Happy Chantel Choi POV
Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Puting puti ang paligid. Nasaan ba ako? Di naman color white ang kulay ng kwarto ko kundi color pink. Pink?
"PINK!" Sigaw ko saka mabilis na napaupo.
"Rise and Shine Senyorita.." Napatingin ako sa taong nagsalita. Malabo pa yung paningin ko kaya kinusot ko muna ang mata ko.
"Nasan ako?" Tanong ko. Humarap sya saakin at halos manlaki ang mata ko nang muka ni Doc Lee ang tao na ngayon ay nasa harapan ko.
"Di mo maalala?" Tanong nya. Umiling ako at saka napahawak sa ulo ko. Sy*t ang sakit..
"So hindi mo talaga naalala? Kahit si Julius di mo naaalala?" Napatingin ako sa kanya.
"Sino yun?" Nagtatakang tanong ko.
Napangisi sya at napailing. Kinuha nya ang towel at saka binato saakin.
"Maligo kana, ihahatid kita sa bahay nyo bago ako papasok sa work. Muka kang zombie." Saad nya at saka ito lumabas ng room.
Tumayo ako at humarap sa salamin. Halos ma'sampal ko ang sarili ko dahil muka homeless, kahit ang buhok ko gulo-gulo. "Nakita nya ako sa ganitong state!? Syet nakakahiya at isa pa sino ba si Julius?"
Nagpapadyak ang paa ko papunta ng Banyo. Di ko maalala ang mga nangyari kagabi. Ang naalala ko lang lasing ako habang sumasayaw sa stage, after non wala na akong maalala.
Natapos akong maligo, sinuot ko yung damit, underwear at pantalon na pinahiram ni Doc Lee. Mga mukang bago pa itong lahat. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sya na nagkakape habang nagbabasa.
"Kumain kana Ms. Choi"
Lumapit naman ako sa dining table at umupo sa isang bakanteng upuan. Nagsimula na akong humigop ng kape at sumubo ng tinapay nang mapansin ko syang nakatingin saakin.
"Bakit?" Nahihiya pero medyo mataray kong tanong.
"Ang daldal mo pala no? Sobrang dami mong kwenento kagabi.."
Di ako nakapagsalita, napalunok nalang ako ng tinapay habang iniisip maigi ang mga nangyari. Napatulala ako, ang naalala ko pa may lumapit saakin na guy, di kaya yun si Julius? Tapos sumama ako sa kanya.
Napakurap ang mata ko. Julius na taga Albany University?! Syet mga taga Albany nga pala lahat ng dumalo sa Birthday ni Claude. Bigla akong napasapo sa muka ko.
"Syet! I'm stupid! Di ko naisip na.." Napabuntong hininga nalang ako at saka tumayo para kuhain ang bag ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Doc Lee. Lumingon lang ako sa kanya habang napapakamot sa ulo ko. Mababaliw ako! Bakit ba di ko napigil ang sarili ko pag may alak? Magpa-rehab na kaya ako!.
"Doc Lee, sabihin mo nga sakin. Ano ang mga sinabi ko kagabi?" Lakas loob kong tanong sa kanya.
Napa-ismid sya bigla at pinabalik nya ako sa upuan. Sinunod ko naman yun. At saka ako tumingin sa kanya. Humigop muna sya ng kape bago nagsalita.
"Sabi mo, nag one night stand kayo ni Julius, ang hot, ang macho at ang titigas ng mga pandesal nya. Sinabi mo din na..."--
"Stop!" Pagpigil ko sa kanya.
"Ayoko na marinig yan!" Pagtataas ko ng boses. Halos maginit ang muka ko dahil sa hiya.
Muling humigop ng kape si Doc Lee at saka nito sinarado yung libro na binabasa nya.
"Doc Lee, paano pala ako napunta dito sa unit mo?" Tanong ko muli. Pero di ako makatingin sa kanya.
"Nakita kita sa labas ng Hotel, nakaupo sa gilid, ihahatid sana kita sa inyo pero ayaw mo umuwi ng bahay nyo, kaya dito kita dinala."
"S-salamat at Pasensya kana kung naistorbo pa kita."
"Kuhain mo na yung gamit mo, ihahatid na kita, ma-le' late na ako sa work." Utos nya.
Papunta na kami ng Bahay, tahimik lang kami pero paminsan minsan napapatingin ako sa kanya. Nahihiya tuloy ako sa kanya. Binuksan ko yung bag ko at kinuha ko yung shades ko at sinuot yun. Napasulyap tuloy sya sakin at natawa. Bahala syang matawa dyan, basta ayoko na makita nya ang mata ko. Nahihiya talaga ako. Naglagay din ako ng airpods sa magkabilang tenga ko at saka ako nakinig ng music.
Nakarating na kami ng Bahay, mabilis akong bumaba ng sasakyan nya. Inaasahan ko na aalis din agad si Doc Lee pero hindi, bumaba din sya sa sasakyan at hinatid ako sa loob ng bahay. Napansin ko na may bitbit syang paper bag.
Pagpasok namin sa loob ng bahay agad na sumalubong saamin si Mommy, halata pa sa una na galit muka nya, di kasi ako nakauwi kagabi. Pero nang makita nya si Doc Lee ay biglang nagbago ang aura nya.
"Doc Lee, ikaw pala.."masayang pagsalubong ni Mommy, at may pabeso-beso pa.
"Good morning Tita Nina, here.." saka nya inabot ang paper bag kay Mommy. Agad naman yun tinignan ni Mommy at halos mapatalon pa ito sa tuwa habang nilalabas nya mula sa paper bag ang isang bonsai.
"Wow, ang cute nito Doc Lee, maraming salamat." Natutuwang Sabi ni Mommy.
"That is Ficus Bonsai, mas maganda syang indoor Tita." Sabi ni Doc Lee.
Tuwang tuwa si Mommy sa regalo ni Doc Lee, agad nya itong nilagay sa gitna ng center table, na sobrang bumagay naman. Niyaya ni Mommy si Doc Lee para magkape pero tumanggi sya, kelangan na daw kasi nyang pumasok sa work.
Nakaalis na si Doc Lee, pumunta muna ako sa room ko at humiga sa bed. Iniisip ko parin yung mga nangyari kagabi.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, bigla akong napahawak sa labi ko. Naalala ko yung muka ni Doc Lee. Naka upo ako sa labas ng Hotel nang lumapit sya. Inalalayan nya ako papunta sa sasakyan nya at habang sinusuot nya sa katawan ko yung seatbelt..
"Sy*t! Hinalikan ko sya?.."
BINABASA MO ANG
Code Blue: Love (INTERSEX)
Romance[COMPLETED] Series IV-Intersex (Finished:JUNE 23, 2023) Dannielle Aleena Lee is a Cardiac Surgeon who works at Albany Medical Hospital. A former Volleyball coach who is a close friend of A-Doctors. (Kai, Kate, Cyn.) For Dannielle, career is the mo...