Chapter 9

10.5K 302 13
                                    

Happy Chantel Choi POV

"Happy!" Lilingunin ko na sana yung boses na tumawag sa pangalan ko nang biglang may umakbay sakin at pagtingin ko si Claude.

"Ano nanaman? Akala mo okay na tayo?" Mataray kong saad, saka ko Inalis ang kamay nya na naka-akbay sakin.

"Wag kana magtampo, ililibre nalang kita ng coffee." 

Napahinto ako sa paglalakad at saka humarap sa kanya.

"Sige pero ayoko ng coffee, gusto ko ng milk tea."

"Yun lang pala.. Tara na?"

"Wait kelangan ko muna mag-in baka mapagalitan ako ni Doc Lee."

Sinamahan ako ni Claude para mag-in, sinilip ko din yung office ni Doc Lee pero wala sya dun. Di naman siguro mahahalata kung lalabas lang ako saglit. Kinuha ko lang yung wallet at phone ko, saka kami pumunta sa Milk tea house na malapit lang dito sa Albany Hospital.

After namin bumili ng milk tea bumalik na din kami sa Hospital.

"Salamat sa milktea Claude."

"No problem, basta okay na tayo ah..kwits na." Nag-ismid nalang ako at tumango.

Naglakad ako papuntang office ni Doc Lee. Pagdating ko dun dahan-dahan kong binuksan yung pinto at saka sumilip. Nandun sya nakaupo sa swivel chair habang seryosong nakatingin sa laptop.

"You're late.." Sabi nya. Sinarado nya yung laptop at saka bumaling ng tingin sakin. Seryoso sya at mukang masungit nanaman.

"Ito yung card mo, simula ngayon sa Pathology Department kana mag-aasist."

"Talaga Doc Lee?.." Halos mapatalon ako sa saya at mabilis kong kinuha yung card ko. Oo nga, may one week pa akong training dito sa Albany at yung one week na yun sa Pathology Department na ako na-assign.

Mabilis akong kumilos, at nag tungo sa Pathology Department, pagdating ko dun agad kong nilapitan si Hope. Nagulat pa sya kasi makakasama ko sya ngayon. Sinabi ko sa kanya na buong week ako sa Pathology Department kaya tuwang tuwa sya.

Naging busy ang buong mag-hapon namin sa Laboratory. Sunod sunod ang biopsy test na ginawa namin ni Hope. Pero kahit na busy di kami nabored kasi nakakapag-kwentuhan kami kahit papano.

"Buti pinabalik kana ni Doc Lee dito sa Pathology?" Si Hope, sabay abot nya sakin ng kape.

"Oo nga eh.. ang hirap kaya pag sa iba-ibang Department ka pinapadala, nakakapagod."

"Lakas ng Trip ni Doc Lee, kung tutuusin una palang dapat nandito kana sa Pathology Department kasi dito naman talaga dapat tayo nag-aasist."

Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nya. Aaminin ko, kahit mahirap ang palipat-lipat ng Department, madami akong natutunan at dahil kay Doc Lee yun.

Natapos ang buong araw at uwian na, dumaan muna ako sa office nya, pero wala ulit sya. Tinignan ko yung table nya at may note dun. Kinuha ko yun at binasa. Napabagsak nalang ang balikat ko at kinuyum yung papel at tinapon yun sa basurahan.

Habang pauwi ng bahay tahimik lang ako, naiisip ko yung note nya. Ito naman yung gusto ko nung una ang lubayan ako ni Doc Lee pero bakit ganito? Nakakalungkot? Di ko tuloy maintindihan yung sarili ko. Simula ngayon kay Doc Cyn na ako magrereport at hindi na sa kanya? Sya naman yung nakapirma sa Training Card ko. Tapos ngayon bigla nya akong ipapasa kay Doc Cyn? Napabuntong hininga nalang ako habang nag-iisip. Tapos nakakaloka pa yung mood nya parang kagabi mabait lang sya at palaging nakangiti tapos kanina masungit at nakakatakot nanaman sya. Haist.. napasapo ako sa muka ko at sinampal-sampal ko ang pisnge ko. Napahinto nalang ako sa ginagawa ng makita ko na nakatingin sakin si manong na taxi driver mula sa rear view mirror.

Code Blue: Love (INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon