Chapter 25

9.3K 255 6
                                    

Dannielle Aleena Lee POV

Pagkatapos namin magdinner. Lumapit ako kay Chantel para kausapin sya. Kanina kasi habang nagdinner kami bigla nalang nya ako hindi pinansin. Pag nilalapitan ko sya lumalayo sya saakin. Naguguluhan lang ako. May nagawa ba ako na mali? Or did I say something na hindi nya nagustuhan?

"Hey Chantel, galit ka ba saakin? Why you suddenly acting like this? Diba okay naman tayo kanina?"

Tinignan lang nya ako, then she turned her eyes up. Umiwas sya sakin at naglakad sya palapit kay Monique. I followed her and tried to approach her, but she wouldn't let me. I shook my head and caught a breath. I was about to leave when suddenly my phone rang.

Napailing nalang ako, bakit ba kasi tawag ng tawag si Céline. I already told her I wouldn't meet her again. Pero ang kulit nya talaga. Huminto na yung call at napansin ko yung call log. May isang call si Céline na nasagot yun. Napakunot ako ng noo. Did I pick up her call? Tinignan ko yung time. Kanina lang ito.

"Doc Lee, aalis na." Saad ni Bianca na ngayon ay tinatawag na ako.

Nilagay ko nalang sa bulsa yung cellphone at naglakad papunta sa  van. Nakita ko na bakante yung  upuan sa tabi ni Chantel kaya mabilis akong nagtungo dun at umupo. Napatingin naman sya sakin sabay nag'ismid.

Umusog sya palayo saakin, pero umusog din ako palapit sa kanya, narinig ko pa ang mahihinang murmured nya. Alam ko naiinis sya saakin.

"Bakit mo pinakialamanan yung cellphone ko?" Tanong ko sa kanya.

Di sya umiimik. Kaya medyo binaba ko ang muka ko at nilapit ko sa muka nya. Halatang nagulat sya at napatingin sa mga kasama namin.

"Sino may sabi sayo na sagutin mo yung call ni Céline?"

"Lumayo ka sakin." Saad nya.

Pero dahil di nya sinagot ng maayos yung tanong ko, mas nilapit ko pa yung muka ko. Napansin ko na nakatingin saakin si Hope at Monique pero di lang din sila nakapag salita.

"Lumayo ka, di ka ba nahihiya? Nakatingin sila." Mahinang bulong nya.

"I don't care, kahit halikan pa kita sa harapan nila.."

"Halikan mo si Céline!" Sigaw nya.

Napatingin tuloy samin silang lahat. Napatakip sya sa bibig nya dahil sa pagsigaw nya. Pero nakita na kami sa ganong posisyon. Yung muka tuloy ng Kuya nya halatang nagulat. Kaya namula tuloy yung face nya.

"Anong ginagawa nyo dyan? Ikaw Dan ah." Pang aasar ni Cyn.

"Pinagseselos mo masyado si Happy, Doc Lee ayan tuloy." Saad naman ni Bianca.

Di ako nagsalita, binaling ko lang ulit ang tingin ko kay Chantel, saka ako umayos ng upo. Paglipas ng ilang minuto nakarating na kami sa bahay nila Kai at Bianca. Bumaba agad sya ng van kaya sinundan ko sya. Pagpasok nya sa pink car nya agad din akong sumakay. Napatingin sya sa passenger seat kung saan ako nakaupo.

"Leave me alone! Kanina ka pa ah!" Pagtataboy nya saakin.

"Nagseselos ka kay Céline? Di ko nga sinasagot yung call nya tapos ikaw sasagutin mo lang?"

"Akala ko matino ka, mas masahol ka pa pala saakin." Saad nya saka nya binuksan yung engine ng sasakyan.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Buti pa ako, kahit makipag one night stand ako sa ibang lalake dyan atleast aware ako na one night dahil una palang sinasabi ko na yung set up na gusto ko. Ikaw matindi, gusto mo mahuhulog muna sayo yung tao tapos pag na'inlove na di mo bibigyan ng label kasi nga duwag ka at takot ka sa commitment!"

"What? Lasing ka ba? Tubig lang naman ang ininom mo kanina?" Natatawang sagot ko sa kanya.

Napahawak ako bigla sa door handle ng bigla nyang tapakan ang acceleration ng sasakyan at mabilis yun na umandar.

"Ibunggo ko kaya itong sasakyan para parehas tayo mamatay, tapos kung sinong mapagpanggap sa hell mapupunta."

"Wait! Stop the car Chantel!" Pero mas lalo pa nyang binilisan yung pagpapatakbo.

"Hey! Mamatay tayo sa ginagawa mo! I said stop!"

Naitukod ko ang dalawang kamay ko sa compartment ng bigla nyang ihinto yung sasakyan.

"Are you insane!" Sigaw ko at saka ko tinaas ang handbrake.

" labas!" Sigaw nya.

"No way! Ibalik mo ako sa bahay nila Kai."

"Labas! Pag hindi ka lumabas papaandarin ko ulit to tapos ibubunggo ko!"

"What the fvck! Anong trip ito!"

"Ayaw mo talaga."

Mabilis nyang ibinaba yung handbrake ng sasakyan at walang pag-aalinlangan nyang pinaandar iyon ng mabilis.  Mahigpit ang kapit ko sa handle habang nakatingin sa unahan.

"Okay fine! Lalabas na ako ng sasakyan mo ihinto mo na!"

Hininto nya bigla ang sasakyan na halos ikasubsub ko naman. Napakagat ako sa labi ko sa inis sa babaeng to. Wala ba talaga syang pagpapahalaga sa buhay? Badtrip!

Bumaba ako ng sasakyan nya at pagbaba na pagbaba ko ay mabilis nya yung pinaandar.  Napabuntong hininga ako at saka nagsimulang maglakad pabalik sa bahay nila Kai. Habang naglalakad ako Nakasalubong ko si Harry. Hininto nya ang sasakyan nya at nag offer sya na ihatid ako pabalik sa bahay nila Kai. Nandun kasi yung car ko.

"Baliw talaga yang si Happy Doc Lee, pagpasensyahan mo na yang kapatid ko."

"Okay lang, may nasabi din ako sa kanya na ikinagalit nya." Pagsisinungaling ko nalang. Ayoko din kasi na mapagalitan si Chantel ng Kuya nya.

"Immature kasi yun si Happy at spoiled. Nasanay kasi sya na nakukuha lahat ng gusto nya at palaging binebeybi nila mommy at daddy kaya may pagka-maldita din."

"Okay naman si Chantel, actually masayahin sya at smart na babae. Muka lang syang Immature pero hindi." Pagkontra ko sa sinabi ni Harry.

Nakarating kami sa bahay nila Kai. Nagpasalamat din ako kay Harry bago ako bumaba ng sasakyan nya. Agad ko naman kinuha yung susi ng car ko para bukasan yun at magbiyahe na pabalik ng unit ko.

Pagkadating ko sa condo. Tinawagan ko si Chantel pero gaya ng inaasahan ko hindi nya sinagot yung call ko. Nagbukas ako ng Instagram ko at pinost ko yung picture nya habang hawak nya yung ikebana na ginagawa nya. Madaming ng react at nag comments. Madami din nag pm saakin at nagtatanong kung sino yung girl sa post ko. But I just ignored them.

Gusto ko lang na magpapansin kay Chantel, at gusto ko din sana na magexplain sa kanya na hindi ako takot sa commitment. To be honest nasabi ko sa sarili ko dati na I don't want to be involved or to have a commitment sa babae, but I prove na pag naramdaman mo yung love at alam mo na sya na ang taong gusto mo magiging ready ka on the spot.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon