Happy POV
"Hey!"
Naramdaman ko na may humawak sa braso ko kaya tinabig ko agad ang kamay nya saka humarap sa kanya.
"What now?"
"Are you mad at me again?" Tanong nya.
"I'm not mad, wala lang akong sasabihin kaya nanahimik ako, isa pa ayoko lang ng center of the topic ako, kaya nga umalis na ako."
"Okay, I'm sorry about that. Bumalik kana dun di mo pa tapos yung lunch mo."
"No, busog na ako at uuwi na ako." Tumalikod ako sa kanya at nagpatuloy akong maglakad. Napansin ko naman na nakasunod sya sakin at pilit akong sinasabayan sa paglalakad. kaya napahinto nanaman ako.
"Ano ba? Bakit kaba sunod ng sunod?" Naiiritang tanong ko.
"Ihahatid kita sa inyo.. pauwi na din ako kaya sabay na tayo." Saad nya. Napansin ko na namumula ang muka nya. Nahihiya ba sya? Sabagay mainit kasi.
"Ganon? Okay sige.." sagot ko. Gusto pala nya maging driver ko , okay pagbibigyan kita Doc Lee. Sabay kami na naglakad papunta ng parking lot at pinuntahan yung sasakyan nya. Mukang nakuha na nya yung license nya.
Sumakay na kami sasakyan nya. Infairness ang bango at hmmn.. BMW. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko naalala ko kasi noong binato ko ng ice cream yung windshield nya.
"Ang init no.."
"Oo nga, pero Doc Lee bago mo ako ihatid sa bahay, pwede ba dumaan muna tayo kabilang City? Kukuhain ko lang yung mga dress na pinatahi ko."
"Ah okay." Matipid na sagot nya. Bahala ka dyan mag drive tutal nag volunteer ka diba? Goodluck sayo.
Nakarating kami sa kabilang City. Pinababa ko sya ng car. Madami kasi yung kukuhain ko dito kaya magpapatulong na din ako na magbuhat. Sa una parang ayaw pa nya pero sa huli bumaba na din sya ng sasakyan at saka namin kinuha yung mga dress na pinatahi ko.
"Ang dami naman nito." Halatang nagrereklamo sya.
"Oo, para kasi to sa boutique ko."
"May boutique ka?" Tanong nya, inilapag nya saglit yung box na hawak nya mukang nabigatan sya.
"Yes, fashion boutique." Sagot ko. Saka kami naglakad papunta sa car nya at nilagay namin sa likod ng sasakyan yung box na may laman na dresses.
After namin kuhain yung mga dress, dumerecho na kami sa bahay. Nasa labas si Daddy at tinitignan nya yung sasakyan nya.
"Hi Dad.." Greet ko kay Daddy saka ako humalik sa pisnge nya. Napatingin si Daddy kay Doc Lee, kaya pinakilala ko na din sya.
"Dad si Doctor Lee po."
"Good afternoon po." Sabi naman ni Doc Lee. Saka sya nakipag shake-hands kay Dad. Matipid naman na ngumiti si Dad at pinapasok na kami sa loob. Maya maya si Mommy naman ang sumalubong samin.
"Naku ang init ng panahon, come in and enjoy the aircon." Sabi ni Mommy, saka kami hinila papasok sa loob ng bahay.
Niyaya ko sya sa dining area para uminom ng Juice, ayaw pa sana nya kaso pinilit ko sya, baka sabihin pa nya ang sama ng ugali ko at di ko man lang sya pinainom.
"Kapatid mo si Harry Choi?"
"Huh?" Nailapag ko yung Juice na iniinom ko at saka tumingin sa kanya.
"Oo Kuya ko sya."
"Nakita ko yung family picture nyo sa living room. Magkapatid pala kayo." Napangisi sya. Naningkit tuloy yung mata ko saka ko sya tinignan. Di ba halata na Magkapatid kami? Sabagay matalino si Kuya Harry, samantala ako Tama lang. Pero mas madiskarte naman ako kaysa kay Kuya Harry.
Habang tinatapos namin yung Juice namin may narinig akong dalawang boses na pababa galing hagdan at pagtingin ko si Claude at si Kuya Harry. Napahinto si Claude magsalita, habang ako nakatitig sa kanya. Sabi nya pinatawag sya sa Ospital yun pala nandito lang sya kasama si Kuya Harry.
"Happy, nandito kana pala.." Sabi ni Claude habang palapit ito sakin.
"Sinungaling ka. Sabi mo nasa Hospital ka yun pala kasama mo lang si Kuya Harry."
"Sorry na, tinamad kasi ako pumunta ng mall." Sagot nya. Pero tinarayan ko lang sya.
Lumapit si Kuya Harry kay Doc Lee at nag-usap sila. Nakisali din si Claude sa kanila, pero paminsan minsa binibiro ako ni Claude, akala nya matatawa ako sa joke nya? Third wheel tuloy ako kanina.
Paglipas ng oras, nagpaalam na si Doc Lee na aalis. Hinatid namin sya hanggang sasakyan nya. Kinukulit parin ako ni Claude at nag sosorry sya pero di ko sya pinapansin. Napatingin si Doc Lee sakin saka ngumiti. Pero mabilis din nyang binawi yung tingin nya at saka sya bumaling ng tingin kay Claude. Napatingin tuloy ako kay Claude. Na curious ako kung bakit sya napatingin kay Claude.
"Bakit?" Tanong ni Claude. Umiling lang ako saka sya binatukan. Napakamot tuloy sya sa ulo nya.
"Wag kana mainis Happy, sa susunod sasamahan na kita. Para third wheel lang masyado mo naman dinadamdam."
"Ewan ko sayo.. don't talk to me." Mataray na sabi ko. Iniwan ko sila sa labas at pumasok na ako sa loob saka nagtungo sa kwarto ko.
Nagpalit muna ako ng damit at saka humiga. Di na muna ako lalabas mamaya. Dito nalang ako iinom sa kwarto ko. Gusto ko ng "Me" time. Iinom ako ng wine habang nagpa-pamper. Tagal ko nang hindi naglalagay ng mudpack sa face ko. Naramdaman ko na ang mga impurities sa balat ko.
Nakahiga lang ako sa bed habang nakatitig sa ceiling ng bigla kong naalala na nasa likod ng sasakyan nya yung mga box ng dress. Napabalikwas tuloy ako at agad kong kinuha ang phone ko para itext sya. Kaso umabot na ng 20 minutes pero di parin sya nag rereply.
Pinikit ko muna yung mata ko para umidlip. Pag gising ko gabi na. Agad kong tinignan ang cellphone ko at nagreply na sya. Bumangon na ako at umupo sa swivel chair saka nagreply sa kanya.
[ I forgot,😅 ihahatid ko nalang sa bahay nyo tonight.] - Doc Lee.
[ Thanks 😊.] Reply ko.
Pagkatapos ko magreply, nilapag ko na yung cellphone ko sa table at napatingin ako sa salamin. Ilang Segundo ko din tinitigan ang sarili ko bago ako napasampal sa muka ko. "Why I'am smiling?"
Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Kuya Harry. "when our brain feels happy, we smile; when we smile, our heart feels happier."
Geez! Ayoko ng utak ko.. feeling ko may seizure sa loob ng brain ko.
BINABASA MO ANG
Code Blue: Love (INTERSEX)
Romance[COMPLETED] Series IV-Intersex (Finished:JUNE 23, 2023) Dannielle Aleena Lee is a Cardiac Surgeon who works at Albany Medical Hospital. A former Volleyball coach who is a close friend of A-Doctors. (Kai, Kate, Cyn.) For Dannielle, career is the mo...