Chapter 36

9.3K 293 56
                                    

Dannielle Aleena Lee POV

"Welcome Back, Doc Lee."

"Thanks team." I slightly smiled then walked straight to my office to do some paper works.

"I need a report on this matter. Would you send this file to the pathology department?"

"Yes, Doc Lee."

Nilapag ko yung file sa table at agad yun kinuha staff saka ito umalis. Napabuntong hininga ako, maaga palang pero pagod na ang pakiramdam ko dahil wala akong enough time to rest. May pasyente pa ako na isang bata na need ng heart transplant surgery dahil sa sakit nitong cardiomiopathy. Kaya kahit kararating ko lang, trabaho na agad.

Knock..knock..

"Get in."

"Doctor Lee, pinatawag po kayo ni Doctor Anderson sa office nya."

"Okay, just a moment.." Matipid na sagot ko saka ko sinarado ang laptop na nasa harapan ko. Tumayo ako at naglakad patungo sa office ni Kai. Pagdating ko sa office nya, sinalubong nya ako ng may malawak na ngiti.

"Welcome back Dan."

"Salamat Kai.. bakit mo pala ako pinatawag?" Derecho kong tanong.

"Wala naman, namiss lang kita kausap."

"Kai, madami akong gagawin. Pinatawag mo lang ako para sa chit-chat? Ano bang gusto mong pag-usapan?"

"Ano kaba, take it easy Dan. Kararating mo lang trabaho agad? Kaya hindi ka nagkakajowa."

"Wala akong balak." Matipid na sagot ko.

"Ang sungit mo naman, kaya natatakot sayo yung mga babae. Ngumiti ka din minsan." Biro nya saakin, kaya napangisi nalang ako at napailing. "Anyway, yayayain sana kita na mag-inuman mamaya after ng duty."

"Sige, yun lang pala. Sana nagtext ka nalang."

Natawa sya, saka nya kinuha ang isang paper bag at inabot yun saakin. Kunot-noo ko naman kinuha yun mula sa kamay nya.

"What's this?"

"Pinabibigay ni Bianca."

"Pakisabi kay Bianca, thank you.." Tinignan ko yung nasa loob ng paper bag. Coffee, biscuits, chocolates and  wine from Paris. May napansin din ako na may maliit na manika sa loob non kaya kinuha ko yun at tinignan. Medyo napangisi pa ako kasi pangbata yun, literal na manika na pinaglalaruan ng mga toddlers at malaki pa ang palad ko kaysa sa size no'n.

 Medyo napangisi pa ako kasi pangbata yun, literal na manika na pinaglalaruan ng mga toddlers at malaki pa ang palad ko kaysa sa size no'n

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Kai, kasama ba ito sa gift ni Bianca?" Natatawang tanong ko. Habang hawak ko yung maliit na manika at pinakita yun sa kanya.

"Ay, sorry nasama lang yan. Baka kay Kalie yang doll."

"Sino yun? May anak ulit kayo?" Natatakang tanong ko. Ang kilala ko lang kasi na mga bata ay sina kambal, si Blaire at Violet na anak ni Cyn, si Katelyn na anak ni Kate.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon