend of A-Doctors. (Kai, Kate, Cyn.) For Dannielle, career is the mo...